Chapter 3
Chapter 3
“DO YOU like it?”
Agad na nag-angat ng mukha ang dose-anyos na si Yalena nang marinig ang pamilyar na boses na
iyon ng Tito Benedict niya. Nangingislap ang mga matang tumango siya habang hawak ang isang
korona. Magaan ang loob niya sa matanda, ganoon din ang kakambal niyang si Maggy pero
bahagyang mailap dito ang matalik na kaibigan nilang si Clarice.
Kahit na walang espesyal na okasyon ay may mga regalo silang natatanggap mula sa Tito Benedict
nila. At ang pinakagusto niya sa mga ibinigay nito ay ang koronang kabibigay lang sa kanya nang araw
na iyon. Nagpunta ito sa kanilang mansiyon dahil may mahalaga daw itong pag-uusapan sa library
kasama ng mga ama nila ni Clarice na may kinalaman sa negosyo kung saan magkasosyo ang mga
ito. Nagkataong naunang dumating ang kanyang Tito Benedict at naabutan siya sa pool area na
naglalaro ng kanyang manika. Natutulog pa si Maggy kaya nag-iisa lang siya roon.
“Thank you, Tito Ben.”
Ngumiti si Benedict at marahang pinisil ang mga pisngi ni Yalena. Inabot nito sa kanya ang dalawa
pang may-kalakihang kahon na tulad nang ibinigay nito sa kanya. “Para ito kina Maggy at Clarice. Ikaw
na lang ang magbigay, ha?”
Muling tumango si Yalena. Kinuha ni Benedict ang korona mula sa kanya at isinuot sa kanyang ulo.
Maliit lang iyon na parang para sa isang prinsesita. Kulay-silver iyon. Sa gitna niyon ay may mga
kumikinang na para bang diyamante.
“Take care of this, all right? I had your crowns personalized by my friend. He makes jewelries.” Nang
matapos si Benedict ay bahagya pa nitong inayos ang kanyang buhok. “Hayan, mukha ka na talagang
isang prinsesa, Yana, isang napakagandang prinsesa. You know, given a chance, I want you to meet
my sons. They’re not princes’ but I assure you, they’re great knights.” Kinindatan siya nito. “Mabubuti
silang mga anak. Mana sa Mommy nila.”
“Bakit po sa Mommy lang nila at hindi sa inyo?” Nagsalubong ang mga kilay ni Yalena. “You are a
wonderful person, too, Tito Ben.”
Bumuntong-hininga si Benedict. “You can’t be sure of that, princess.”
“Sigurado po ako sa bagay na `yon, Tito Ben. Mabait po kayo sa amin. Maggy wonders why because
she said you’re too nice and I answered because it’s in your blood. You are born kind.”
“Hindi iyon dahil mabait ako. It’s just that you, Maggy, and Clarice remind me of my sons. Gaya n’yo ay
masunuring bata rin ang mga iyon. Sana pagdating ng panahon ay hindi nila pagdaanan ang mga
pinagdaanan ko. Gusto kong makahanap rin sila ng gaya n’yo.” Muling bumuntong-hininga si Benedict
nang muling makita ang pagsalubong ng mga kilay ni Yalena. “Bata ka pa kasi kaya hindi mo pa ako
maiintindihan.”
Naupo si Benedict sa tabi niya at dinukot ang wallet sa bulsa ng pantalon nito. Mula roon ay humugot
ito ng isang litrato at ipinakita sa kanya. Bumungad sa kanya ang tatlong mga nakangiting binatilyo.
“Sila ang mga anak ko.” Isa-isang itinuro ni Benedict at binanggit ang mga pangalan ng mga iyon kay
Yalena. “And this is my eldest son, Ansel, my younger version as Alexandra said. He’s four years older
than you are. Sa kanilang tatlo ay siya ang bata pa lang ay nagsabi nang gusto niyang maging tulad
ko. Gusto niya ring maging businessman. I want him to be a businessman, no doubt. But I don’t want
him to be like me.”
