Wish List Number Ten: Love Me Again

Chapter 9



Chapter 9

NAGMAMADALING ipinarada ni Calix ang kanyang kotse sa garahe nang makitang naroroon pa rin

ang kotse ni Chryzelle. Mabilis siyang bumaba. Halos takbuhin niya na rin ang front door. Nag-

uumapaw ang pinaghalong takot at kaba sa kanyang puso nang maalala ang itinawag sa kanya ni

Derek habang inaasikaso niya ang transaksiyon para sa paglipat sa magiging bagong bahay nila ni

Chryzelle.

Ayaw niyang parating maalala ng asawa ang mga mapapait na nakaraan sa kasalukuyang tinitirahan

nila. He wanted to create new memories with her, beautiful ones. Tatlong araw pa bago tuluyang

maiayos ng abogado niya at ng ahente ang napili niyang bahay kaya tatlong araw pa bago niya

maipapakita kay Chryzelle, kasabay ng pag-amin niya rito ng katotohanan. Hindi niya na hihintayin Content is property of NôvelDrama.Org.

pang matapos ang isang buwan. Ayaw niya nang magsinungaling pa sa asawa. Pero bago iyon ay

gusto niya na muna sanang ihanda ang kanilang mga sarili.

He wanted his wife to relax and take her first to her favorite singer's concert which happened to be Jed

Madela. Ang dami niya pang plano bago ang nakatakdang pag-amin pero mukhang huli na.

"Talk to your wife, man. Sabihin mo na ang totoo. Kung ano-ano na ang ginagawa niya para

matulungan ka lang sa inaakala niyang problema mo. Did you know that she called me to ask for a

certain Edmund Guzman? Heck, pare. Hindi naman oncologist 'yon. Naloloko lang si Chryzelle ng iba

sa hangarin niyang matulungan ka."

Muling nakaramdam si Calix ng panlalamig. He remembered "Edmund Guzman" so well. Iyon ang

inimbento niyang pangalan nang magtanong ang pinagpagawaan niya ng mga test result kung anong

pangalan ng doktor ang ilalagay nito roon. Ayaw niya namang gamitin ang pangalan ni Derek. Hindi

siya ganoong tipo ng kaibigan. Nabanggit niya sa huli ang ginawang pamemeke ng test results, pero

hindi niya na nasabi rito ang tungkol sa pangalan ng doktor na ginamit. And now, he was paying the

price.

Agad nakita ni Calix si Chryzelle sa sala. Nakaupo ang kanyang asawa sa sofa at walang emosyon sa

anyong nag-angat ng mukha nang marahil ay maramdaman nito ang kanyang pagdating. Napalunok

siya nang makita ang mga maleta nito na nakalagay malapit sa center table.

"Chryzelle..." nagsusumamong wika niya, kasabay ng paglapit sa asawa. "Let me explain first, please."

Naupo siya sa tabi ni Chryzelle at sinubukang hawakan ang mga kamay nito pero tinabig lang iyon.

"Calix..."

Natigilan si Calix sa naulinigang paghihinagpis sa boses ni Chryzelle. Sa pagkakataong iyon ay

humarap sa kanya ang asawa at hindi na itinago pa ang mga nadarama nito. Punong-puno ng

hinanakit na tinitigan siya nito.

"Do you know what I feel right now? I felt used. I felt manipulated. I felt like a fool again because you

hurt me again." Tumayo na si Chryzelle at hinila ang dalawang maleta nito.

Maagap na hinarang ni Calix ang asawa. At sa ikalawang pagkakataon sa buhay niya ay muli siyang

lumuhod sa harap nito. God... he would give everything he had just to erase the pain in her eyes. "I am

so... so sorry."

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ng asawa. Pakiramdam ni Calix ay tinarak ng kung anong

matalim na bagay ang puso niya nang ilang beses. He had never seen Chryzelle like this.

"I'm so tired hearing you're sorry. I'm so tired holding on," wika ng kanyang asawa sa namamaos nang

boses. "I'm so tired trying." Lumihis ito at dumaan sa kabilang gilid, saka tuloy-tuloy na naglakad

palayo.

Malapit na si Chryzelle sa front door nang muling magsalita si Calix.

"Alam kong naging gago na naman ako. Wala akong maibibigay na justification sa ginawa ko, maliban

sa desperado na talaga ako. Dahil hindi ko na alam kung paano pa mapapalapit sa 'yo. Pakapal nang

pakapal ang pader na inihaharang mo sa pagitan natin sa tuwing pinupuntahan kita noon. And the fool

that I was can only think of a foolish idea, the cancer thing. Binigyan ko ng limitasyon ang

pagpapanggap. Maximum na ang isang buwan. I'm sorry. I just knew I had to do something because I

was on the verge of losing you forever."

Nahinto sa paglalakad si Chryzelle.

"Kung pakakawalan mo man ako, naisip kong gusto kong makabawi na muna sa 'yo, para hindi na ako

magsisi nang husto. That's the reason for the wish list that I made up, if you remember, those were the

things you really wanted to do."

Biglang sumagi sa isip ni Calix ang ginawa niyang paghahanap ng clues sa mga bagay na gusto talaga

ng asawa. Nagpunta pa siya sa bahay ng mga magulang nito. Pinalad na lang siya na hinayaang

makapasok sa dating kwarto ni Chryzelle. Doon niya nakita ang mga litrato ng mga lugar na gusto

nitong puntahan na nakadikit sa dingding ng kwarto nito.

