Chapter 7
Chapter 7
ALERON couldn’t believe he was in love with someone whose eyes can glimmer just by actually seeing
Jollibee, someone who can be so forgetful. May mga pagkakataong hanap ng hanap si Holly ng mga
bagay na nasa kamay na pala nito, nalimutan lang nito.
Bigla na lang itong lumuluha sa harap ng monitor kapag nagsusulat. Pagkatapos kapag nilapitan ito
para damayan, magagalit pa ito dahil ninanakaw daw ang momentum. Iyon pala, ang iniiyakan nito ay
ang mga karakter nito sa nobela na naghiwalay, namatay o kung ano pa mang may pinagdaraanang
pagsubok sa buhay. I’m in love with her and I don’t even know if she’s real. Shit. She can just be
pretending all these time.
Kumuyom ang mga kamay ni Aleron sa naisip. Sunod-sunod na napabuga siya ng mararahas na
hininga.
“I love you, Aleron.” Narinig niyang mabining bulong ni Holly. At sapat na iyon, sapat na iyon para
tuluyan niyang kalimutan ang lahat.
Ayon sa diary ni Athan ay bigla na lang umanong nanlamig si Holly rito at nakipaghiwalay. Pagkatapos
niyon ay nakita na lang nitong iba na ang kasama ni Holly at kahalikan. Pero baka kulang pa ang
ibinigay ng kapatid niya. Baka kapag isinuko ni Aleron ang lahat, kapag ibinigay niya kay Holly ang
lahat ay magdalawang-isip rin itong iwanan siya. Lahat ng gustuhin nito, ibibigay niya. Handa na siyang
pagkatiwalaan ang pagmamahal na nakikita sa mga mata nito. Dahil saka niya lang nagawang sumaya
nang dumating ang dalaga sa buhay niya.
Binuksan ni Aleron ang pahina ng buhay niya kay Holly, pahina na ipinagkait niya sa iba. Inilahad niya
rito ang lahat maliban sa dalawang bagay: ang tungkol sa pagiging Williams niya at ang koneksyon
niya kay Athan. Hindi pa siya nakahandang aminin ang mga iyon. Natatakot siyang iwanan siya nito
dahil roon. Narinig niya ang pagsigok ng dalaga matapos niyang magtapat. Lalo pang humigpit ang
yakap nito sa kanya.
“Hindi ko pa naranasang maging masaya sa buong buhay ko. When my brother died, kasabay ng
pagkawala niya ay ang pagkawala rin ng natitirang positibong emosyon sa puso ko. But every time I’m
with you, I feel a certain warmth, a certain glow in my heart. And if that’s what everyone call happiness,
then I’m happy to be with you, Holly. When I met you, I stopped regretting I was born.”
Sa tuwing kasama niya si Holly, nalilimutan niya ang kailangan niyang gawin. Siya ang nahulog sa
sariling bitag. Napakadali para sa dalaga na pangitiin at patawanin siya sa kabila ng mga pinagdaanan
niya.
Bahagyang lumayo kay Aleron si Holly. Puno ng luha ang mga mata nito nang humarap sa kanya.
Ipinaloob nito ang mukha niya sa malalambot na mga palad nito.
“I’m so proud of you. Totoong napakahirap nang magmahal pagkatapos ng mga nangyari sa ’yo pero
minahal mo ako. I feel so honored. I must have done something good in my past life to have your love
right now.” Masuyong hinagkan ni Holly ang noo ni Aleron pababa sa tungki ng kanyang ilong at
patungo sa kanyang mga labi.
Sa kabila ng lahat ay napangiti siya. She always make him feel like it was her first time to kiss
someone, like his lips were the only ones she had ever kissed. Marahang-marahan ang naging
paghalik nito sa kanya na para bang pilit nitong inaalis ang lahat ng sakit na iniinda niya. Ipinikit niya
ang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon, natagpuan niya ang kapayapaan. Ngayong tuluyan
niya nang sinukuan ang paghihiganti, pakiramdam niya ay nakalaya ang isip at puso niya. Tinugon niya
ang bawat halik ng dalaga.
Now that he had her in his arms, for the first time, he stopped thinking just how unfair life was. Ipinaikot
ni Aleron ang mga braso sa baywang ni Holly. Nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi ay
nagmulat siya. Punong-puno ng pangako ang mga mata ng dalaga.