“But why?” tanong ni Yalena habang nanatiling nakatitig sa litrato. Pero kay Ansel mas tumutok ang
kanyang mga mata. Matagal na nilang alam na may mga anak si Tito Benedict sa Boston pero ngayon
lang ito nagkwento ng tungkol sa mga iyon. Ngayon din lang nito ipinakita ang litrato ng tatlo at
ikinatutuwa niyang mukhang sa kanya pa unang ipinakita iyon.
“Nah, I keep saying things you wouldn’t understand. I’m sorry.”
“It’s okay.” Naguguluhan man ay tumango na lang si Yalena habang hindi inaalis ang mga mata kay
Ansel. Pare-parehong nakasuot ng suit ang tatlong binatilyo. Base sa Christmas tree sa likuran ng mga
ito ay lumalabas na noong nakaraang pasko pa kinuha ang litrato. Si Ansel, bilang pinakamatanda ang
siyang pinakamatangkad. Gustong-gusto niya ang ngiti nito roon. Pilyo pero mukhang sincere ang mga
mata. Kumikinang ang asul na asul na mga mata nito. Makatawag-pansin din ang hanggang balikat na
itim na itim na buhok nito, ang nag-iisang bagay na hindi nito nakuha sa ama.
Nag-angat si Yalena ng mukha at pinagmasdan ang Tito Benedict niya. “Tama po kayo. Kamukhang-
kamukha kayo ni Ansel. But I think…” Mapaglarong ngumiti siya. “He’s more handsome than you are,
Tito Ben.”
Tumawa ang matanda. “Aha! You like my eldest, don’t you?”
Naramdaman ni Yalena ang pag-iinit ng kanyang mukha. Wala pa siyang natatandaang hinangaan sa
mga binatilyong nakakasalamuha nila nina Maggy at Clarice sa eskwela pati na sa kanilang village.
Pero sa palagay niya ay magbabago na iyon. Gustong-gusto niya ang mukha ni Ansel. Ang sarap
niyon pagmasdan. At ang magaan na pakiramdam na hatid ng pagtitig dito ay damang-dama niya sa
kanyang puso; puso niyang parang nakangiti rin nang mga sandaling iyon. “Gusto ko siyang makita,
Tito Ben,” sa halip ay sagot niya. “Do you think he will like me, too?”
“What do you want to be when you grow up?” sa halip ay tanong nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Yalena. Hindi pa iyon pumapasok sa isip niya. Mayamaya ay
napahawak siya sa kanyang korona. “I don’t know yet, Tito Ben.” Naalala niya ang mukha ng mga
magulang. “Pero sigurado akong gusto kong maging tulad ni Mommy. Ang sabi ni Daddy, si Mommy
daw ang kanyang prinsesa bago sila ikasal. And now, Mommy became his queen. Maggy and I
became his princesses. Gusto ko rin nang gano’n, Tito Ben. I want to be somebody’s princess.”
Pinagmasdan si Yalena ng Tito Benedict niya. Magiliw na ngumiti ito. “Sino ba ang hindi magugustuhan
ang munting prinsesang gaya mo? But then again, just in case, you have to bear with my eldest. I told
you he’s not a prince. But you, Yana, stay that way, okay? Stay a princess.”
NANINIKIP ang dibdib na bumangon si Yalena sa mga naalala. Ilang oras na siyang nakahiga sa
malaking kama sa inookupa niyang kwarto pero hindi pa rin siya makatulog. Pagod na pagod ang
katawan niya pero ayaw siyang hayaan ng kanyang isip na makatulog at makapagpahinga dahil abala
iyon sa paglalakbay pabalik sa nakaraan. Hindi niya alam kung paano nagagawang makatulog ni
Maggy sa mansiyon na iyon. Knowing that she was inside the enemy’s domain brought back countless
of memories, memories that she wished she could finally forget.
