The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 7



Chapter 7

NAGISING si Maggy sa sunod-sunod na pagkatok na iyon sa pinto ng kanyang unit. Nang sundan na

iyon ng pagtawag sa pangalan niya nang nabosesang si Austin ay nagsumikap siyang tumayo pero sa

kanyang pagbangon ay agad rin siyang nahilo. Damn it.

Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan niya bago dahan-dahang humakbang palabas ng

kanyang kwarto. Every single step was a struggle. Parang pangangapusan na siya ng hininga nang sa

wakas ay mabuksan ang pinto. Sa nanlalabo nang paningin ay nakita niya si Austin. Nakangiti ang

binata na mabilis ring naglaho nang mapansin ang kanyang itsura. Kaagad itong lumapit at umalalay

sa kanyang likod at braso.

“What’s wrong?” Inilagay ni Austin ang palad nito sa kanyang noo. “God, you’re burning with fever!

What have you been doing to yourself?”

Hindi na nakapagsalita pa si Maggy. Namimigat na ang talukap ng mga matang pumikit siya.

Bumagsak ang katawan niya sa mga braso ni Austin na mabilis namang sumalo sa kanya. But before

she completely succumbed to darkness, she remembered one thing; she was glad he was there with

her.

PINAG-AALALA mo ako nang husto, anak.”

Nahinto sa pagsubo ng pagkain si Maggy nang marinig ang seryosong boses na iyon ni Tito Harry.

Niyaya siya nitong kumain sa labas dalawang araw bago ang graduation nila nina Yalena at Clarice.

Noong una ay nagtaka pa siya dahil siya lang ang niyaya nito pero sa huli ay pumayag na rin siya tutal

naman ay may importante raw itong sasabihin sa kanya.

Tuluyan na niyang ibinaba ang kutsara at tinidor saka sinalubong ang butihing mga mata ng tiyuhin.

She will forever be thankful to this old man. Kahit ilang beses na nila itong sinabihan nina Yalena at

Clarice na mag-asawa ay hindi ito pumayag. Sapat na daw sila para dito. Itinuon ni Tito Harry sa

pagtatrabaho bilang nurse at sa pag-aalaga sa kanilang tatlo na mga inampon na nito ang buong

atensiyon nito. Harry had served as their shield against the strong winds in their lives. Ngayong

magtatapos na sila sa kolehiyo, regalo nila rito ang mga karangalang nakamit nila mula sa pag-aaral.

Nang makarating sila sa Nevada ay takot na takot silang magsimula ng bagong buhay. Hindi niya alam

kung paano tatakasan ang sakit na hatid ng nangyari sa mga magulang. Pero hindi niya ipinakita ang

nararamdaman. Clarice and Yalena was already a lot to take for Harry. Ang dalawa ang noon ay

walang tigil sa pagluha. Ni hindi nagkakain ang mga ito. Si Yalena ay parating nagkakaroon ng mga

bangungot patungkol kay Benedict. Madalas ay ang tiyuhin lang nila ang nakakapagpakalma rito. Her

sister was always afraid that Benedict might just show up at their doorstep one day and kill them as

well.

During those painful times, Maggy had no choice but to pretend that she was strong. Ayaw niyang pati

siya ay maging sentro rin ng pag-aalala ni Harry. Kaya kapag wala ang huli, nakaugalian niya nang

siya ang papalit sa lugar nito. Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kakambal at sa kaibigan.

Kaya naman ngayon ay bilib na bilib si Maggy sa dalawa. Sobra pa sa saya ang naramdaman niya

nang isang araw ay sabihin ni Clarice na pagkatapos ng graduation nila ay tatanggapin na nito ang

alok ng talent manager dito na maging modelo. Dahil nangangahulugan iyon nang paglabas sa wakas

ng kaibigan sa comfort zone nito. Pero ang naging desisyon ni Yalena ang mas gumulat kay Maggy.

Ayon sa kakambal ay dederetso na ito sa pag-aaral ng law sa susunod na school year. Sa pagitan

nilang dalawa ay siya ang mas malakas ang loob. Kaya nang kumuha ito ng political science ay

hinayaan lang nila. Pero para ituloy nito iyon sa law, ang ibig sabihin ay tumatapang na nang paunti-

unti ang kanyang kapatid. Kunsabagay ay malakas naman dati ang loob nito na nawala nga lang nang

namatay ang kanilang mga magulang.

