Chapter 8
Chapter 8
“THE NERD has fallen in love with you. Congratulations,” mahinang sinabi ni Clarice matapos ikwento
ni Maggy ang naging pagtatapat sa kanya ng ngayon ay boyfriend niya nang si Austin ilang araw na
ang nakararaan. Binisita siya ng kaibigan sa condo unit niya nang tanghaling iyon. “Pero mabuting tao
si Austin, Maggy. Tumigil ka na.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ba’ng problema mo? Ito naman ang plano, `di ba?” Pilit na
pinatigas niya ang damdamin sa kabila ng pagrerebelde ng kanyang puso. “Besides, haven’t you heard
about Napoleon Bonaparte’s words? Never interrupt your enemy when he’s making a mistake. Kung
nahulog man ang anak ni Benedict sa akin, kasalanan niya na `yon. Why should I stop the enemy
when his mistake is getting me closer to victory? Hindi ako pwedeng tumigil, Clarice. Lalo na ngayon.
Dahil malapit ko nang makita si Benedict. Dadalhin niya ako sa mga magulang niya bukas.”
Mukhang natulirong tumayo si Clarice mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Pumuwesto ito malapit
sa bintana at parang kay lalim ng isip na tumanaw mula roon. Napailing na lang si Maggy bago
ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga dadalhing gamit para sa lakad nila ni Austin kinabukasan dahil
ayon rito ay mag-o-overnight daw sila sa rest house ng pamilya nito.
“Tapatin mo nga ako, Clarice,” kalmado pa ring sinabi niya pero hindi maikakaila ang panlalamig sa
kanyang boses. “What is the matter with you? You’ve been with Alano for a year now but you haven’t
given me and Yalena any information yet. Ginagawa mo ba talaga nang maayos ang trabaho mo?
Naunahan pa kita. Para sa taong may ipinaglalaban dito, para kang pagong kung kumilos.”
Kinuha ni Maggy ang kanyang lisensiyadong baril sa drawer ng bedside table. Palihim na inasikaso
niya ang pagpaparehistro niyon sa Pilipinas sa nakalipas na mga buwan. Traidor ang babanggain nila,
kakailanganin nilang gumamit ng armas kung saka-sakaling magkagipitan man.
Pareho sila ni Yalena na may lisensiyadong baril. Kinailangan ni Maggy na matutunang gumamit niyon
para maipagtanggol ang sarili lalo pa at ilang beses na siyang may natatanggap na death threats
simula nang maging maingay ang pangalan ng kakambal mula sa mga kasong hinahawakan nito. “May
nangyari ba na hindi namin nalalaman? You’re becoming soft, Clarice. It’s not you.”
Humarap kay Maggy si Clarice. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang pagpupunas niya sa baril.
Matagal nang alam ng kaibigan na meron sila niyon ni Yalena. Hinikayat din nilang magkaroon niyon si
Clarice bilang self-defense pero tumanggi ito. Hindi nito makayanan ang tunog ng putok ng baril.
Clarice would rather bring her pepper spray with her. Sandali siyang na-amuse sa naalala.
“D-dadalhin mo ba ang…b-bagay na `yan bukas?”
“At bakit naman hindi?” Nagkibit-balikat si Maggy. “Who knows? I just might end things up tomorrow to
save you and Yalena from the messy work. Benedict’s a criminal, after all. He should have burned in
hell a long, long time ago.”
“Pero makukulong ka!”
“Para saan pa at may kakambal akong abogada? Yalena can always defend me. Besides, I’ll think of
something para hindi umabot sa murder ang maging kaso. Parating may paraan kung gusto, Clarice.”
Tinuro ni Maggy ang kanyang sentido. “Strategy is the key, remember?”
Lumapit sa kanya ang kaibigan at hysterical siyang niyugyog sa mga balikat. “Gumising ka nga! Hindi
tayo tulad ni Benedict, Maggy! Hindi tayo mga kriminal! I will never let you kill anyone, do you
understand? Hindi ako papayag na madungisan ang mga kamay mo nang dahil lang sa plano!”
Galit na galit na tinabig niya ang mga kamay nito. “Wala akong pakialam! Lahat ay tinangay na ni
Benedict sa ‘kin! Palibhasa, may nanay ka pa! Kami ni Yalena, wala na. Even Tito Harry is gone—”
“But you still have your sister. You still have me!”
“Ano ba’ng nangyayari sa `yo?” Sinabayan na ni Maggy ang pagtataas ng boses ni Clarice.
“Lumalambot ka na! Ikaw ang gumising, Clarice! Benedict killed my parents mercilessly. He killed your
Dad! He destroyed Tita Carla! He destroyed us! He took away our company and he—”
“And he is suffering from last stage Alzheimer’s disease!”