Naalala niya ang litratong ipinakita sa kanya noon ni Benedict. Ibinigay na nito iyon sa kanya at siya
naman itong tanga, sa kabila ng matinding galit sa matanda ay hindi niya iyon nagawang isama sa
mga regalong sinira at itinapon na niya. Sa halip ay iningatan niya pa ang litrato. Dahil noon pa man,
nagkagusto na siya sa isang McClennan. Nagkagusto na siya kay Ansel. At twelve, she had adored the
younger version of Benedict. Kaya nang mangyari ang trahedya noon sa kanyang pamilya ay nawasak
ang lahat sa kanya. Hindi niya na muli pang magawang tingnan ang litrato. Itinago niya na lang iyon.
Nasira ang mga pinaniniwalaan ni Yalena tungkol sa pagkakaibigan, tungkol sa pagmamahal. Para sa
kanya, lahat ng ipinakita noon ni Benedict ay puro paimbabaw lang. Nakakatakot ito dahil iba ang lalaki
kung magmahal; makasarili. Sa likod ng maamo nitong mga mata ay nagtatago ang isang halimaw na
walang pakundangan kung pumatay ng kapwa nito.
Nang yumao ang kanyang mga magulang, tinangay niyon ang lahat ng kanyang pag-asa at lakas. Sa
takot niya ay ginusto niya na ring sumunod sa mga ito kung hindi lang dahil kay Maggy. Kay tagal na
naging sanhi si Benedict ng kanyang mga bangungot. Nang sa wakas ay magawa niyang bumangon,
nagsimula siyang mangarap. Ginusto niyang maging abogada nang sa ganoon, sa muli nilang
paghaharap ni Benedict ay siya mismo ang magsasampa ng kaso laban rito, siya mismo ang
magpapakulong sa matanda.
Ginawa ni Yalena ang lahat para maging matagumpay. Nagsikap siya hanggang sa unti-unti ay
makilala ang pangalan niya sa Nevada dahil sa mga kasong kanyang hinawakan. Nagsimulang lumapit
sa realidad ang mga gusto niya. Hindi tulad noon na naniniwala pa siya sa fairy tale, sa prinsesa’t
prinsipe, sa hari at reyna pati na sa mga kawal ng mga iyon. Dahil walang mga ganoon sa totoong
mundo. O kung mayroon man ay matagal ng sumakabilang-buhay at iyon ay ang kanyang mga
magulang, ang orihinal na prinsesa at prinsipe.
The princess in her died a long time ago.
Napasulyap si Yalena sa wall clock sa tapat ng kanyang kama. Alas-tres pa lang nang madaling-araw.
Bumangon na siya at pinatungan lang ng robe ang suot na negligee. Lumabas siya ng kanyang kwarto
at bumaba. Nagpunta siya sa kusina. Hindi na siya nag-abalang buksan pa ang mga ilaw.
Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Nagsalin siya niyon sa isang baso at
deretsong inubos ang laman niyon. Humila siya ng isang silya sa dining table at naupo.
Napahawak siya sa kanyang noo. Kailangang sa araw rin na iyon ay makahanap na siya ng ibang
matutuluyan. Hindi niya kayang patuloy na manatili roon kahit na mangangahulugan iyon ng pagsira
niya ng pangako sa sarili na sasamahan ang kapatid.
Naalala ni Yalena si Radha. Ayon sa kakambal ay bumalik na sa pagtatrabaho sa kanila si Radha kahit
katatapos pa lang ng kasal nito. Nang matuklasan nito ang nangyari sa kanya sa Los Angeles ay agad
itong bumalik. Makasarili nga siguro siya pero pabor iyon sa kanya.
Gagamitin niya ang utang-na-loob sa kanya ni Radha at ang sigaw ng konsensiyang nadarama nito
para patuloy na makapagtrabaho pero sa pagkakataong iyon ay para na lang sa kanya hanggang sa
matapos umano ang mga gusto niyang gawin sa Pilipinas dahil tapos na ang misyon nito kay Maggy.
Si Radha lang ang pinagkakatiwalaan niyang makagagawa nang maayos ng mga iniuutos niya.
“Tingnan mo nga naman, pareho pa tayo ng sitwasyon. Parehong restless at hindi makatulog,” anang
isang baritong boses. “Don’t you think this is destiny or something?”
