Thirty Last Days

Chapter 9



Chapter 9

"LAST mo na 'yan, Cassandra. Lagot ako sa kuya mo 'pag nagkataon."

Hindi pinansin ni Cassandra ang pananaway ni Brylle. Sa bar nito niya naisipang dumeretso

pagkagaling sa bahay ng kanyang kapatid. Itinaas niya ang wine glass na pinuno niya ng alak,

pagkatapos ay mapait na napangiti. "Birthday ko ngayon. Pero bakit parang ayaw n'yo akong maging

masaya? Just let me be, Brylle."

"Alam mo bang puro malulungkot at brokenhearted na tao ang mga pumupunta sa bar?" sa halip ay

sinabi ni Brylle. "Some drink their pain away and I don't get it. When I had this place built, all I wanted

was to have fun. Pero puro para makalimot ang dahilan ng mga customers kong pumupunta rito."

Kumuha ang pinsan ng sariling wine glass, pagkatapos ay nakihati sa alak niya. "Maglalasing kayo,

kikita ako and that's fun. But what the heck will happen after that? Will the misery go away once you're

sober? No!" Napapalatak pa ito. "Naroon pa rin ang sakit paggising mo sa umaga. May bonus ka pang

hangover."

Nagsisikip ang dibdib na natawa si Cassandra. "Maybe because we're hopeful... na baka swertihin

kami at... makalimot nga kami." Mapanglaw ang mga matang napatingin siya sa sentro ng bar na may

maliit na stage kung saan tumutugtog noon gabi-gabi sina Christmas. May mga nag-aayos na ng mga

instrumento roon pero puro kalalakihan na. "Mahal ko siya, Brylle."

Narinig ni Cassandra ang malakas na pagbuntong-hininga ng pinsan. Hindi man niya sabihin ay alam

niyang alam na nito kung sino ang tinutukoy niya, tutal ay best friend ito ng kuya niya.

Tinapik-tapik siya ni Brylle sa balikat. Napayuko na lang siya. At kasabay ng pagbirada ng mga luha

niya ay ang pagsisimula ng unang awitin ng banda para sa gabing iyon.

"Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago, itaga mo sa bato. Dumaan man ang maraming

Pasko. Kahit na 'di mo na abot ang sahig. Kahit na 'di mo na 'ko marinig. Ikaw pa rin ang buhay ko..."

Hindi napigilan ni Cassandra ang matawa sa narinig na kanta. Ngayon niya pa lang narinig iyon.

Hanggang sa bar ba naman ay iinsultuhin pa rin siya ng tadhana? Nilingon niya ang pinsan. "What's

that song?"

"'Buko,' sweetheart."

Napapalatak siya nang maalala si Manang Nita, ang siyang mayordoma sa bahay ni Jethro. Tama nga

ang matanda, maganda nga ang kanta... bagay na bagay sa kasalukuyang sitwasyon niya.

Nanlulumong tumayo na siya. "Aalis na ako. Baka mabaliw na ako kapag nagtagal pa 'ko rito."

Bumakas ang pag-aalala sa anyo ni Brylle. "Kaya mo pa ba'ng umuwi?"

Kahit pa bahagya nang may tama ng ispiritu ng alak ay nagmamalaking tumango pa si Cassandra. "Of

course. Puso ko lang ang may tama, Brylle. Pero ang isip ko, matino-tino pa naman... kahit paano."

Lumabas na si Cassandra ng bar. Nilalaro-laro pa niya ang susi ng kanyang kotse habang mabagal na

naglalakad papunta sa parking lot, nang isang lalaking naka-bonnet ang humarang sa dinaraanan niya.

Maagap siya nitong isinandal sa pader. Nanlamig siya nang makita ang pagkislap ng hawak nitong

patalim sa liwanag na nagmumula sa poste. Itinutok iyon ng lalaki sa kanyang leeg. Kumabog sa takot

ang kanyang dibdib. "A-ano'ng kailangan mo?"

"Holdap 'to, Miss."

Natatakot na kusa na niyang inabot ang kanyang purse. "H-hindi ako nagbayad sa bar kaya m-may

pera pa 'yan." Sumunod ay isinuko niya ang kanyang relo. "T-that's all I can g-give. Utang-na-loob,

umalis k-ka n-na."

"Masunurin ka naman pala." Hinimas-himas ng holdaper ang ulo ni Cassandra. Ngumisi ito at

pinakatitigan siya. "Pero mukhang may nakakalimutan ka pa yatang ibigay, Miss."

