Chapter 15
Chapter 15
Three years later
“OUR BAND’S last song is dedicated to this lovely Latin girl I met more than three years ago. Lucky
me, you guys, don’t speak my other language which is Tagalog. I wouldn’t feel more embarrassed than
I already am now,” may halong amusement na sinabi ni Bradley sa mga nagtawanang audience nito.
Humarap ito sa direksiyon ni Yalena.
Naramdaman ni Yalena ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang matutukan siya ng spotlight kasabay
niyon ay narinig niya ang pagbubulungan ng mga tao sa paligid niya. Bihira siyang manood ng concert
ng banda ni Bradley. Sikat ang binatang vocalist ng bandang Troquer kaya tuwing kasama siya nito ay
hindi maiwasang mapag-usapan sila. Pero dahil birthday ng binata nang araw na iyon ay napapayag
siya nitong sumama rito. Gabi ang concert nito at may pasok pa kinabukasan ang nag-iisang anak
nitong si Martina kaya hindi na ito nakasama pa sa kanila.
“Lena, when I met you, I was hoping to change your life. But you changed mine instead.” Masuyong
ngumiti si Bradley. “Nang una kitang makilala, pakiramdam ko, pareho tayong naliligaw. Dahil hindi ko
alam kung ano’ng gagawin ko sa `yo. Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Ginusto
kong malaman kung ano ang dahilan ng sakit na nakikita ko sa mga mata mo. Ginusto kong malaman
kung ano ang mga bagay na nagpapasama ng loob mo, na nagdudulot ng luha sa mga mata mo para
maging mas maingat ako, para hindi na ako makadagdag pa sa mga dinadala mo. Pero ‘yong mga
gusto kong malaman, nangangahulugan na kakailanganin kitang kilalanin nang husto para makuha ko
ang mga kasagutan. And that made me afraid.”
Natensiyon si Yalena nang magsimulang bumaba si Bradley ng stage hawak ang mikropono.
“Dahil una pa lang kitang makita nang gabing iyon,” itinuro ni Bradley ang dibdib nito. “Iba na ang
reaksiyon nito. I was afraid because I knew I can’t get to know you without falling in love with you. I
knew I can’t come close without needing you. Pero sumugal ako.”
Sa front seat nakaupo si Yalena kaya madali siyang nalapitan ni Bradley. Deretsong tumitig ito sa
kanyang mga mata. Nabasa niya ang kaba sa mga mata nito.
“Anim na buwan na simula nang makilala kita nang umamin na `to.” Tinapik ni Bradley ang dibdib.
“Mahal ka daw nito. Hindi niya nga lang magawang ilabas nang buo ang nararamdaman dahil
hinihintay niyang maghilom ang puso mo. Every single day for the past years, I was waiting for you,
Lena. Hinihintay kitang magpakilala. Hinihintay kitang pagkatiwalaan ako. Hinihintay kitang umamin.
That’s why imagine my relief when exactly two years after I met you, you finally decided to trust me
with your life story. Pero naghintay pa rin ako ng isang taon bago umamin. And here I am now.”
Inabot ni Bradley ang kamay ni Yalena. “I love you, Lena. Pagkatapos ng mga pinagdaanan mo, hindi
ko alam kung magagawa mo pang maniwala uli sa pagmamahal. Pero gusto kong isipin na sa loob ng
tatlong taon at dalawang buwan na nagkasama tayo ay nakilala mo na ako. Hindi ako tulad niya, Lena.
You know what? I honestly think we’re great together. Because you’re my song, Lena. You’re my
lyrics.”
Naghiyawan ang mga manonood sa buong amphitheater kasabay niyon ay ang pag-alingawngaw ng
musika na nagmumula sa piano. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ang piano lang ang
instrumentong ginamit ng banda ng binata. Kahit nang magsimulang kumanta si Bradley ay hindi na ito
umalis sa harap ni Yalena. Hindi na rin nito binitiwan pa ang kamay niya.
Pinagmasdan ni Yalena ang gwapong mukha ni Bradley. Mula sa kulay-mais na buhok nito na
hanggang balikat ang haba, sa kulay gray na mga mata na minana mula rito ni Martina, sa makakapal
na mga kilay, aristokratong ilong, maninipis na labi at mga dimples na lumilitaw tuwing ngumingiti o
kumakanta ito. In his gray V-neck shirt, black leather jacket and ripped jeans, Bradley looked an
incredible rock star. Kay lakas ng dating nito. At alam niya na matapos ang ginawang pagtatapat ng
binata ay marami ang kadalagahang naiinggit sa kanya, mga kadalagahang tagahanga nito.
