The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 4



Chapter 4

HINDI pa man natatapos si Shelly sa mapanuksong pagsasayaw sa harap ni Ansel ay bumangon na

siya mula sa kama at nilapitan ang dalaga. Agad na naglumikot ang kanyang mga kamay sa hubad na

katawan nito. Mariing hinalikan niya ang mga labi ng babae. Nagmamadali namang inalis nito ang

pagkakabutones ng kanyang polo. Huwebes pa lang ng araw na iyon at kadalasan ay Biyernes siya

nagpupunta sa exclusive bar na iyon na dati ay magkasama nilang pinupuntahan ni Alano.

Maaga siyang umalis ng kanyang opisina kaya alas-kuwatro pa lang ay nasa bar na siya. Mabuti na

lang at available si Shelly pagkarating niya roon. Shelly was one of his favorite dancers there.

Mayamaya ay darating na rin sa inookupa nilang kwarto sa itaas lang ng bar ang ipinatawag niyang si

Madel, gaya ni Shelly ay isa rin ito sa mga star dancers sa bar na iyon. Madel would join them in their

little feast. He normally could not satisfy his self with a single woman. He would need about two or

sometimes more than those.

He was that playful. He was that… needy.

Hindi nagtagal ay dumating si Madel. Nagpaubaya si Ansel sa dalawang babae nang hilahin siya ng

mga ito papunta sa kama. Pagod na ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang dalawa na alisin ang

kanyang damit. Ngayon lang siya nagpunta roon nang wala sa kondisyon. Ilang araw na siyang hindi

mapakali. At iyon ay dahil lang sa isang babae na ilang ulit na tumapak sa kanyang dignidad. Kahit sa

opisina ay si Yalena pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Matapos ang naging engkwentro nila ng dalaga noong Martes nang madaling-araw ay maaga siyang

umuwi kinahapunan para ibangon ang kanyang pride. Pero hindi niya na ito naabutan pa sa mansiyon.

Nakahanap na raw ang dalaga ng town house at agad na lumipat doon. Mahigit dalawang oras ang

layo ng town house nito mula sa mansiyon. Noong araw din na iyon ay kumuha ito ng bodyguard. Iyon

na ang huling balita niya tungkol sa dalaga mula kay Austin.

Matapos niyon ay parati nang nag-o-overtime si Ansel sa opisina pero sa kabila ng dami ng mga

trabaho niya ay ang dragon pa rin na iyon ang laman ng kanyang isip dahilan kung bakit ilang araw na

ring mainit ang ulo niya. Hindi siya sanay na nagkakaganoon. He wasn’t used thinking about women

knowing that he could have whoever he wanted anytime anyway.

Pero kakaiba si Yalena. Alam niyang dapat ay tigilan niya na ito dahil nasisiguro niyang mas malaking

komplikasyon ang idudulot ng dalaga sa kanya sa oras na ilapit niya nang tuluyan ang sarili rito.

Ngayon pa nga lang ay nagkakaganoon na siya, halos hindi niya na makilala at maunawaan ang sarili.

There was no one and nothing that he couldn’t handle before… until that dragon came. Ilang beses

niya nang muntik ikahiya ang sarili dahil sa mga naging engkwentro niya sa dalaga kaya ganoon na

lang ang pagpipigil niyang huwag itong puntahan kahit pa kabisado na niya ang address nito dahil pilit

na hiningi niya iyon mula kay Austin noong nakaraang araw.

“Attorney…” Napu-frustrate na dumilat si Ansel nang maramdaman niyang natigilan sina Shelly at

Madel sa ginagawa ng mga ito. Sumalubong sa kanya ang kaakit-akit na anyo ni Shelly sa kanyang

ibabaw habang nasa kanyang tabi naman ang hindi rin pahuhuling si Madel. They were both appealing

and as sexy as sin. But strange enough, he couldn’t feel anything.