“Simula sa gabing ito, hindi ka na mag-isang makikipagsagupaan sa buhay. Join forces na tayo. I will
be your partner in crime, partner in everything.” Kinindatan ni Holly si Aleron. “We will be the greatest
love team in the whole world!”
Naiiling na napangiti muli si Aleron. Masarap rin palang magmahal.
“FINALLY, you answered my call! Nasaan ka na ba? Ang sabi mo kanina, nandito ka na?” Kunot ang
noong tanong ni Holly sa kabilang linya. Iginala niya ang mga mata sa paligid.
Nasa tabi siya ng isang fountain sa loob ng isang kabubukas pa lang na mall. Ngayon pa lang siya
nakapasok roon. Napakalaki at napakalawak niyon kaya pinili niyang pumirmi na lang sa kinaroroonan
para madali siyang mahanap ni Aleron kung sakali. Dahil kung siya ang maghahanap sa binata ay
baka maligaw lang siya. Hindi pa naman siya matandain sa isang lugar. Bukod pa roon ay puno ng tao
roon, halos siksikan pa nga ang mga iyon kung tutuusin.
“Kung hindi lang sana tapos na ang bakasyon ko, sa ibang lugar kita dadalhin.” Sa halip ay sagot ni
Aleron. Bakas ang panghihinayang sa boses nito.
Lumalim ang mga gatla sa noo ni Holly. “Ano bang sinasabi mo dyan? Magpakita ka na nga.”
“Think of this place as a world filled with random people. Sa laki nito, it was truly a wonder how two
people meet and just fall in love. Noong mahalin mo ako at mahalin rin kita, napatunayan kong hindi
pala totoong malupit ang mundo. Paraan ka ng tadhana para ipaalam sa akin na nagkamali ako ng
akala. Maybe things happened in my life not just to hurt me but also to prepare me for a kind of life that
we are about to have.”
Narinig ni Holly ang paghugot ng malalim na hininga ni Aleron.
“I had to be wounded so I would learn to appreciate it if someone comes to cure me. Having you made
me realized that life was not all about pain, it was also about love and happiness. Mahal kita, Holly.”
Nangilid ang mga luha ni Holly. Napuno ng matinding init ang puso niya. Sa loob ng mahigit tatlong
bwan nang relasyon nila ng binata, nag-iiba pa rin ang pakiramdam niya sa tuwing sinasabi nitong
mahal siya nito. Hindi expressive na tao si Aleron. Pero madalas ay nakikita niya kung paano ito mag-
adjust para mag-work ang relasyon nila. Pinipilit nitong buksan ang pinto ng buhay nito para
makapasok siya.
Noong mga unang linggo nila ay naiilang pa ang binata na magsabi ng anumang bagay tungkol sa
pagmamahal. At nauunawaan ni Holly iyon kaya siya na ang nagkukusang mauna hanggang sa
dumating ang araw na ginugulat na lang siya ni Aleron kapag bigla itong tumatawag sa kanya para
lang mag-I love you. Natapos man ang leave nito ay parati niya pa rin itong nararamdaman. Umuuwi
pa rin ito kapag lunch time at sinasabayan siya sa pagkain. Marunong na rin itong magbigay ng mga
bulaklak, tsokolate at naglalakihang stuff toys ngayon. Bahagyang napangiti si Holly sa naalala. Pero
ang mga iyon lang ang tinatanggap niya.
Ang ibang ibinibigay ng binata tulad ng mga alahas, mamahaling paintings at bagong sasakyan ay
tinanggihan niya na siyang mukhang ikinagulat nito ng husto. Taong mamahalin at magmamahal lang
sa kanya ang hiningi ni Holly sa Diyos. At ibinigay na nito iyon sa kanya. Wala na siyang iba pang
kailangan tulad ng mga materyal na bagay.
“Nasaan ka nga kasi? I want to see you.” So I can hug you. Aleron, though unaware, is the perfect
boyfriend.
“Nakakaligaw ang mag-isa, ‘di ba? Kaya dapat talaga ay may kasama ka sa bawat pupuntahan mo, sa
bawat gagawin mo. I can be that person, Holly.”