Likas na mabuti si Bradley na namana rito ng anak na si Martina. Tinanggap siya ng mag-ama kahit pa
walang idea ang mga ito tungkol sa tunay na pagkatao niya. Ang mga ito ang tumulong sa kanyang
maibangon ang sarili sa pamamagitan ng ibang pangalang ibinigay niya sa mga ito noon. Tatlong araw
bago sila umalis papuntang Portland, Oregon nang kunwari ay nagpakilala siya sa wakas at palabasing
siya si Lena Morales. Ginamit niya ang apelyido ng namayapang ina.
Noong mga panahong iyon ay desperada siyang mamuhay sa ibang katauhan, sa ibang pangalan,
dahil puro masasamang bagay ang nangyari sa kanya noong siya pa si Yalena de Lara.
Ginamit ni Yalena ang kabutihan ng mag-ama para makatakas palayo sa Pilipinas nang hindi
matutunton ng iba. Ayaw niya nang bumalik sa dating buhay niya. Nang isama siya ni Bradley sa
Portland ay nagpadala siya sa agos. Dahil private jet ng pamilya ni Bradley ang ginamit ay hindi na sila
nahirapan dahil walang kinailangang anumang papeles palabas ng bansa. Pinapasok siya ng mag-
ama hindi lang sa bahay ng mga ito sa Portland kundi sa buhay ng mga ito. Doon niya natuklasang
mayaman ang pamilya ni Bradley.
Namatay ang purong pinay na ina ni Bradley sa isang plane crash noong dalawang taon pa lang ito.
Ang ama nito ay binawian rin ng buhay nang walong taon na si Martina nang atakihin ito sa puso. Dahil
nag-iisang anak ay naiwan kay Bradley ang airline company na pagmamay-ari ng Fil-Am na ama nito
na siyang taga-Portland kung saan ginustong manirahan ni Bradley. Pero dahil musika at pagbabanda
ang hilig ay ipinaubaya ni Bradley ang pamamahala sa kompanya sa tiyuhin nito sa Pilipinas. Text property © Nôvel(D)ra/ma.Org.
Natuklasan niya ring isa palang kilalang artista ang ina ni Martina sa Oregon. Dati iyong nakarelasyon
ni Bradley. Aksidente umanong nabuntis nito si Jessica, ang ina ni Martina. Tinanggihan ni Jessica ang
alok na kasal ni Bradley dahil makasisira umano iyon sa career at mga pangarap nito.
Matapos isilang si Martina ay naglaho na lang umano si Jessica at iniwan ang sanggol kay Bradley.
Nag-iwan lang ang babae ng note na nagsasabing ayaw nitong matuklasan ng sinuman na nagkaanak
ang mga ito. Bumalik ito sa pag-aartista. Halos dalawang taon matapos niyon nang magpakasal si
Jessica sa isang kilalang direktor sa Hollywood at tuluyan nang kinalimutan ang mag-ama nito.
Ngayon ay pamilya kung ituring si Yalena ng mag-ama. Si Martina ang siyang kasama niya sa kwarto
dahil madalas siyang bangungutin.
Napabuntong-hininga si Yalena sa naisip. Madalas niyang mapanaginipan ang naging pagdurusa niya
habang sakay ng taxi kasama ang gwardiya sa mansiyon ng mga McClennan. Madalas niyang
mapanaginipan kung paano siya dinugo, kung paano sinabi ng doktor na nakunan siya. And each time,
Martina will be awake. And then the little girl will pray with her. Katabing kwarto lang nila ang master’s
bedroom na inookupa ni Bradley.
Tuwing may komosyon sa kanilang kwarto ni Martina ay naaalerto ang binata. Pumapasok ito sa
kwarto nila ni Martina na may hawak na dalawang baso ng gatas. Mauupo ang binata sa tabi niya sa
kama at magkukwento ng kung ano-anong nangyari sa araw nito para ma-distract siya hanggang sa
unti-unti ay bumalik sa normal ang paghinga niya.
May mga pagkakataong pakiramdam ni Yalena ay hindi na nakakatulog si Bradley sa kabilang kwarto
sa pagbabantay sa kanila ni Martina dahil bakas ang antok nito pagdating ng umaga. Pero wala siyang
naririnig na reklamo mula sa mga ito kahit pa kay Martina na aksidenteng nagigising sa kalagitnaan ng
gabi dahil sa kanya. Sa lahat ng iyon ay iisa lang ang hiling ng bata na tita ang tawag sa kanya… na
sana ay dumating raw ang araw na matawag na siya nitong Mommy. Mahal siya ng bata at natutunan
niya na ring mahalin ito. Nadarama rin ni Yalena na may lihim na damdamin para sa kanya si Bradley
pero hindi niya sigurado kung gusto niya iyong marinig. Pero hayun at nagtapat na ito.