Marahas siyang huminga. Hinila niya si Madel sa kanyang tabi at mapusok na hinalikan ang mga labi

nito. She expertly kissed him back. Pero nanatiling hungkag ang pakiramdam niya. Ilang sandali lang

ay naglaro na sa kanyang isipan ang mukha ni Yalena. Agad na bumitaw siya kay Madel.

Tuluyan nang bumangon at nagbihis si Ansel. He couldn’t do it anymore. Pakiramdam niya ay

nagkakasala siya at ni hindi niya maunawaan kung bakit. Nag-iwan na lang siya ng pera sa bedside

table at nagmamadaling lumabas ng bar.

Agad na dumeretso siya sa kanyang kotse. Iisang babae lang ang gusto niyang makita, ang gusto

niyang marinig, ang gusto niyang mahawakan at mahalikan. Pero duda siya kung magagawa niyang

basagin ang depensa ng babaeng iyon.

Attorney… what am I going to do with you?

PASIMPLENG pinindot ni Yalena ang button sa likod ng hugis krus na pendant ng suot niyang kwintas

nang makababa na siya ng kanyang kotse. White gold necklace recorder iyon na binili niya pa sa

Japan tatlong taon na ang nakararaan. Ginagamit niya iyon sa kanyang mga kliyente, sa kanyang mga

iniimbestigahan o `di kaya ay sa mga nakakasalamuha niya na pinagdududahan niya.

Matapos niyang mabasa ang file na ipinadala ni Radha sa e-mail ay nag-iba na ang kutob niya dahilan

kung bakit hindi niya na ipinatuloy kay Dennis ang kotse sa garahe ng town house niya.

Si Dennis ang kinuha ni Radha na bodyguard para sa kanya. There was something mysterious about

the man. Nang igiit ng kakambal niya na magkaroon siya ng bodyguard ay pumayag na rin siya para

mapalagay ang loob nito. Pero kasabay niyon ay ipina-trace ni Yalena kay Radha ang background ng

kinuha nitong si Dennis dahil ikinasorpresa niya nang mabasa sa resume nito na ito pala mismo ang

may-ari ng security agency na pinuntahan ni Radha pero sa halip na magpadala na lang ito ng tauhan

ay ang sarili mismo ang ipinadala sa kanya. Mabuti na lang at mabilis si Radha kaya pagkalipas ng

kulang dalawang araw ay nakakuha na ito ng kumpletong impormasyon.

Kung tutuusin ay pwede namang direktang tanungin na lang ni Yalena si Dennis pero gusto niya

munang makasiguro na may hawak na siyang impormasyon para madali niyang matuklasan kung totoo

ang mga sasabihin nito. Pwede din siyang magpalit na lang ng bodyguard kung gugustuhin niya pero

malakas ang kanyang kutob na may maitutulong sa kanya si Dennis bukod sa pagbabantay sa

kanyang seguridad… At tama nga ang kanyang hinala.

Nalutas na ang problema patungkol sa kanyang kaligtasan. Ayon kay Maggy ay si Ansel ang siyang

nag-asikaso niyon. Gaya nang inaasahan ay hindi kalayuan sa gusali ng McClennan Corporation

nagmanman ang mga lalaking sumusunod sa kanya noong araw na makarating siya sa bansa.

Kinabukasan, dahil nakilala ni Ansel ang sasakyan ay nilapitan iyon ng magkakapatid na McClennan

kasama ang mga pulis na nakasibilyan. Wala nang nagawa ang apat na kalalakihan nang palibutan

ang mga ito. Agad na kumanta ang mga Amerikano.

Tama ang hinala ni Yalena. Tauhan ito ng bise gobernador sa Nevada na ipinakulong niya noon dahil

sa panggagahasa sa secretary nito nang paulit-ulit noon. Nahirapan siya sa kasong iyon dahil ang

kapatid pa ni Mary, ang secretary ng bise gobernador, ang humingi ng serbisyo niya pero dahil sa

pagbabanta noon ng bise gobernador sa secretary nito ay natakot ang huling ipagtapat ang

katotohanan.