Napalunok siya nang makitang nakatitig ang holdaper sa suot niyang kwintas. Mabilis na hinawakan

niya iyon. She could not lose her necklace. Iyon na lang ang natitirang alaala sa kanya ni Jethro. "H-

huwag 'to, p-please. M-mahalaga 'to sa akin."

"Wala akong pakialam." Nang tangkang hahablutin ng lalaki ang kwintas ay mabilis na umangat ang

tuhod ni Cassandra patungo sa maselang bahagi ng katawan nito. Nang mapaluhod ito ay dali-dali

siyang tumakbo palapit sa kanyang kotse.

Nanginginig ang mga kamay na dinukot ni Cassandra ang susi na ipinagpapasalamat niyang sa bulsa

ng kanyang pantalon niya nailagay at hindi sa kanyang purse. Nabuksan na niya ang pinto ng kotse at

sasakay na sana roon nang mapahinto siya sa kirot na bigla niyang naramdaman sa kanyang balikat.

"'Yan ang napapala mo, Miss. Matigas kasi ang ulo mo." Iniharap ng holdaper ang nanlalambot niyang

katawan dito at akmang muling hahablutin ang kwintas niya nang may marinig silang malakas na

pagpito mula sa kung saan.

Nang malingunan nila ang guwardiya ay dali-daling nagtatakbo ang holdaper. Mabilis namang

sinaklolohan ng guwardiya si Cassandra. "P-pakitulungan na lang a-akong makasakay sa kotse... p-

please." Halos pabulong na wika niya. "P-pagkatapos ay p-pakitawag ang may-ari ng bar na si B-

brylle." Tumango ang guwardiya, at nang maalalayan siyang makasakay ay halos patakbo itong

umalis.

Nanghihinang napasandal si Cassandra sa backrest. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang muling

kumirot ang kanyang balikat. Nang bahagya nang makapagpahinga ay pinilit niyang dumilat at hinanap

ang cell phone sa dashboard. Bahagya siyang napangiti nang makita iyon.

Sa nanginginig pang mga daliri ay idinayal pa rin niya ang numero ni Jethro. Muli siyang pumikit nang

sa wakas ay marinig na ang baritonong boses ng binata. "J-Jet, I f-found our theme song. 'Buko' ang...

t-title." namamaos na wika niya. "Ipinangako k-ko sa sarili ko noong k-kakantahin ko 'yon sa 'yo kapag

nai-research ko na ang l-lyrics. H-Hindi ko nai-research pero-"

"What in the world are you talking about? At bakit ganyan kang magsalita?"

Napahawak si Cassandra sa kanyang balikat at pinilit na tikisin ang hapding nararamdaman. "It g-goes

something like t-this." Sa nagdedeliryong pakiramdam ay narinig niya na ang mga malalakas na yabag

ng taong palapit sa kanya. "Kung inaakala m-mo ang pag-ibig ko'y m-magbabago, itaga mo sa bato.

Dumaan man ang maraming P-Pasko. Kahit na 'di mo na abot ang sahig, kahit na 'di mo na 'ko

marinig... i-ikaw pa rin ang b-buhay ko..."

"Cassandra!" Nagmulat siya nang marinig ang boses ni Brylle. Mabilis siyang dinukwang ng pinsan.

"God, you're bleeding!"

Ngumiti si Cassandra. "I love you, Jet," naalala pa niyang wika bago isinubsob ang ulo sa dibdib ng

pinsan.

MABIBILIS ang mga hakbang na tinahak ni Jethro ang daang itinuro ng nurse sa station papunta sa

room ni Cassandra. Kumakabog sa pinaghalo-halong emosyon ang kanyang dibdib nang mga

sandaling iyon.

"Jethro, si Brylle 'to. Mamaya ka na tumawag." Naalala pa niyang wika ng pinsan ni Cassandra nang

ang lalaki na ang narinig niyang nagsalita sa kabilang linya kaninang tawagan siya ng dalaga. Bakas

ang matinding kaba sa boses nito. "I'll bring Cassandra to the nearest hospital. If you're interested, be

there. I'll text the address later."