“Only a woman can make you fly so high you wanna touch the sun. When your wings melt and you
come undone, catches you when you fall, she’s the only one…” patuloy na pag-awit ng Bradley. Hindi
maikakaila ang maganda at malamig nitong boses. Swabe iyon sa pandinig. “She steals your heart just
like a thief. Makes you lay roses at her feet. But you know to kiss the rose; the thorns will make you
bleed…”
Nang magpakita si Yalena ng interes sa pagbi-bake pagkalipas ng ilang buwan mula nang mapadpad
siya sa Portland ay sinuportahan siya ni Bradley. Natuwa pa ito na may pagkakaabalahan na raw siya
at hindi na maiinip kapag nasa eskwela si Martina at may gig o concert ito. Umupa pa ang binata ng
magtuturo sa kanya na patissier sa mismong bahay nito. Nang matuto siya ay ipinakilala siya ni
Bradley kay Simone, ang amerikanang girlfriend ng drummer sa banda nitong si Dean. May restaurant
si Simone.
Nang magustuhan ni Simone ang pastries at cakes na gawa ni Yalena ay minungkahi nitong mag-
deliver siya ng mga iyon sa restaurant nito araw-araw. Kasama na iyon sa menu roon bilang desserts.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay siya pa rin ang supplier ni Simone. Ang iba niyang gawa ay
binabaon ni Martina sa eskwela habang ang karamihan ay panghimagas ni Bradley na nagkataong
mahilig sa mga tinapay. Ang mga kinikita niya mula roon ay inihuhulog niya nang buo sa malaking
piggy bank ni Martina tutal ay hindi naman siya hinahayaan ni Bradley na sagutin ang ilan sa kanilang
pang-araw-araw na gastusin.
Sumagi sa isip ni Yalena ang mga narinig na usapan nina Simone at Bradley mahigit isang taon na ang
nakararaan. Katatapos lang ng concert ng banda ni Bradley noon. Ang mga kabanda nito ay nagpunta
sa tatlong palapag na bahay nito at doon nagkaroon ng after party. Papunta sana si Yalena sa kusina
nang gabing iyon pero hindi siya natuloy dahil nasaksihan niya sina Bradley at Simone na parang may
seryosong pinag-uusapan doon.
“Remember my sister Natalie? She saw Lena yesterday when Lena delivered the pastries. She was
shocked when she saw Lena. Natalie kept insisting that Lena Morales is Yalena de Lara, the famous
lawyer in Nevada. Natalie was claiming that her husband used to be Lena’s client. I checked Yalena de
Lara’s profile on the Internet. There was even an interview about her when she won the case against a
government official in Nevada. Lena did really look like that lawyer. And their voices are the same.
Everything about them is the same. I knew in an instant that Lena was that lawyer, Bradley. What
happened? Why is she pretending to be someone else?” Bumakas ang pagkalito sa boses ni Simone.
“Does she have amnesia or something?”
Napasinghap si Yalena sa narinig. Kumakabog ang dibdib na dahan-dahan niyang sinilip ang anyo ni
Bradley. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng binata.
“Let’s just trust Lena or Yalena, Simone. She’s a good woman. I know she has reasons for hiding her
identity—if ever what you’re saying is true. And those reasons might be too painful to confess as of the
moment. I do love Lena, Simone. And I’m going to keep trusting her. I’m going to keep waiting until she
finally reveal her real name to me.”
Natunaw ang puso ni Yalena sa mga narinig noon kay Bradley. Matapos ang naging pag-uusap nito at
ni Simone ay wala siyang narinig na anuman mula sa binata. Sa nakalipas na mga taon, ilang beses
niyang hiniling na sana ay una niyang nakilala ang binata.
Dahil siguradong iingatan ni Bradley ang puso niya. Siguradong hindi niya pagdaraanan dito ang mga
sinapit kay Ansel. Eksaktong dalawang taon nang sa wakas ay pinili niyang maging matapang. Inamin
niya kay Bradley ang tunay na pagkatao. Inilahad niya rito ang kanyang kwento. Inilahad niya ang
kanyang mga kinatatakutan, ang mga bangungot at ang multo ng kanyang nakaraan. At gaya nang
inaasahan ay inunawa at tinanggap pa rin siya ni Bradley. Bigla pa itong nagdaos ng party sa
pagkasorpresa ng lahat. Bradley said he was that grateful. Tinawagan nito ang mga kabanda na
tanggap din si Yalena noon pa man.
Napangiti si Yalena sa naalala.
“You’d thank God you found her. Can’t live your life without her. And every little thing about her is all
you need. `Cause the seasons change and people come and go. But when love is fate, best hold that
woman close. Take the hard road back and fall down at her door. `Cause that’s your woman. That’s all I
know. Only a woman…” Matapos umawit ay bahagyang inilayo ni Bradley ang mikropono sa bibig nito.