Hindi nag-angat ng mukha si Yalena kahit pa naramdaman niya ang paghila ng upuan ni Ansel sa tabi
niya. Ang binata ang dahilan kung bakit hindi siya sumama sa hapunan noong nagdaang gabi. Hindi
niya gusto ang nadaramang tensiyon tuwing nakikita ito lalo na nang malaman niya mula sa kakambal
na siyang naghatid ng hapunan niya na lumipat ng kwarto si Ansel sa tabi ng kanyang kwarto.
Kilala niya na ang ugali ng binata. Ang tatlong magkakapatid na McClennan ang pinaimbestigahan
noon ni Maggy kay Radha. Hanggang ngayon ay kabisado niya pa ang ilang mga nilalaman ng
researches ni Radha tungkol kay Ansel. Ilang beses na mas babaero ito kaysa kay Alano. Hindi
nakikipagrelasyon ang lalaki dahil madali itong magsawa sa iisang babae lang. Bukod pa roon ay
nakukuha nito ang sinumang gustuhin. Hindi ito kahit kailan nakaranas na tinanggihan at pinahiya ng
isang babae kaya siguro ay isang pagsubok ngayon sa pagkalalaki nito kung ituring siya.
Destiny? Napakahirap paniwalaan iyon mula sa isang batikan sa mga kalahi ni Eba na tulad ni Ansel.
“Cut the crap, Mr. McClennan,” mayamaya ay namamaos na sinabi ni Yalena. “`Wag kang
magbabanggit ng mga salitang hindi pamilyar sa `yo. Napaghahalataang wala kang alam. Destiny… do
you even know a thing about it?”
“Ouch. Ganyan ba talaga ang mga dragon? Walang pinipiling panahon, basta na lang nagbubuga ng
apoy?” Marahang natawa si Ansel. “But sorry about that, Attorney. It was just the line I heard from one
of my staff. It worked on someone. I thought it would work on you, too. Nakalimutan kong kakaiba ka
nga pala. Hindi pala uubra sa `yo ang mga gano’ng bagay. But come on. Don’t you believe in destiny?
In… love?” Agad na nag-iba ang tono nito. Naging mapanghalina iyon. “You’re right, you know. Wala
akong alam sa mga gano’ng bagay. Kaya maganda siguro kung…matuturuan mo ako. I’m a fast-
learner, I promise.”
Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Yalena. Agad na sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ni This content provided by N(o)velDrama].[Org.
Ansel na kaunti na lang ang layo sa kanya. Bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag na dulot ng mga
binuksan nitong ilaw. Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang unti-unting lumitaw ang mapanuksong
ngiti ng binata. Wala itong suot na pantaas kaya nakahantad sa kanyang mga mata ang malalapad
nitong dibdib.
“Tama na, Yana. Itigil mo na ang paghihiganti. You can’t continue living in the past. Start living in the
present,” naalala ni Yalena na nakikiusap na sinabi ni Maggy noong nagdaang gabi nang igiit niya ang
gusto na ipagpatuloy ang kanyang misyon. Pero ipinagkait nito sa kanya pati na ni Clarice ang
kasalukuyang tinutuluyan ni Benedict.
Noon ay tatlo pa silang umupa ng mga private investigators para matunton ang kinaroroonan ng
matandang McClennan pero nabigo ang mga iyon na mahanap ang lalaki. Ngayon sa wakas ay may
alam na sina Maggy at Clarice tungkol sa location ni Benedict. Pero ipinagkakait ng mga ito sa kanya
ang impormasyon na iyon. Bumigat ang dibdib ni Yalena. Nanumbalik ang sama ng loob at sakit sa
kanyang puso para sa kakambal at sa matalik na kaibigan.
“Ayokong masaktan ka na naman. Lahat ng mga pinagdaanan mo simula noong maliliit pa tayo
hanggang sa naranasan mo sa L.A, hanggang sa pagsunod sa `yo rito ng mga alagad ng mga
nakabangga mo sa korte ay sobra-sobra na. Listen to me, Yana.” Hinawakan ni Maggy ang mukha ni
Yalena. “We are not really vengeful. We are not really that strong. This isn’t us, Yana. This isn’t you.