“Dahil po ba hindi ako naging summa cum laude, Uncle?” Nahaplos ni Maggy ang kanyang buhok

nang sa wakas ay makasagot. “I’m sorry. Pero ginawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko. I must

have failed your expectations.”

“Magna cum laude kang ga-graduate kaya sobra-sobra pa sa inasahan ko ang ibinigay mo, Maggy.

Magkakasunod ang magiging graduation ninyo pero wala akong reklamo. Parati ko kayong

ipagmamalaking mga anak ko. I want to convince myself that I was able to raise you all well.” Ngumiti

si Harry. “Nang humiling ako na magkaroon ng anak, kayo nina Yalena at Clarice ang siyang ibinigay

sa akin ng Diyos. And it will be my greatest honor to be the one to put your medals on.”

Kumunot ang noo ni Maggy. “Kung gano’n, ano po ang problema?”

“You never mourned, not even once. Ni hindi ka man lang lumuha. You just hid everything inside and

that’s the problem, Maggy. Habang ang dalawa, umiiyak ikaw ay nasa isang sulok at inaabala ang sarili

sa pagbabasa ng kung anong libro o sa paggawa ng kung anong bagay. You’ve chaneled all your

energy to studying. And that was good, princess. But it will be even better if you just tell me what you

feel.”

Inabot ni Harry ang kamay ng pamangkin. “Sina Clarice at Yalena, nakakabangon na pero ikaw, hindi

pa. The two have managed to smile somehow but you couldn’t. Mas natatagalan ang paghilom para sa

`yo dahil itinatago mo lang ang lahat ng nararamdaman mo diyan sa puso mo. Nag-aalala ako na baka

isang araw, sumabog ka na lang at kung ano ang magawa mo.”

Nag-iwas si Maggy ng tingin sa tiyuhin. “Saka na po ako iiyak, saka na rin po ako magluluksa kapag

nakasiguro ako na tapos na ang lahat, Uncle.”

“Pero tapos na ang lahat.” Bumuntong-hininga si Harry. “Nangyari na ang mga nangyari. Ipagpasa-

Diyos na lang natin dahil wala na tayong magagawa pa—”

“Meron po akong magagawa, Uncle.” Tumalim ang mga mata niya. “Pababagsakin ko si Benedict. Sa

oras na lumagapak siya, saka lang po matatapos ang lahat.” Naikuyom niya ang mga kamay. “Karma

is not doing its job very well because that person is still alive somewhere. Pero ipinapangako ko, Uncle.

Ako, kami nina Clarice at Yalena, ang tatapos sa nasimulan niya. McClennan’s downfall will end

everything.”

It took a long while before Harry was able to speak and when he did, horror filled his voice. “Anak,

paano kung sa gagawin ninyo, kayo ang bumagsak?”

Naalimpungatan si Maggy nang maramdaman ang malamig at malambot na bagay na dumapo sa

kanyang pisngi.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ni Austin na

kasalukuyang pinupunasan ang kanyang mukha.

There goes Benedict’s eyes once more, staring warmly at her. Sa hindi na niya mabilang na

pagkakataon ay sinalakay ng matinding sakit ang kanyang puso. Nag-init ang kanyang mga mata

dahilan para mariin niyang ipikit ang mga iyon pansamantala.

Nang namatay ang mga magulang ni Maggy, ni minsan ay hindi siya umiyak. Hindi rin siya lumuha

nang mawala sa kanya ang Tito Harry niya pati na nang mawala si Levi. But at that particular moment,

when illness attacked her and Benedict’s look-alike was the one who greeted her as she opened her

eyes; she knew she was so close to crying.

That very day, she had realized that if Benedict had dirty tricks, so was... Life.

KAHIT masama pa ang pakiramdam ay sinikap nang bumangon ni Maggy. Inalis niya ang bimpo na

inilagay ni Austin sa kanyang noo. Hindi siya sanay na may nag-aasikaso o tumitingin sa kanya kapag

nagkakasakit siya. Mula pa noon ay independent na siya. Ayaw niyang nagpapakita ng kahinaan. Kahit

noong nagtatrabaho siya at may dinaramdam ay pumapasok pa rin siya. Dahil alam ni Maggy na sa

oras na nanatili siya sa kanyang kwarto ay mabibigyan lang siya ng pagkakataong mag-isip at maalala

ang nakaraan dahilan para lalo lang siyang makaramdam ng panghihina.