“Lena, alam kong ayaw mo sa ganito. Pero sadyang malakas lang kasi talaga ang loob ko kapag
marami akong back-up tulad ngayon. Hindi gaya kapag tayong dalawa lang. Dahil ‘pag solo natin ang
lugar, natataranta pa rin ako.”
Bahagyang natawa si Bradley. “Magtatagalog na ako para mapahiya man ako, hindi nila ako
maiintindihan. Yalena, mahal kita. Pwede bang ako na lang? Sa `min ka na lang ni Martina habang-
buhay. Dalawa kaming mag-aalaga at magmamahal sa `yo.”
Nabigla si Yalena nang lumuhod si Bradley sa harap niya. Dinig na dinig niya ang pagsinghap ng mga
tao. Sandaling inilapag ng binata ang mikropono sa sahig. Kinuha nito mula sa bulsa ng jacket ang
isang ring box at binuksan iyon. Pilit na inalis niya sa isipan ang isang partikular na eksena mula sa
nakalipas na halos katulad ng kasalukuyang sitwasyon niya nang mga sandaling iyon.
“Alam ko na may posibilidad na isipin mong masyado akong nagiging mabilis. But Lena, you’re about
to turn thirty-two. And I’m twenty-four.”
Sa kabila ng lahat ay pinanlakihan ni Yalena ng mga mata si Bradley sa narinig.
Natawa ang binata. “Sorry. Thiry-four pala. Mahal kita. Mahal ka ni Martina. At nararamdaman ko na
kahit paano, may espesyal na lugar na rin kami sa puso mo. Our friendship is solid. Can’t that be the
base of our marriage? May tatlong taon at dalawang buwan na tayong pundasyon. Please… take a
chance on me. Marry me, Lena. Be the constant music in my life.”
Limang buwan simula nang dumating si Yalena sa Portland nang ginusto niyang bumukod ng tirahan.
Tutal ay may pinagkakakitaan na rin siya kahit paano sa paggawa ng pastries at cakes. Maganda ang
pasweldo ni Simone sa kanya. Natakot siyang patuloy na maging pabigat sa mag-ama. Pero mas
natakot siyang bumalik sa Pilipinas.
Hanggang nang mga sandaling iyon ay nakahanda siyang gawin ang lahat huwag lang bumalik sa
dating buhay niya. Pero umiyak si Martina. Nakiusap ito sa kanya pati na si Bradley na manatili na lang
sa bahay ng mga ito. Hindi niya rin natiis ang mga ito lalo na ang bata. Kaya hanggang ngayon ay
doon pa rin siya nakatira sa bahay ng mga ito.
Pinakatitigan ni Yalena si Bradley. Totoong hindi niya alam kung makakaya niya pang magmahal
matapos ng mga pinagdaanan. Pero espesyal sa puso niya si Bradley. Kung maghahanap siya ng
makakasama, walang pagdududang si Bradley iyon dahil panatag dito ang puso niya.
Tumayo si Yalena. Lumapit siya sa binata. Bahagya pa siyang natawa nang makita ang butil-butil na
pawis sa noo nito dala ng nerbiyos. Idinikit niya ang bibig sa tainga nito. Lumakas ang paghiyawan ng
mga tao. “Sa hirap ng pinagdaanan ko, wala na sa bokabularyo ko ang magmahal. But I do trust you,
Bradley. And I know that with you, my heart will be forever safe.
“I’m honored you love me. And I do feel a certain glow in my heart right now. This entire confession
thing really did surprise me but above all, this made me feel special. This made me feel blessed… and
happy. Kaya susubok ako. And who knows? Baka ang init na nararamdaman ko sa puso ko ngayon
ang maging hudyat na pala ng pagmamahal? So yes, Bradley. Sa `yo ako, sa inyo ako ni Martina. I’m
going to marry you.”
Tatlong taon na silang magkasama. At kuntento siya sa piling ng mag-ama. Wala na siyang gustong
hilingin pa.
Mas pipiliin niya ang ligtas na kalagayan ng puso kasama si Bradley kaysa ang sumubok pa uli sa iba.
Subok na nila ni Bradley ang isa’t isa. Alam niya na sa binata, hindi siya mangangamba. And who
knows? Baka isang araw sa tulong ni Bradley at ni Martina ay magawa niya na ring tumapak uli sa
Pilipinas.
Nasorpresa siya nang bigla siyang buhatin ni Bradley sa harap ng mga daan-daang taong naroroon.
“She said yes! She said yes!” Lalong nag-ingay ang mga manonood. “I love you, Lena! I love you
so!”