Unti-unting bumagal ang paghakbang ni Jethro nang sa wakas ay makita niya na si Brylle. Nakaupo ito

sa isa sa mga silya sa pasilyo habang nakatungo. Nang marahil ay maramdaman nito ang presenya

niya, nag-angat ito ng ulo, saka matipid na ngumiti. "She's safe now. Nagamot na ang balikat niyang

sinaksak ng gagong holdaper." Tumalim ang mga mata ng lalaki. "Mabuti na lang at nahuli na siya ng

isa ko pang guwardiya or else..." Marahas itong napahinga. "Pumasok ka na. She's awake. I just can't

handle her when she's like this. Alam mo namang may trauma 'yon sa ospital. Dito ko na lang

hihintayin si Throne."

Natigilan si Jethro. Nakaligtaan niyang ayaw nga pala ni Cassandra sa ospital. It reminded her of the

day she lost her baby. Sa naisip ay nagmamadaling pumasok siya. Naabutan niya ang dalaga na

nakasandal sa headrest ng kama at mariing nakapikit. Habang pinagmamasdan niya ang

namumutlang anyo nito ay naikuyom niya ang mga kamay.

Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko dito. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na ang lumipas,

isang balita lang tungkol sa 'yo, dumarating kaagad ako. Hell. Kinulam mo ba 'ko?

"Dumating ka," namamaos na wika ni Cassandra nang magmulat. "Sana lang, hininaan mo ang

pagsasara ng pinto, nakalimutan ko tuloy kung pang-ilang tupa na ang nabibilang ko para lang ma-

distract ako."

Nagdilim ang anyo ni Jethro, lalo na nang maalala niya ang nabanggit ni Brylle sa telepono na dahilan

kung bakit nasugatan ang kaharap. "Bakit kasi hindi mo na lang ibinigay ang kung ano man 'yon na

hinihingi ng holdaper para-"

"I can't." Napailing pa si Cassandra. "Masyadong mahalaga sa akin ang gusto niyang kunin. I can't lose

my necklace."

Nagtagis ang mga bagang niya. "You stubborn woman! You would rather die than let him have your

necklace?"

NAG-IWAS ng tingin si Cassandra, pagkatapos ay hinawakan ang suot na kwintas na natatakpan ng

kanyang hospital gown. Initials nilang dalawa ni Jethro ang naka-engrave sa ginintuang kwintas. Iyon

ang iniregalo nito sa kanya noong unang taon ng anniversary nila. "Oo."

"Heck. Gaano kahalaga ba 'yang-"

"Sobra ang halaga nito. You gave this to me," mahinang sagot niya, pagkatapos ay sinulyapan si

Jethro. Kitang-kita niya ang pagbalatay ng pagkagulat sa mukha nito. "Mawawala ka na nga sa akin, e.

Sobra na kung pati alaala, mawawala pa. I'm sorry. I know I sound pathetic." Napabuntong-hininga

siya. "Pasensya na kung naabala ka pa. 'Wag kang mag-alala," pinigil niya ang mga luhang gusto nang

bumagsak mula sa kanyang mga mata. "Okay lang ako. You can go now." She smiled, pretending to be

well though her shoulder ached. "I'm fine. I really am."

"I'm sorry," mahinahon nang wika ni Jethro nang makabawi sa pagkabigla. "Pero sana, hindi mo

ginawa 'yon. Paano kung nasaktan ka nang husto?"

"Oops. Be careful. I might think you're starting to care." Cassandra laughed bitterly. "Go now, Jet. Lalo

lang akong naaawa sa sarili ko kapag nakikita kita." Tumalikod na siya nang marinig niya ang malakas

na pagbuntong-hininga ng binata kasabay ng mahihinang yabag palayo. All content © N/.ôvel/Dr/ama.Org.

Nagsisikip ang dibdib na napaluha si Cassandra nang tuluyan nang isara ni Jethro ang pinto. Just how

long could she fight for something that was not right?

PAGKASARA pa lang ni Jethro ng pinto ng kwarto ni Casandra ay narinig niya na ang paghagulgol ng

dalaga. Naikuyom niya ang mga kamay. Bago pa tuluyang magbago ang kanyang isip ay bumalik na

siya papasok sa loob ng kwarto.

Napahugot siya ng malalalim na hininga nang makita ang pagluha ni Cassandra. Mabilis na lumapit

siya sa kinahihigaan ng dalaga at niyakap ito. "Sshh. You'll be fine."

"I know. Ngayon lang naman talaga 'to masakit, Jet. Sa mga susunod na araw, unti-unti ring

maghihilom ang sugat ko." Pumiyok ang boses ni Cassandra. "But the pain you bring, h-how can that...

h-heal?"