Umawang ang bibig ni Maggy. Lumuhod sa harap niya si Clarice. Namamasa ang mga matang inabot
nito ang kanyang mga kamay. “Patawarin mo ako kung hindi ko nagawang aminin sa inyo ni Yalena
ang totoo noon. Hindi ko lang kasi alam kung paano.” Pumiyok ang boses nito. “Ang tagal na nating
magkakasama nina Yalena. Benedict is the sole reason why we succeeded over the past years. I am
just so afraid that the truth might ruin you both just as it ruined me before.”
“N-no. That can’t be.” Binawi niya ang mga kamay kay Clarice. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa
kanyang kwarto. Pakiramdam niya ay masisiraan siya ng bait. “Nagsisinungaling ka lang! That’s
impossible—”
“Sa Olongapo itinatago si Benedict ng mga anak niya. Pwede kitang dalhin doon kung gusto mo. He’s
with Alexandra, his ex-wife. Maggy, he had lost his memory,” nagpapaunawang sinabi ni Clarice. “Wala
na siyang maalala tungkol sa kahit na ano sa sarili niya tatlong taon na ang nakararaan.”
Nanlalambot na napasandal si Maggy sa gilid ng bintana. Pilit na ipinoproseso niya sa isip ang mga
narinig. Para bang nauupos na kandilang dahan-dahan siyang naupo sa sahig. Mariing kinagat niya
ang ibabang labi para pigilan ang paghiyaw. Nasabunutan niya ang sarili mayamaya ay namamasa din
ang mga matang yumuko.
“Maggy—”
“This is... This is good news, right?” mayamaya ay halos pabulong na lang na sinabi niya. “Ikaw na rin
mismo ang nagsabi. Mahina na si Benedict. Madali na tayong makakaganti, Clarice. I... I can kill him
easily.” Nag-angat siya ng ulo at napatingin sa kaibigan. “His life is useless anyway. I’d save him from
more pain. Maybe I could drown him or—”
“No!” Sa isang iglap ay tumaas uli ang boses ni Clarice. “You will not do such a thing to the father of the
man I love! Do that and everything about us will be over, Maggy!”
Nabigla siya.
Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay gumuho ang mundo niya. Sa gitna ng halo-halo nang
isipin ay tuksong umalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi noon ng Tito Harry niya.
“Anak, paano kung sa gagawin ninyo ay kayo ang bumagsak?”
Pareho na sila ni Clarice na nahulog sa bitag ng mga anak ni Benedict. Iyon na ba ang sinasabi ng
tiyuhin niya? Iyon na ba ang kanilang... Pagbagsak?
“BAKIT mo ikinakahon ang mga ‘yan?” kunot ang noong tanong ni Austin sa kasambahay nang
madatnan itong naglalagay ng kung anong mga makakapal na notebooks sa isang kahon. Kinukuha
nito isa-isa ang mga iyon mula sa drawers ng kanyang ama sa library.
Nasa Olongapo si Austin nang mga sandaling iyon at binisita ang mga magulang para sana
ipagpaalam sa ina na bukas ang nakatakdang pagpapakilala niya sa kanyang girlfriend. Pero parehong
tulog ang mga magulang nang madatnan niya. Kaya nagpasya siyang mag-ikot na muna sa rest
house.
“Mahigpit na ibinilin po ni Ma’am Alexandra na itapon na daw po ang lahat ng diaries na ito ni Sir
Benedict, Sir Austin. Tutal naman daw po ay hindi na maaalala ng ama ninyo ang mga ito, hindi daw
katulad noon na hinahanap pa ang mga ito ni Sir Benedict,” ani Linda at nagpatuloy sa paglalagay sa
kahon.
Nagsalubong ang mga kilay ni Austin. Ngayon niya lang nalamang may diary pala ang ama at
napakarami niyon. He had never pictured Benedict as a sentimental man before. Wala iyon sa itsura
nito. Noong bata pa siya ay naalala niyang bilib na bilib siya sa ama at alam niyang lalo na ang kuya
Ansel niya dahil para bang napakagaling ng ama.
Benedict seemed like the man who had the power and control over things and people. Kaya kahit pa
naghiwalay ang kanyang mga magulang dahil ayon na rin sa ina ay may ibang mahal ang ama ay
sandali lang siya nakaramdam ng hinanakit. Lamang pa rin ang pagmamahal niya para sa mga
magulang. Besides, their divorce had served its purpose. Natahimik silang lahat hindi tulad noon na
pinipilit pa nilang buuin ang kanilang pamilya at paniwalain ang sarili sa isang ilusyon kahit
nararamdaman na nilang may iba sa puso ng ama at hindi sila ang priority nito.
For the past years, the thought that Benedict tried to work his marriage with Alexandra somehow
comforted him and his siblings. Bukod pa roon ay hindi naman nagkulang ang kanyang ina sa
pagpapalaki sa kanilang magkakapatid kahit na noong mag-isa lang itong nag-alaga sa kanila dahil
mula nang maghiwalay ang mga magulang ay minsan na lang kung bumisita sa kanila ang ama sa
Boston.