“Dito ka lang.” Nagmamadaling tumayo si Austin. “I made a soup. Kaiinit ko lang n’on.” Palabas na

sana ang binata ng kwarto ni Maggy nang muli itong bumalik. “Don’t move, all right? Kung may

kailangan ka, sabihin mo sa ‘kin. Let me take care of you, Maggy. Please.”

Bago pa man siya makapagprotesta ay naglaho na ang binata. Napabuntong-hininga siya. Tumayo

siya at binuksan ang glass door sa loob ng kanyang kwarto at nagpunta sa maliit na balkonahe.

Napatitig siya sa kalangitan.

Sa mga ganoong panahong nanghihina siya, ang sino mang may kaugnayan kay Benedict ang huling

taong gugustuhin niyang makita at makasama. Niyakap niya ang sarili nang bahagyang humangin.

That night, she felt terribly vulnerable. Tuwing nakikita niya si Austin ay nanliliit siya dahil lalo lang

niyang naaalala na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagagawa para bigyan ng katarungan ang

sinapit ng mga magulang.

Pero hindi niya rin maitatanggi sa sarili na noong namulatan niya ang binata ay nataranta ang kanyang

puso. Despite her body pain, her heart seemed instantly active. She felt alive when she was not

supposed to feel that way. Nakagat niya ang ibabang labi. Dahil sa mga naisip at nararamdaman ay

nagkakaroon siya ng kasalanan sa kakambal at sa mga magulang.

Mayamaya ay nakarinig siya ng musika na sigurado ni Maggy na nagmumula sa component sa

kanyang kwarto. Ang romantikong awiting pumailanlang ay parang nanunukso pa. Austin...

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagdating ng binata. Niyakap siya nito mula sa kanyang

likod. “I told you not to move. You’re really stubborn, aren’t you?”

“Just leave, please,” sa halip ay sagot ni Maggy. Ayaw man ay nagtunog-nakikiusap ang boses niya.

“Kaya ko nang alagaan ang sarili ko.” Aalisin niya na sana ang mga braso ng binata sa kanyang

baywang pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito. “Austin, please. Let me go.”

Sa hatinggabi, may papawi ng luha. Sa hatinggabi, may kasama ka sa paghimbing. Naririto ako, `di ka

na mag-iisa. Sasamahan ka sa pagsapit ng umaga...

Damn song. Damn lyrics. She felt like she was suddenly yearning for someone to be there for her. She

was suddenly yearning for someone like Austin.

McClennan, what the hell are you doing to me?

“Mahal kita, Maggy. I was supposed to say those words with fireworks and roses over a candle light

dinner tonight on my yacht. Nakaayos na ang lahat pero ganito ang nangyari.” Bumuntong-hininga si

Austin. “Kaya pasensiya ka na. All I have right now is a soup. Walang violin na tutugtog maliban sa

stereo mo sa loob. You didn’t tell me you were sick and you’ve been avoiding my calls. Kaya nag-on-

the-spot confession na lang ako. Kasi ayoko nang kimkimin pa. Gusto ko nang sabihin para may

excuse na akong alagaan ka ngayon at sa mga darating pa na araw sa buhay natin kung papalarin

ako.”

Natigilan si Maggy. “You don’t know what you’re saying—”

“Of course I do. Look, I know that this isn’t any woman’s ideal confession from a man.” Humiwalay sa

kanya si Austin. Iniharap siya ng binata rito at ikinulong ang mga pisngi niya sa mga palad nito. “I don’t

have any props right now other than my heart. I do love you, Maggy de Lara. Nalito lang ako noong

una dahil ngayon lang ako nakaramdam nang ganito pero ngayon, sigurado na ako.”

Napalunok siya. Makikita ang hindi maikakailang pagmamahal sa mga mata ng binata. Heto na ang

pinakahihintay niyang pagkakataon. She should grab it eagerly. Pero sa halip na gumaan ang

pakiramdam, parang may nadagdag na panibagong bigat sa dibdib niya. Things kept growing harder

every single day.

“Alam kong hindi ako ang tipo ng lalaking magugustuhan mo. Nag-research ako tungkol sa ex mo na si

Levi Benniton. Magkabaliktaran kami sa halos lahat ng bagay. The doctor is the life of every occasion

with his great sense of humor. He’s outgoing, charming, witty and all the characteristics women would

fall in love with.”