Parang may mahika na bigla na lang nahawi ang mga tao sa harapan ni Holly. Nahati ang mga iyon sa
gitna. Noon niya lang napuna ang pulang carpet na pa-deretso sa kinatatayuan niya. Napakahaba
niyon. Napasinghap siya nang mapuna ang life-size na cover ng mga libro niya na nakatayo roon.
Lumapit kay Holly ang isang batang babae at binigyan siya ng isang bungkos ng mga bulaklak na
nangingiting tinanggap niya. Kasabay niyon ay pumailanlang ang romantikong awitin sa paligid. Inakay
siya ng batang babae sa unang cover ng libro niya. Parang pinto pala ang istilo niyon, na-realized niya
iyon nang ituro sa kanya ng bata. Binuksan niya iyon at pumasok roon. Ganoon din ang ginawa niya sa
mga sumunod na book covers na nadaanan.
Pagdating niya sa dulo ay sumalubong sa kanya ang napakaraming mga bata na pare-parehong may
mga hawak na makukulay na lobo. Nang sabay-sabay na bitawan ng mga bata ang tali at lumipad ang
mga iyon pataas ay noon lang nakita ni Holly si Aleron na nakatayo sa gitna ng mga bata, nakalagay
pa rin ang cell phone sa kabilang tainga nito. Natawa siya kasabay ng pagpatak ng luha niya. “You’re
crazy.”
Ngumiti lang si Aleron na napakakisig nang mga sandaling iyon. Noon lang ito nakita ni Holly na
nakasuot ng three-piece suit. Kulay itim iyon na lalong nagbigay ng eleganteng dating rito. Ibinulsa nito
ang hawak na cell phone. Walang pagmamadali sa kilos na naglakad ito palapit kay Holly. Aleron Silva
looked like the exact prince charming she was describing in her every novel. Huminto ito nang isang
hakbang na lang ang layo sa kanya. Tuluyang ibinaba niya na ang hawak na cell phone. Isinilid niya
iyon sa kanyang shoulder bag. Property © 2024 N0(v)elDrama.Org.
“Cliché as it may seem but I really thought that love can only be found in books and movies. Sa dami
ng kaguluhang nangyayari sa mundo, sino ba ang mag-aakalang totoo palang may pag-ibig? At sino
bang mag-aakala na makakapagsalita ako ng mga ganito?” Natawa si Aleron. “I’m never going to be
like the heroes in your books, Holly. I can only be me. Hindi ako mangangako ng kahit na ano. But I
can assure you that I will work hard to give you the happy ending that you dreamed of.”
Namilog ang mga mata ni Holly nang bigla na lang lumuhod sa harap niya ang binata. Naglabas ito ng
kahita mula sa bulsa nito at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang dyamanteng singsing.
“Make me believe in love all over again. Be my heroine for the rest of my life and marry me.”
Walang tigil sa naging pagtulo ang mga luha ni Holly. Iyon na ang simula ng katuparan ng mga
pangarap niya. Lumuhod rin siya para magpantay ang mga mukha nila ng binata. Inabot niya ang
isang pisngi nito. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang paniwalaan na kanya na nga talaga
ang lalaking ito. Napakaswerte niya. “I love you way too much that I can’t say no. I’ve been waiting for
this moment ever since I realized that I love you.”
Agad na naglaho ang nerbiyos sa mukha ni Aleron. Nangislap ang mga mata nito. “Is it really a yes?”
Hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango si Holly. “Yes.”
Nagmamadaling isinuot ni Aleron ang singsing sa daliri ni Holly pagkatapos ay mahigpit siyang
ikinulong sa mga braso nito. Kasabay niyon ay narinig niya ang masigabong palakpakan ng mga tao.
Kuntentong naipikit niya ang mga mata. Alam niyang marami pang hindi nareresolbahang pansariling
issues si Aleron pero nakahanda siyang tulungan ito. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para
tuluyang malimutan nito ang sakit sa puso nito. Marami pa silang pagdaraanan pero nakahanda na
siya dahil alam niyang kasama niya ito.
“I love you so much, Holly.” Emosyonal na bulong ni Aleron.
Hindi niya na nagawang makapagsalita dahil parang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa binata. She was right to believe in fairytale. Because that very
moment, it was happening right in front of her.