Pinuno sila ni Alexandra ng pagmamahal. Araw-araw ay ipinaaalala nito sa kanila ng mga kapatid na
huwag magtanim ng sama ng loob sa kanilang ama. Sadyang may mga bagay daw na hindi nararapat.
Pinuno sila ng ina ng pag-aaruga at pananampalataya. Alexandra was a very persistent woman.
Mahirap ang hindi magkaroon ng positibong damdamin tuwing nasa paligid ito. That was why he and
his brothers adore her to the core.
“Just leave them there,” mayamaya ay sagot ni Austin. “Ako na ang bahalang magligpit ng mga ‘yan.”
Sa bawat lugar na pinaglilipatan nilang magkakapatid sa ama ay palaging may nakalaang kwarto para
sa library. Dahil mahilig ding magbasa ang ama. Kaya kapag nasa rest house na iyon ay doon siya
namamalagi kapag tapos na siyang mangumusta sa lagay ng mga magulang.
Pero madalas ay palaging may mga drawers sa bawat library na nakakandado at noon pa napupukaw
ang interes niya sa laman ng mga iyon. At ngayon nga ay natuklasan niyang diaries pala ng ama ang
mga nakalagay roon. Dalawang may-kalakihang drawer ang pinaglalagyan ng mga iyon.
Nag-alinlangan si Linda. “Pero bilin din po kasi ni Sir Alano na walang dapat magligpit sa mga ito
maliban sa akin—”
Kumunot ang noo ni Austin. So Alano knew about those diaries as well? “Ibig sabihin, dalawa sila ni
Mama na kumausap sa `yo?” Tumango ang kasambahay. “Sino ang nagbigay sa `yo ng mga susi para
sa mga drawer na iyan?”
“Si Sir Alano po. Narinig ko pong ipinagkatiwala sa kanya ni Ma’am Alexandra ang mga susi ilang
buwan na ang nakararaan.”
Panibago na namang rebelasyon. “Ako na ang magliligpit sa mga `yan kung gano’n.”
“Pero, Sir—”
“Wala ka bang tiwala sa akin, Linda?” Ngumiti si Austin pero bahagyang dumiin ang kanyang boses,
isang bagay na madalas niyang gamitin sa kanyang mga tauhan para mapasunod ang mga iyon. “Bakit
parang nagdududa ka sa akin na mismong miyembro pa ng pamilyang ito?”
Bumuntong-hininga si Linda bago tumayo. Napailing pang iniabot sa kanya ang mga susi. “Pasensiya
na po kayo. Kayo na po ang bahala rito, Sir. Ipinasusunog na po ang mga ‘yan ng inyong ina. Ipatawag
n’yo na lang po ako pagkatapos at ako na ang bahalang magsunog.”
Austin smiled once more, grateful this time. “Thanks.”
Nang makaalis na si Linda ay isinara na ni Austin ang pinto. Hindi siya mahilig makialam ng gamit nang
may gamit. Pero may munting boses na nag-uudyok sa kanyang pakialaman ang mga iyon lalo na at
mukhang may gustong itago roon ang kanyang ina at kapatid. Binuklat niya ang unang nadampot mula
sa drawer at pinasadahan ng basa. Pero puro tungkol lang iyon sa transactions ng ama sa negosyo.
Ganoon din ang nilalaman ng mga sumunod pang diaries.
Sa huli ay nagkibit-balikat na lang si Austin. Mukha namang walang kung anong nakatago sa mga iyon.
Naipilig niya na lang ang ulo at nagpatuloy sa paglalagay ng mga iyon sa kahon. Halos patapos na siya
sa pangalawang drawer at apat na lang ang natitirang journal nang may malaglag na kung ano sa
pagkuha niya sa isa sa mga iyon. Mga litrato iyon, nahulaan niya base sa mga papel na ginamit.
Dinampot ni Austin ang mga iyon at isa-isang iniharap sa kanya para lang mabigla sa nakita.
Hindi siya pwedeng magkamali. Litrato ni Maggy ang unang bumungad sa kanya na parang kinuha
noon mismong college graduation ng girlfriend. Nakaitim pa itong toga suot ang medal habang may
katabing matandang lalaki sa litrato.
Kumabog ang dibdib niya. Ano ang ibig sabihin niyon? Bakit may litrato doon si Maggy? Ibig sabihin ba
ay kilala na ito ng kanyang ama noon pa?