Nabubulagan ka lang ng galit mo. Pakawalan mo na ang nakaraan. Dahil kahit paulit-ulit kang bumalik
doon, wala nang magbabago. Masasaktan ka lang lalo.
“Pinagbabayaran na ni Benedict ang mga kasalanan niya. Siguradong masaya na ang mga magulang
natin sa kung saan ngayon. Kung susubukan mong mangarap ng iba para sa hinaharap, wouldn’t you
feel a tinge of excitement? Of hope?” Masuyong ngumiti si Maggy. “Isn’t it tiring to keep looking
behind? Aren’t you thrilled to see what’s in front of you this time? Dream… something different, Yana.
You’ve been holding it in for far too long. Please let it go now.”
“I’m sorry.” Nahiga na si Yalena sa kama, patalikod sa gawi ng kakambal. “I forgot you’ve moved on
and that I haven’t.”
“I CAN’T… teach you things I don’t know.” Mapait na napangiti si Yalena. Masyado niyang pinagtuunan
nang pansin kung paano makapaghihiganti kaya nalimutan niya na kung paano ang magmahal.
Marami rin ang nanligaw sa kanya sa Nevada lalo na nang maging sikat siyang abogada pero hindi
niya maharap maski ang pakikipag-date dahil nawalan na siya ng kakayahang maniwala pa sa mga
naririnig o `di kaya ay sa mga nababasang emosyon sa mga mata ng sinuman. Dahil nalinlang na siya
noon.
At hindi malabong isa ring manlilinlang ang lalaking kaharap niya ngayon kung ganoong halos lahat-
ayon sa kanyang mga nalamang impormasyon mula kay Radha-ay namana ni Ansel mula sa ama nito.
“Besides, don’t you dare try to play games with me, Mr. McClennan. Hindi ako mahilig makipaglaro.
Pero choosy ako sa oras na gustuhin ko nang maglaro. Pinipili ko ang mga nagiging kalaro ko. In this
case, ayoko sa `yo. I’m not interested.”
“You’re not interested or you’re afraid you might lose? Sayang.” Pumalatak si Ansel. “One of the many
things I love about life is its games. I love it when I win.”
“One of the many things I hate about the world is the likes of you, you arrogant bastard.” Tumayo na si
Yalena. Kumuyom ang kanyang mga kamay nang maalala kung paano namatay ang mga magulang.
Ganoon din ba ang pananaw noon ni Benedict? Na isang laro lang ang buhay?
Naglaho ang kislap sa mga mata ni Ansel. “Bastard, huh? Umamin ka nga, Attorney. Ano ba’ng
nagawa namin sa ‘yo? Bakit ganyan ka sa kapatid ko? Bakit ganyan ka sa amin? Bakit para kang galit
na galit sa aming lahat? Ang sabi mo kahapon, you don’t usually hate everyone except for
McClennan’s. What is wrong with being a McClennan?”
Dahil kadugo n’yo si Benedict! Dahil kriminal ang ama mo! Dahil pinatay niya ang mga magulang ko!
Tumaas-baba ang dibdib ni Yalena. Nag-init ang mga mata niya nang maalala ang mga hirap na
pinagdaanan nila noon nina Maggy at Clarice, mga bagay na agad na kinalimutan ng mga ito nang
dahil lang sa pag-ibig. Trese anyos sila noon ng kakambal nang lumitaw ang totoong kulay ni Benedict.
Nang magpahayag ang matalik na magkaibigang Roman, ang ama ni Clarice at si Vicente, ang
kanilang ama ni Maggy na tatakbo sa eleksiyon ay nagsimula nang magkagulo ang lahat dahil
tumakbo rin sa eleksiyon si Benedict bilang alkalde. Kinalaban nito sa halalan si Roman, ang lalaking
noon pa man ay lihim na kinaiinggitan na pala nito dahil ito ang minahal at pinili ng Tita Carla niya, ang
ina ni Clarice.