Ilang buwan na hinawakan ni Yalena ang kaso noon na umani pa ng interes ng media dahil isang

politiko ang inakusahan niya. Mga tauhan din ng bise gobernador ang nagpaulan ng bala noon sa

kanyang apartment sa Los Angeles. Nakakulong na ngayon ang kalalakihan sa patong-patong na mga

kasong isinampa niya sa mga ito.

Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin mapakali sina Maggy at Clarice na siyang pinuntahan nila ni

Dennis nang araw na iyon. Nakipagkita siya sa dalawa sa isang restaurant. Kasama na ni Maggy si

Clarice na nag-suggest sa kanya na mag-retire na sa pagiging abogada at tulungan na lang ang mga

itong pamahalaan ang YCM Hotel and Resorts.

Napabuntong-hininga si Yalena. Naupo siya sa hood ng kanyang kotse na ipinarada ni Dennis sa tapat

ng gate ng kanyang bahay. Ang lahat ng iyon ay utang-na-loob niya kay Radha. Ito ang nag-asikaso ng

mga papeles para sa kanyang town house at sasakyan. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Parang

nakaunawa namang doon naupo si Dennis.

“Dennis Almeda, spill it out. What are you up to?” hindi na nagpaligoy-ligoy pang tanong ni Yalena.

Humarap siya kay Dennis. Ayon sa mga impormasyong ipinadala sa kanya ni Radha ay totoo ngang

binata pa ang bodyguard niya. Pinagmasdan niya ito. Moreno si Dennis pero hindi iyon nakabawas sa

angking appeal nito. Hindi iyong masasabing gwapo pero makisig ito at malakas ang dating.

Nagkibit-balikat si Dennis at sinalubong ang mga mata ni Yalena. “I’m sure you already did a

background check on me.”

Napatango-tango si Yalena. “Still, I want to hear the answer straight from you.”

“Bakit ka bumalik sa Pilipinas?” sa halip ay tanong ni Dennis. “You could have just stayed in Nevada

than go back to the very place and people that caused you misery.”

Napangiti si Yalena. Kung ganoon ay alam din ng binata ang tungkol sa buo niyang pagkatao. Wala na

pala silang maililihim mula sa isa’t isa.

Ayon sa file na ipinadala ni Radha ay may asawa noon si Dennis at mga magulang. Pero namatay na

ang mga iyon labintatlong taon na ang nakararaan. Dating nakatira sa squatters’ area sa Valenzuela

sina Dennis. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nito noon ay pagmamay-ari ng isang bise alkalde. Pero

hinayaan lang ng bise alkalde na mayroong tumira sa lupain dahil nagagamit nito ang mga taong iyon

tuwing eleksiyon na siyang mga bumoboto rito. Hanggang sa isang araw ay mayroong negosyanteng

nagkainteres sa lupain nito: si Benedict McClennan.

Matapos ma-reelect ang bise alkalde ay pumayag na ito na ibenta kay Benedict ang lupa pero doble

ang halagang hiningi nito na sinang-ayunan naman ni Benedict dahil commercial at maganda ang

lokasyon ng lupang pagmamay-ari ng bise-alkalde. Nagbigay si Benedict ng isang buwan sa mga

mamamayan doon para makahanap ang mga iyon ng panibagong tirahan.

Walang nagawa ang mga squatters. Natuliro ang mga ito sa paghahanap nang matutuluyan. Pero hindi

sumunod sa usapan si Benedict. Dalawang araw bago ang isang buwan na palugit na ibinigay nito ay

sinimulan na nito ang pagpapagiba sa mga kabahayan nang dumating na ang mga contractors na

kinuha nito para sa lupaing binili.