Sandaling nag-iwas ng mga mata si Austin kay Maggy. Marahas na humugot ito ng malalim na hininga

at muling ibinalik ang atensiyon sa kanya. “I’m a geek. I’m just me. But I’m trying so hard to be the right

man for you, Maggy. Hindi ko alam kung bakit kayo nagkahiwalay ni Levi. We’ve been dating for

months now but you still remained a mystery to me. Pakiramdam ko, ang dami mo pa ring itinatago sa

akin. Pero aalamin ko ang mga iyon isang araw.”

Pilit na ngumiti ang binata. “Kung sinukuan ka niya, ibahin mo ako. Hindi kita susukuan. Hindi kita

sasaktan. Dahil hindi ko makita ang hinaharap nang hindi kita kasama. I love you so much that living

without you would be impossible to me now.”

“I... I had to do something,” sagot ni Maggy pagkalipas ng mahabang sandaling pagkasorpresa.

“Sinabihan ko siyang maghintay pero ayaw niya kaya kami nagkahiwalay.”

“Ako, hihintayin kita. Kahit na hindi mo sabihing maghintay ako, maghihintay pa rin ako. Ano man ang

gawin mo, susuportahan ko,” agad na sagot ni Austin. Nakikiusap ang mga mata nito. “Please take a

chance on me, Maggy.”

Susuportahan mo rin ba akong sirain ang sarili mong ama? After seeing the uncertainty in Austin’s

eyes, it hit her. Maggy had fallen in love again. Gusto niyang matawa. It was funny how they both love

each other but that love was doomed from the very beginning. Sa halos apat na buwan nilang

paglabas-labas ng binata tuwing gabi pagkagaling nito sa trabaho at sa bawat pagkikita nila tuwing

umaga bago ito pumasok sa opisina ay hindi niya na namalayan na siya pala ang mas nahulog sa

bitag ng target niya.

Austin was the kindest man she had ever met. And also the most gentle. Napakahirap na hindi

gustuhin ang binata dahil charming ito sa sariling paraan.

Sinikap ngumiti ni Maggy sa kabila ng nagbabantang pagluha. I wish you and I met in another

circumstances, naisaloob niya. Noong bata pa sila ng kakambal ay fan sila ng fairy tales, ng happy

endings at ng lahat ng magagandang bagay sa mundo. Pero nang dumating sa buhay ng pamilya nila

si Benedict ay na-realize nilang mali ang mga pinaniniwalaan nila.

Dahil kayang sirain ng pag-ibig ang isang tao gaya ng naging pagsira nito kay Benedict. Pero ang galit,

sa oras na maayos na gamitin, ay posibleng magpalakas sa isang tao at maging susi sa tagumpay

gaya ng ginawa niyon sa kanila nina Clarice at Yalena.

Kinailangang magbago ni Maggy. At parati niyang ipagpapasalamat na ginawa niya iyon. Dahil kung

hindi ay wala sana siya sa harap ng anak ni Benedict nang mga sandaling iyon. Kung hindi niya piniling

baguhin ang mga nakasanayan, siguro ay nasa kwarto niya pa rin siya sa Nevada at patuloy na All content is © N0velDrama.Org.

nagluluksa roon. But in the process, she had fallen in love with the enemy.

Kung totoo ngang may Diyos, paraan kaya Niya ito para parusahan siya sa ginagawang paghihiganti?

But she was avenging for all the right reasons, wasn’t she?

“You’re smart as well, Austin. Huwag mong pagdudahan ang bagay na iyon. You’re charming and

you’re also witty. Isa kang matagumpay na negosyante. Lahat ng babae sa oras na makilala ka na

nang husto ay magugustuhan ka. Nasa `yo na ang lahat. Ikaw na yata ang pinakamabuting taong

nakilala ko. You are so patient and understanding. In short, mahirap ang hindi ka mahalin.”

Sa gabing iyon, kahit sa gabi man lang na iyon ay magiging totoo siya sa sarili. Austin deserved to

know just how good he was. “And yes, I’m taking a chance on you.”

Bahagyang napangiti si Maggy nang bigla na lang sumigaw ang binata at mabilis na tinawid ang

distansiya sa kanilang mga labi. Hindi niya na napigil ang pagpatak ng mga luha.

Dear heart, of all places, time and of all people, why fall in love now? And why with him?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.