Hindi nakabangon si Benedict sa kabiguang naranasan mula kay Carla noon. Makalipas ang sampung
taon ay muli itong nagpakita at nakipaglapit sa mag-asawang Carla at Roman pati na sa mga
magulang nila ni Maggy. Ang akala nina Carla at Roman ay nakalimot na si Benedict dahil ang balita
nila ay pamilyadong tao na rin ito kaya bukas-palad na tinanggap nila ang pakikipagkaibigan nito.
Sumang-ayon sina Roman at Vicente sa alok na merger ni Benedict. Mula sa dating Alvero-De Lara Oil
and Mining Corporation na magkasamang itinaguyod ng magkababata ay naging ADM iyon o mas
kilala bilang Alvero, De Lara and McClennan Power, Oil and Mining Corporation. Lumago iyon nang
lumago sa nakalipas na tatlong taon na magkakasama pa ang tatlong lalaki.
Likas na malapit sa masa sina Roman at Vicente kaya agad na nahimok ang dalawa na tumakbo sa
eleksiyon noon gaya ng mga magkaibigan ding ama ng mga ito. Tumakbo si Roman bilang alkalde ng
kanilang bayan habang bise-alkalde naman nito ang kanyang ama. Pero ikinabigla ng lahat ang naging
pagtakbo rin noon ni Benedict. Kinalaban nito bilang alkalde si Roman. Nagsimulang maging
komplikado ang relasyon ng tatlong magkakaibigan hanggang sa pagtatrabaho. Pinilit bilhin ni Roman
ang lahat ng shares ni Benedict sa kompanya para hindi na mas magkainitan ang mga ito pero
nagmatigas si Benedict.
Pero isang araw ay nasunog ang kanilang mansiyon. Yalena and Maggy could have died that day.
Mabuti na lang at nagkataong nahuli sa pagsundo sa kanila ng kakambal ang driver nila noon sa
eskwela. Sinuwerte ring makaligtas ang kanyang mga magulang pati na si Roman na nagkataong
bisita nila nang araw na iyon. Dahil sa nangyari ay pansamantala silang nakituloy sa bahay nina
Clarice. Doon nila natuklasan na may nakakita na isa sa mga tauhan ni Benedict ang siyang gumawa
niyon sa pamilya niya. Malakas ang hinala ng kanilang mga magulang na sadyang ang magkaibigang
Roman at Vicente ang target na patayin nang araw na iyon.
Nang sumunod na araw ay kasama ng mga magulang ni Yalena si Roman na nagbiyahe papunta sa
presinto para magsampa ng kaso laban kay Benedict pero sumabog ang sinasakyang kotse ng mga
ito. Nasawi ang tatlo ilang araw bago ideklara ang pagkapanalo ng kampo ni Benedict sa eleksiyon.
Nagsawalang-kibo ang mga kababayan nila sa nangyari. Noong mga panahong iyon ay alam nila na
iisang tao lang ang nasa likod ng lahat; si Benedict. Si Benedict lang ang may motibong gawin iyon
dahil ito lang ang nakaalitan nina Roman at Vicente. Pero anuman ang gawin nila ay wala silang
makuhang sapat na ebidensiya laban sa matandang lalaki.
Muling sumabog ang panibagong sakuna sa kanilang buhay isang buwan matapos mailibing ang
kanilang mga magulang ni Maggy pati na ang ama ni Clarice. Natuklasan nila ng kapatid mula sa mag-
inang Carla at Clarice ang ginawa ni Benedict sa ADM. Hinarang umano ang mag-ina sa pagpasok sa
loob ng kompanya. Lalong lumaki ang pagkasuklam nila kay Benedict nang palabasin nito na ibinenta
nina Roman at Vicente rito ang shares ng mga ito kaya ang lalaki na umano ang lehitimong
nagmamay-ari ng buong kompanya, isang bagay na napakaimposibleng mangyari dahil alam ng lahat
kung gaano kamahal nina Vicente at Roman ang negosyong itinatag ng mga ito.