Tiningnan ni Austin ang dalawa pang litrato. Nasorpresa siya nang makitang ang asawa ng kuya Alano
niya na si Clarice ang sumunod na nakita. Araw rin ng pagtatapos nito iyon at tulad ni Maggy ay may
suot din itong medalya. Umahon ang hindi maipaliwanag na damdamin sa puso niya. So, his father
knew Clarice as well. Ang huling litrato ay babae rin ang nilalaman na meron ding medalya. Iisa ang
katabing lalaki ng tatlong babae sa mga litrato. The pictures were all taken on their graduation day.
Muling binalikan ni Austin ang litrato ng girlfriend. Walang dudang si Maggy nga iyon. Pormal ang
mukha nito roon at walang mababakas na anumang ngiti sa mga labi. What could possibly be the
meaning of this? Bakit may mga ganitong nakaipit sa diary ni Papa?
Dinampot ni Austin ang diary kung saan nahulog ang mga litrato. Napahugot siya ng malalim na
hininga bago niya iyon sinimulang basahin. Ang mga naunang pahina ay puro tungkol sa pag-upa ng
kanyang ama ng imbestigador para ipahanap ang tatlo umanong babae. Habang nagbubuklat ay
pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Ang ikaanim na entry roon ang gumulat sa kanya dahil
sa mga pangalang nakasulat.
I have found them, finally. Natagpuan ko na sina Clarice, Maggy, at Yalena. They are in Nevada all
these time. I was there on their graduation day as Harry put medals on them. I’ve seen the
determination in those little girls’ eyes. At alam ko—nakasisiguro ako—na isang araw ay magbabalik
sila sa Pilipinas. Their eyes held so many promises. One of which I was certain, was the promise of
revenge.
Hindi na ako nagulat sa nakita ko sa kanila. Dahil nang mismong araw na hinayaan ko silang makaalis
ng bansa, alam kong minarkahan na nila ako. Alam kong isang araw, sila ang magiging karma ko. And
as early as now, I can’t help but to wonder. To what extent will all these girls go in the name of
revenge?
Benedict
NAPAAWANG ang bibig ni Austin. Binasa niya ang buong nilalaman ng diary ganoon din ang iba pa.
Naroroon ang buong lihim ng ama noong binata pa hanggang sa magmahal ito sa babaeng Carla ang
pangalan, hanggang sa nagkaroon ito ng pamilya at nakagawa ng mga bagay na ni sa hinagap ay
hindi niya inakalang gagawin ng ama. Nang matapos ay ilang sandali siyang natigilan.
Ang hinahangaan niyang ama ay isang... Kriminal.
Ang kauna-unahang babaeng minahal niya ay hayun at lumalabas na nagbabalik pala at naghihiganti
lang. Ang asawa ng Kuya Alano niya ay may motibo rin. At may darating pang isa sa buhay nilang
magkakapatid, si Yalena, na kakambal pala ni Maggy.
Natawa si Austin nang mapait kasabay ng pag-iinit ng mga mata. Noon bumukas ang pinto. Pumasok
ang nasorpresa ring si Alano. Sabado nang araw na iyon at iyon ang itinakda nilang araw ng pagbisita
sa kanilang mga magulang kaya hindi na kataka-takang naroroon din ito. Pero ang pagkabiglang nasa
mukha ng kapatid ay alam ni Austin na hindi dala ng kanyang presence kundi ng diary na hawak niya.
“So... Alam mo na?” halos pabulong na sinabi ni Austin. Hindi niya alam kung ano ang unang uunahing
maramdaman. His tears started to fall. “Alam mo na ang tungkol kina Clarice, Maggy, at sa kapatid
niyang si Yalena kaya ba gusto mong sunugin na ang lahat ng ito?” Iniwasiwas niya ang mga diaries.
“Para wala nang ebidensiya, gano’n ba, Kuya?”
Napayuko si Alano. “Austin, listen to me for a moment—”
“Clarice came. You knew that the twins will also come anytime soon, Kuya!” Nanikip ang dibdib niya.
“Sana binalaan mo man lang ako! So I could have prepared myself a little bit before someone arrives
and destroy the hell out of me. Na para bang kasalanan ko ang nangyari sa pamilya niya kaya sa akin
siya naniningil.” His voice broke. “H-how can I start taking everything all at once, Kuya?”
Parang sasabog ang dibdib ni Austin. Naalala niya ang una nilang pagkikita ni Maggy. Ang naging
paghahanap niya sa dalaga noon, ang bigla na lang nitong pagsulpot pagkatapos ng ilang araw, ang
pagganti sa mga haplos at halik niya. Lahat ba iyon ay bahagi lang ng paniningil ng dalaga sa kanyang
pamilya?
Ni minsan ay hindi nagbukas ng usapin si Maggy tungkol sa sarili, lalo na sa pamilya nito. His knees
started to shake upon the realization. Hindi siya totoong minahal ng dalaga. All these time that he was
busy making plans for their future, Maggy was also busy planning something else. noveldrama
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ni Austin ay napaluha siya.