Naalarma ang mga squatter sa nangyari. Nagkainitan ang mga ito at ang mga tauhang ipinadala ni

Benedict. Lumaban ang mga tagaroon para maprotektahan ang bahay at gamit ng mga ito na kasama

na sa tinitibag ng mga tauhan ni Benedict. Labimpito ang namatay sa insidente, kabilang na roon ang

pamilya ni Dennis. Ang huli ng mga panahong iyon ay nasa Saudi at nagtatrabaho bilang mekaniko.

Matapos niyon ay pinatayuan ni Benedict ng resort ang lugar.

Hanggang ngayon, namamangha pa rin si Yalena tuwing may natutuklasan siyang kalupitang ginawa

ni Benedict noon. Ni hindi man lang kumalat ang nangyaring insidente. Hindi rin iyon nalimbag sa

anumang pahayagan. Mabuti na lang at expert sa paghuhukay ng mga impormasyon si Radha at hindi

nakaligtas dito ang mga nangyari noon sa pamilya Almeda.

Ayon sa impormasyon ni Yalena mula kay Radha ay isa si Dennis sa mga nagtangkang magsampa ng

kaso laban kay Benedict pero ibinasura lang iyon ng korte. Matapos niyon ay nagsikap sa

pagtatrabaho si Dennis at pilit na pinaunlad ang sarili sa nakalipas na labintatlong taon hanggang sa ito

na ngayon ang nagmamay-ari ng isang kilalang security agency sa bansa. Halos pareho lang sila ng

binata na galit at sakit ang ginawang mga puhunan at motivation para magtagumpay sa buhay.

“I didn’t plan to leave the Philippines permanently,” sa wakas ay sagot ni Yalena. “I just left to become

stronger and wiser. I came back for revenge.”

“Ilang beses ko nang pinagpaplanuhan kung paano makakalapit sa `yo simula nang malaman kong

nakabalik ka na sa Pilipinas. You knew how hard it was to find Benedict that’s why I was aiming to find

an ally. Hindi ako naniniwala sa pinalabas ng mga anak niya na nasa iba’t ibang bansa si Benedict

para magbakasyon. Kaya naghanap ako ng katulad ko sa nakalipas na mga taon. Bawat mga

nakakasalamuha ng magkakapatid na McClennan ay pinaiimbestigahan ko.

“I came across with you, Maggy, and Clarice. Pero hindi ako nakalapit sa kanila dahil mahigpit ang

pambabakod ng mga McClennan sa kanila hanggang sa nagulat ako nang magpakasal sila sa mga

kalaban.” Marahas na napabuga ng hangin si Dennis. “You see, right now, you’re my only hope, Ma’am

Yalena. I prayed that you’d be different. So I grabbed the opportunity when I found out that you’re

looking for a bodyguard. Dahil sino-sino pa ba ang mga magtutulungan… kundi ang mga taong

inagawan ng katarungan?”

Hindi nakaligtas kay Yalena ang pagdaan ng pagkasuklam sa mga mata ni Dennis.

“My wife was four months pregnant when she died.” Napasinghap si Yalena. Hindi iyon kasama sa mga

impormasyong nabasa niya. “Our baby was the reason why I left the Philippines. Dahil ginusto kong

mabigyan sila ng magandang buhay kahit paano. Pero ni hindi ko natapos ang kontrata ko sa Saudi

nang malaman ko ang nangyari. Tinawagan ako ng kaibigan ko. He told me that they were anxious

when Benedict’s men started to pull out their guns. Doon nagkagulo lalo na nang magpaputok na ang

mga iyon. Natamaan ng ligaw na bala si Melissa, ang asawa ko. Inatake sa puso si Inay.”

Napayuko si Dennis. “The people, who went alarmed, started fighting back. Nang magpaputok na daw

ng baril ang mga tauhan ni Benedict, one of the bullets ended my father’s life. Dapat umpisa pa lang,

hindi na sila naglabas ng mga baril. Dapat tumawag na lang sila ng mga pulis.” Grief was visible in his

voice. “Dahil aalis din naman ang mga squatters. Nabigla lang sila sa nangyari dahil hindi tumupad si

Benedict sa usapan na isang buwan.