Ang mga minana pa ng dalawa sa magulang ng mga ito ang siyang ipinuhunan ng magkaibigan sa
pagtayo ng negosyong iyon. Hindi rin naman sila naghihikahos sa buhay para gawin iyon ng kani-
kanilang mga ama bukod sa katotohanang si Benedict ang huling taong pag-iisipan ng magkaibigan na
pagbentahan ng shares ng mga ito.
Pero may mga pirmadong dokumento na ipinakita kay Carla si Benedict, mga pirmang mula kina
Roman at Vicente kung saan nakasaad ang legal na proseso ng pagbebenta ng shares ng dalawa.
Pero posible pa raw ibalik ni Benedict ang shares ng pamilya Alvero kung sasama si Carla rito tutal ay
matagal na itong divorced sa asawang si Alexandra. Pero sa ikalawang pagkakataon ay tinanggihan ni
Carla si Benedict.
Doon nila natuklasan na ang lahat ay bunga lang pala ng inggit at galit ni Benedict kay Roman dahil sa
pag-ibig nito hanggang nang mga sandaling iyon para kay Carla na hindi nito nagawang ibaon sa limot.
Nadamay lang talaga ang kanyang mga magulang. Pero wala silang sinisi ng kakambal sa nangyari.
Hindi nila magawa iyon lalo na’t tulad nila ay biktima rin si Carla.
Ilang araw matapos ang engkwentro ng mag-inang Carla at Clarice kay Benedict nang magsimulang
mawala sa katinuan nito si Carla na naging dahilan para ilipat ito sa isang pribadong institusyon sa
Candaba, Pampanga na gumagamot sa mga taong may katulad na kondisyon nito. Hindi nagawang
matanggap ng isip nito ang mga trahedyang nangyari.
Kung hindi dahil sa bunso at nag-iisang kapatid ng kanyang ama na si Harry, siguro ay mananatili pa
rin silang nakalubog nina Clarice at Maggy hanggang nang mga sandaling iyon. Si Tito Harry ang
kumupkop sa kanila pati na kay Clarice nang walang ibang magpahayag ng interes na tumanggap sa
kanila ni Maggy lalo na sa pamilya ng kanyang ina na mula pa noon ay malamig na ang pagtrato sa
kanila ng kakambal dahil hindi matanggap ng mga ito ang kanilang ama para kay Selena na kanilang
ina.
Si Clarice naman ay wala na ring ibang masandalan dahil nasa malalayong lugar nakatira ang mga
kaanak ng ina nito habang wala namang ibang kapatid ang ama at matagal na ring sumakabilang-
buhay ang mga abuelo’t abuela nito.
Si Tito Harry ang sumalo sa kanilang tatlo. Wala nang ibang natira sa kanila kundi ang lupang
kinatitirikan ng kanilang bahay at ang ilang kagamitan na nagawang isalba ng kanyang mga magulang
mula sa sunog noon. Noon nila natuklasan na may dalawang uri ng mukha ang mga tao. Dahil iba ang
ipinakitang mukha ng mga iyon sa kanila noong angat pa ang kanilang kabuhayan at natutulungan pa
ang mga ito ng kanilang mga magulang. Pero nang bumagsak sila ay nagawa pang manggipit ng mga
ito sa bentahan ng kanilang mga lupa.
Doble ang liit ng presyo ng napagbentahan ng mga lupa na naiwan sa kanila nina Clarice na ang Tito
Harry nila ang nag-asikaso. Pero wala silang nagawa. Kinagat nila ang presyong inaalok ng mga iyon,
wala na silang iba pang mapagkukuhanan ng pera dahil ang lahat ng mga investments ng kanilang
mga magulang ay nasa kompanyang inagaw sa kanila ni Benedict. Bukod pa roon ay hindi biro ang
nagastos ng kanilang mga ama sa pangangampanya ng mga ito noon.
Ang lahat ng napagbentahan ay ginamit nila para makaalis ng Pilipinas. Sumama sila kay Tito Harry na
nakatira na noon pa man sa Nevada City para magbagong-buhay. Pero ilang araw bago sila umalis ay
hindi nakatakas sa kanila ang balitang inalis ni Benedict ang apelyido ng mga ama nila ni Clarice sa
pangalan ng kanilang kompanya. Ginawa nito iyong McClennan Power, Oil, and Mining Corporation.
Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran nilang tatlo sa isang bansang hindi nila kabisado ang
takbo. Pero inalalayan silang mabuti ni Tito Harry. Hindi sila pinabayaan. Nagsumikap sila para
marating ang mga kinaroroonan nila ngayon. Pare-pareho silang nagtapos ng kolehiyo ng may mga
karangalan. Si Clarice ay nakatapos ng Business Administration na hindi nagtagal ay naging isang
kilalang modelo. Si Maggy ay nakatapos ng Business Management at siya naman ay ng abogasya.
Mayamaya ay napatitig siya kay Ansel. Katulad ng kapatid nitong si Austin ay nakuha nito ang mga
mata kay Benedict.
How… how can Maggy bear to look at Austin’s eyes every day of her life? How can she take it? Siya
nga ay parang pinipiga ang puso tuwing makakaharap si Ansel. Halo-halong emosyon ang nadarama
niya.
Naroroon pa rin sa maliit na bahagi ng puso ni Yalena ang paghangang nadarama para sa binata.
Siguro kung nakilala niya ito noon ay walang paglagyan sa saya ang puso niya. Pero iba na ang
sitwasyon ngayon. Dahil masaya man siyang makita sa wakas si Ansel na mula noon hanggang
ngayon ay hinahangaan niya pa rin ay mas lamang pa rin ang hapdi sa kanyang sistema.
“Ano ba’ng sinasabi mo? I’m an animal lover,” sagot ni Yalena pagkaraan nang ilang sandali. “Of
course, I like you and your brothers.”
Tinalikuran niya na ang binata. Palabas na sana siya ng kusina nang mabilis na pigilan siya ni Ansel sa
braso. Napaharap siya rito. Bumungad sa kanya ang madilim na anyo nito.
“No one dared to call me such things before,” mahina pero mariing sinabi nito.
“Really? Lucky me, then. At dahil sa ginawa ko, ano’ng gagawin mo?” Tinalo ng pagrerebeldeng
nadarama ni Yalena ang tensiyon na hatid ng presence ni Ansel. Inilapit niya ang katawan sa binata.
Pinaglandas niya ang mga daliri sa pisngi nito papunta sa baba pababa sa leeg hanggang sa
makarating ang mga iyon sa malalapad na dibdib nito. “Parurusahan mo ba ako? Paano?”
Natigilan si Ansel. Naglaho ang galit sa mga mata nito. May sumilip doon na panibagong emosyon.
Pagkadarang. Pinakawalan nito ang braso ni Yalena. Agad na nagpunta ang isang kamay nito sa tali
ng kanyang robe. Inalis nito ang pagkakabuhol doon at mabilis na ibinaba ang kanyang robe.
Bumagsak iyon sa kanilang mga paanan. Hinapit siya ng binata palapit sa katawan nito. Napahawak
siya sa dibdib nito.
Sa pagkakataong iyon ay si Yalena naman ang natigilan. Damang-dama niya ang mabilis na pagtibok
ng puso ni Ansel dahil ganoong-ganoon din ang nararamdaman niya. Agad na naglakbay ang
mapaglarong kamay nito sa kanyang katawan.
“Heck, Yalena.” Ibinaon ng binata ang mukha sa leeg niya. “You drive me crazy. I want to touch you,
kiss you, make love to you…”
Pinaulanan ng binata ng mumunting halik ang kanyang leeg. Naipikit niya ang mga mata lalo na nang
maramdaman ang palad nito sa kanyang dibdib. Pero sa kanyang pagpikit ay ang mukha ni Benedict
ang kanyang nakita. Muling nagliyab ang kanyang puso sa galit. Itinulak niya si Ansel. Naningkit ang
kanyang mga mata. “I only play with the animals, Mr. McClennan. I don’t make love to them. And it is
Attorney de Lara for you. Don’t you ever forget that again.”