He shut his eyes. Mula nang bumalik si Cassandra ay hindi na naging payapa ang mundo niya.

Nagmistulang pader na yari sa buhangin ang depensang iniharang niya sa pagitan ni Cassandra at sa

kanyang sarili, habang ito naman ay nagsisilbing malakas na alon. Kaya tuwing nakikita niyang

nasasaktan ang dalaga, doble ang epekto niyon sa kanya. At iyon ang higit na ikinatatakot niya.

Because then and now, it appeared that his pain had always been greater than hers.

Tuwing sasabihin ni Cassandra na mahal siya nito, gustong-gusto niya nang paniwalaan ang dalaga.

Everytime he saw her hurt, he wanted to reach her instantly and just take back what he said because

after all these years, no matter how much he hated to admit it, his heart still yearned... for her. Palagi

lang nakahandang umoo rito ang kanyang puso pero tumatanggi na ang kanyang isip. Ayaw niya nang

pagdaanan uli ang hirap na dinanas nang iwan siya ni Cassandra. Bukod pa sa nalalapit na ang

kanyang kasal, hindi na kasing simple ng nakaraan ang kasalukuyan.

Pinakawalan ni Jethro si Cassandra at pinakatitigan ang mukha nito. He breathed painfully. How can I

hurt the one who always loves me for the one who never fails to hurt me?

"Mahal kita, Jet."

Tinalikuran niya ang dalaga. "Kung mahal mo ako, bakit mo 'ko iniwan?"

"Because you were always helping me back then! Kung hindi ko ginawa 'yon, palagi kang mananatili sa

tabi ko." Natulos sa kinatatayuan niya si Jethro nang marinig ang halos pasigaw na sagot ni

Cassandra. "Wala na akong magagawa para sa sarili ko dahil lahat na lang, gagawin mo na para sa

'kin. Hindi ako matututong tumayo at magsumikap gamit ang sarili kong mga paa. I would remain

stagnant, Jet. Dahil palagi ka lang nandiyan, magiging mabuti, magiging palaging handang protektahan

ako."

Hindi makapaniwalang humarap si Jethro kay Cassandra. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha

nang mabasa ang katotohanan sa mga mata nito.

"Umalis ako para may mapatunayan. I just wanted to be like you, para maging proud ka naman sa

akin. Gusto ko, pagbalik ko, hindi lang ako 'yong sasandal sa 'yo, kundi pati ako, pwede mo na ring

sandalan. I wanted to be strong for the both of us. I wanted to grow. I desired to quit being a girl

because you deserve a woman, Jet. Masama ba 'yon?" He was stunned. "My only regret was getting

on that plane without explaining everything to you. Sana pala, kinabukasan na ako umalis at

ipinaliwanag ko muna sa 'yong walang iba. Ikaw lang. Na ginawa ko 'yon para sa 'yo. Pero naging

selfish kasi ako masyado. At that time, I kept reminding myself about the 'time is gold' thing. Ginusto

kong matuto kaagad para makabalik na 'ko sa 'yo kaagad." Parang napapagod na sumandal si

Cassandra sa headrest. "Vincent's words kept ringing in my head so I strove for a good record. It might

not be enough to cover up my awful past but at least... I was able to do something."

"Alam ba 'to ni Throne?" Tumango si Cassandra.

Humila si Jethro ng stool at doon naupo. Napahawak siya sa kanyang noo. He felt his energy slowly...

draining. Naipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata nang hindi niya na nakayanan ang nakikita.

Cassandra was sobbing uncontrollably. At ang mga luha nito... he breathed sharply. Those waterworks

made him desire to change the world just so he could see her eyes... shine once more.

Gusto ni Jethro na suntukin ang sarili nang maalala ang lahat ng mga sinabi at inasal niya kay

Cassandra mula nang bumalik ito. Ang lahat ng mga ginawa nito, ang sakit sa mga mata, ang

paglalambing sa boses at ngayon, ang kwintas na iningatan nang sobra huwag lang iyong mawala...

Oh, God. He had been hearing her words but he never really took time to actually listen. Masyado

siyang nagpadaig sa sariling sakit na nararamdaman.

Nang magmulat si Jethro ng mga mata ay gusto niyang lapitan si Cassandra, punasan ang mga luha at

pawiin ang lahat ng mga paghihirap nito. Gusto niyang sabihing huwag itong mag-alala, ipagsigawan

ritong mahal niya ito, na kailanman ay hindi nawala ang kanyang pagmamahal, na natakpan lang iyon

ng galit noong inakala niyang niloko at iniwan siya nito. Pero paano mababago ng mga iyon ang

komplikado nang sitwasyon sa pagitan nila?

Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit naging napakadali para sa kanya na hayaang umalis si

Dana. Dahil sa sulok na bahagi ng kanyang puso ay gusto din niyang makasama si Cassandra. And

heck... what about his fiancée?

Rumagasa ang galit sa dibdib ni Jethro para kay Throne na nanatiling tahimik lang sa loob ng mga

taong lumipas. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Nang masalubong ang bayaw sa pasilyo

ay nagdidilim ang paningin na sinugod niya ito.

"YOU KNEW all this time pero itinago mo sa 'kin ang lahat? You allowed me to actually hate her?

Bastard!" Halos sumabog ang dibdib sa galit na sinuntok ni Jethro si Throne sa kabila ng presensya ni

Christmas.

Nang akmang susugurin pa niyang muli ang bayaw ay humarang na ang kanyang kapatid sa pagitan

nila. "Kuya, ano na naman ba'ng nangyayari?"

Hinawakan ni Throne si Christmas sa mga balikat, pagkatapos ay masuyong nginitian. "Umalis na

muna kayo ni Brylle, Chris. It's time your brother and I had this... heart-to-heart conversation."

Ginawaran nito ng halik sa mga labi ang asawa bago marahang sumenyas sa para bang nakaunawa

namang si Brylle na iginiya si Christmas palabas.

Nang makalayo na ang dalawa ay muling sinuntok ni Jethro si Throne, na sa pagkakataong iyon ay

ginantihan siya nang mas higit pa. "So ngayon mo lang nalaman?"

Hindi ininda ni Jethro ang napuruhang mga labi. Malakas na itinulak niya ang bayaw. "Bakit mo ginawa

'yon? Damn you! You should have told me!"

"Then, you should have approached me and asked me!"

Natigilan si Jethro. Mula kasi nang magkahiwalay sila ni Cassandra ay nadamay na rin si Throne sa

galit niya kaya hindi na sila nag-usap pa.

"Pero tama ka, mali nga siguro ako. Maling method nga siguro ang ginamit ko para matulungan ang

kapatid ko. Pero para sa isang taong buong buhay siyang nakitang naliligaw, that was the only way I

could ever think of at the moment. I pushed her to leave your side. Because at that time, I saw how

willing she was to throw away all her insecurities in the name of love."

Jethro's jaw clenched. "Pero dapat ipinaalam mo pa rin sa kanya ang mga nangyayari dito-"

"Maybe. But Jet," malungkot na ngumiti si Throne. "you are her sole weakness, the same way you are

her strength. Kung ginawa ko 'yon, baka liparin niya mula France papunta rito makausap ka lang. At

that time, I saw you as a distraction." Napabuntong-hininga ito. "You're my sister's weakest link. Kung

sinabi ko sa kanya ang totoo noon, sa tingin mo, may mararating siya ngayon?"

"My God... what have I done?" punong-puno ng pagsisising naibulalas niya makalipas ang ilang saglit.

Natawa ito pero mapait iyon maski sa pandinig ni Jethro. "I'm sorry. I'm sorry for ever thinking that if

you loved her, you would understand her, you would wait for her."

"I'M SORRY," halos pabulong na wika ni Jethro sa natutulog na ngayong si Cassandra nang balikan

niya ang dalaga sa kwarto nito. Parang sasabog ang kanyang dibdib nang makita ang bakas pa ng

luha sa mga mata ni Cassandra. Maingat siyang naupo sa tabi nito pagkatapos ay masuyong hinalikan

ang mga kamay nito.

"Pero hindi rin naman ako basta nagpakasaya lang sa ibang bansa, Jet. Naghirap din ako. Wala akong

kakilalang iba ro'n. Ako lang."

Naikuyom niya ang mga kamay nang maalala ang sinabing iyon ni Cassandra na hindi man lang niya

pinansin noon. "I'm so sorry, Cassey. I love you, too... so much, that I died... every single day thinking

you were with someone else. Para akong binibitay habang iniisip kong natutupad mo nga ang

pangarap mo, pero hindi naman ako ang kasama mo." Masuyo niyang kinintalan ng halik sa mga labi

ang dalaga. "I'm so sorry. Happy, happy birthday... love."

For the first time after four long, agonizing years, Jethro wept once more... for the same girl but for a

different reason this time. And heck, what a reason.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.