Kompleto rin ang mga CDs ni Chryzelle na may kinalaman kay Jed Madela habang may ilan namang

binanggit sa kanya si Manang Soledad na minsan raw sinabi rito ni Chryzelle. Ang tungkol sa

Enchanted Kingdom, ang picnic, ang panonood sa pagsikat at paglubog ng araw, ang simpleng

pagbabasa ng mga libro nang magkatabi, at ang pagluluto nang magkasama. The things that they did,

those were actually Chryzelle's forgotten wish list.

Natutop ni Calix ang kanyang noo. "Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin ko nang sa wakas ay

mapapayag rin kita na makasama ako sa loob ng isang buwan. The thought that I have to have a life-

threatening illness first before you talk to me, I mean really talk to me, broke my heart, Elle." Diniinan ni

Calix ang gilid ng mga mata para pigilan ang pagpatak ng mga luha. "But I pushed through with the

plan. Again, it was wrong. But if I didn't do that, you wouldn't let me stay with you. And I wanted so

damn much to stay."

Hindi pa rin humaharap si Chryzelle sa kanya, pero dinig na dinig niya ang pag-iyak ng asawa. Para

bang may kung anong nagbara sa kanyang lalamunan nang masaksihan ang paghihirap nito.

"Elle, aminin mo nga sa akin..." Calix said in a voice full of agony, "do I really have to die first before I

can gain your love back?"

Bawat segundong lumilipas na wala siyang naririnig na sagot mula kay Chryzelle ay patindi nang

patindi ang lalim ng sakit na tumatarak sa puso niya.

For heaven's sake, Chryzelle. Answer me, please.

DAHAN-DAHANG humarap si Chryzelle kay Calix. Nakaluhod pa rin ito, pero nakaharap na sa kanya.

Naupo siya sa marmol na sahig nang hindi na makayanan ang panginginig ng mga tuhod. Pakiramdam

niya ay nawalan ng lakas ang kanyang buong katawan na alam niyang dulot ng puso niyang kulang na

lang ay bumigay na nang mga sandaling iyon.

Sa nanlalabong mga mata ay napatitig siya kay Calix. Mapakla siyang napangiti, kasabay ng muling

pagtangis. Chryzelle knew and felt that Calix was really hurting but, so was she. And she was so

drained to offer a helping hand. Ano ba ang nangyari sa kanila? Pareho silang nagmahal, pero ang

pagmamahal din na iyon ang nagdulot sa kanila ng ibayong sakit ngayon. Maybe because it was their

first time to love truly.

And as a woman, she expected not just a happy beginning but also a happy ending. She dreamed of

those things. Nasaktan siya nang husto dahil hindi natupad ang pangarap niya, dahil iba ang buhay na

ibinigay sa kanya ng tadhana. Lumaki siya sa isang simple pero masaya at buong pamilya, na araw-

araw ay puro pagmamahal ang itinuturo sa kanila ng ate niya. She grew up with so much love to give...

while Calix had less.

Pero naramdaman ni Chryzelle sa puso niya, na minahal din siya ng asawa. Sa mga nagawa ni Calix

ay hindi niya iyon maitatanggi. Minahal siya nito sa sarili nitong paraan. Nagkataon nga lang na hindi

buo na naipagkatiwala ni Calix ang sarili nito sa kanya dahil hindi rin buo ang paningin nito sa sarili.

Dapat pala ay hindi muna sila nagpakasal dahil marami pa pala silang kailangang malaman at

maunawaan.

Ngayon na-realize ni Chryzelle na hindi pala sapat na nagmamahalan ang dalawang tao para

magpakasal na. Dahil kung tutuusin ay bubot pa noon ang relasyon nila ni Calix sa kabila ng halos

dalawang taong pinagsamahan nila. Dahil ang mga bagay na ikinumpisal sa kanya ng asawa nitong

mga huling linggo ay ang mga bagay na hindi nito ipinaalam sa kanya noong magkasintahan pa lang

sila. Nalunod pa sila noon sa saya na dulot ng kanilang pagmamahal. Palibhasa ay puro kilig ang

kanyang naramdaman kaya ang akala niya ay palagi nang ganoon. Nagkamali siya.

"Hindi ako nagagalit na wala kang sakit, Calix. A part of me is happy to find out that you're really

healthy. But a bigger part of me is mourning. Alam mo kung saan ako nagagalit? K-kung saan ako higit

na nasasaktan ngayon?" Nabasag ang boses ni Chryzelle. "Kinuha mo sa akin ang pagkakataon na

magalit, maghinanakit, makaramdam ng kalayaan, at maghilom noong pasabugan mo ako ng bomba

na may sakit ka.

"Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magluksa para sa anak natin, para sa sarili ko, para sa

puso ko dahil binigla mo ako nang kailanganin kong mag-alala dahil sa inaakala kong kalagayan mo.

You..." Mistulang dam na nagtuloy-tuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. "You denied me the

chance to heal. And that was so unfair of you, Calix."

Ilang sandaling pilit na kinalma na muna ni Chryzelle ang sarili bago siya nagsumikap na tumayo. "I

need to go. Please let me heal on my own, allow me to finally recover. Kailangan kong huminga. Dahil

pakiramdam ko, dinaya mo ako. Ang dami kong kailangang ipagluksa. Ang dami kong kailangang

maramdaman." Binuksan niya na ang front door.

"Let's move on and find ourselves, Calix. Hayaan nating ang panahon at tadhana naman ang

magmanipula sa atin. Dahil kung talagang tayo ang para sa isa't isa, anuman ang mangyari, magiging

tayo pa rin sa dulo ng lahat ng 'to."

Pinunasan ni Chryzelle ang kahuli-hulihan na luhang pumatak sa kanyang pisngi bago tuluyang

lumabas ng pinto. Sa paglubog ng araw ay hahayaan niyang malugmok pansamantala ang sarili at

sisikaping bumangon sa mga susunod na pagsikat ng araw.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.