“You know what’s even crazier? Sugatan lang ang mga tauhan ni Benedict pero walang nagbuwis ng

buhay.” Mapaklang natawa si Dennis. “Pagkalipas ng dalawang araw, nang wala nang matira sa

lupaing iyon, sinimulan ang construction na parang walang nangyari.” Gumuhit ang sakit sa mga mata

ni Dennis nang humarap kay Yalena. “I want revenge desperately, Ma’am Yalena. I want that

Benedict’s life. I want that two-faced bastard to rot in hell!”

Ilang sandaling natahimik si Yalena. Ang sakit sa mga mata ni Dennis, ang sakit ng pinagkaitan, ang

sakit ng nawalan at niloko, iyon ang araw-araw na nakikita niya sa sariling reflection tuwing humaharap

siya sa salamin. Tama nga siya. Pareho lang sila nito na nakakulong sa nakaraan. Hindi sila

makabangon dahil kailangan nila ng closure. And Benedict was that closure. Ang matandang lalaki ang

susi na kakailanganin nila para tuluyang maisara ang pinto ng nakaraan.

Inabot ni Yalena ang kamay ni Dennis. Napatitig ito sa kanya. “Gusto kita. Alam mo kung sino ang Belongs to © n0velDrama.Org.

kakaibiganin mo. Many times over the last years, I wished Benedict dead so I wouldn’t have to come

back here anymore, so I could finally move on. But then again, he remains alive.” Napahugot siya nang

malalim na hininga. “Simula ngayon, tawagin mo na lang akong Yalena—” Hindi pa man siya natatapos

sa mga sasabihin nang pareho silang masilaw sa headlights ng isang kadarating lang na sasakyan.

Huminto iyon sa tapat ng kanyang kotse.

Agad na nakilala ni Yalena ang itim na sports car na iyon. Dahil iyon din ang mismong sinakyan niya

noon para mapuntahan ang kakambal. Mula roon ay bumaba ang nakakunot-noong si Ansel. Agad na

tumuon ang mga mata nito sa kamay niyang nakahawak kay Dennis.

Parang sumisingasing na leon na lumapit ito sa kanya at pinaghiwalay ang mga kamay nila ni Dennis.

Napailing ang huli.

“Sige, Yalena, papasok na muna ako sa loob para magluto ng hapunan natin. Just call me if you need

me.”

Nang tumango si Yalena ay tumayo na si Dennis at dumeretso sa loob ng kanyang bahay. Stay-in ito

roon pero sa kotse ito natutulog tuwing gabi. Nakakapasok lang ito sa loob kapag kakain, maliligo, at

magbibihis pero hindi ito tumatagal ng tatlumpung minuto. Ito na rin ang nagluluto para sa kanila.

Simula nang atakihin sa puso ang kanyang Tito Harry na siyang ikinamatay nito mahigit apat na taon

na ang nakararaan ay hindi na siya muli pang nagtangkang makialam sa kusina dahil naaalala niya

lang ang tiyuhin, naaalala niya lang na muli siyang nawalan.

“’Yon ba ang bodyguard mo?” Tumango lang si Yalena. Kumunot ang noo ni Ansel. Naupo ito sa space

na binakante ni Dennis. “What? Bodyguard mo lang siya pero hinahayaan mo na siyang tawagin ka sa

pangalan mo habang ako ay required na tawagin kang Attorney de Lara? Nasaan naman ang hustisya

ro’n? Saka kailan mo lang siya nakilala pero hinahayaan mo rin siyang hawakan agad ang kamay mo?”

Kumunot ang noo ni Yalena. “Teka, ano ba’ng problema mo?”

“Kayo. Kayo ng gwardiyang iyon ang problema. Alisin mo na siya. Ako na lang ang gawin mong

bodyguard.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.