Chapter 52
Chapter 52
Anikka
Pinapahid-pahid ko ang mga luhang tumutulo sa akinh mga mata. Ayoko na makita nila ako na ganito
kalungkot, sigurado na mag-aalala sila para sa akin.
"Nasaan na si Eris." Natigilan ako sa tanong ni Nicole, hindi ko alam ang isasagot sa kanila. Ayokong
sabihin sa kanila ang nangyari kanina. Ayoko kasi na magkagulo sila ni Eris ng dahil lang sa akin.
"Wala nauna na daw siya." Sabi ko na lang. Seryosong nakatingin sa akin si Nicole, parang may
kinikilatis siya sa akin. Siguro nga masyado ng halata yung pamumula ng aking mga mata sa kaiiyak.
"Anikka, kaibigan mo kami maaring mo kaming pagsabihan ng mga nangyayari sayo. We cant bear to
see you like that, hindi ka naman iyakin." Napatingin na lang ako sa kanya, ramdam na ramdam ko ang
sinseridad na nagmumula sa kanya, tila nakikisimpatya siya sa nararamdam ko, pero hindi ko naman
iyon magawang sabihin sa kanya.
"I cant." Sabi ko na lang saka umalis, hindi ko talagang kaya sabihin ang nangyari ayokong magkagulo
kaming apat ng dahil lang doon. Alam kong mapag-uusapan pa namin ito.
Sumakay ako sa Honda Jazz ko, kailangan namin mag-usap ni Eris, kailangan namin na
magkalinawagan. Kahit mahirap ay dapat ipaintindi sa kanya na matagal na silang wala. Alam kong
mahirap niyang unawin iyon dahil magpahanggang ngayon at kitang kita ko na mahal pa rin niya si
Lukas.Iyon ang nakikita kong problema niya kaya magpahanggang ngayon ay si Lukas pa rin ang
hinahabol niya.
Nasa tapat ako ng unit ni Eris na may maalala ako sa aking isipan.
"Eris, ano ba yang suot mo ang igsi-igsi saka yang blouse mo kulang na lang ipakita mo na ang
kaluluwa mo." Sabi ko sa kanya habang hinarangan ko siya sa pinto. Nakakapanibago ang suot niya,
hindi niya tipo ang mga damit na iyon.
"Anikka!" Bulyaw niya sa akin, habang pinipilit niya na makalabas sa pintuan, hindi ko siya papayagan
na lumabas na ganoon ang suot. Paano kung mabastos siya sa labas at may mangyaring hindi
maganda sa kanya. Sisisihin ko ang sarili ko, dahil pinabayaan ko siyang lumabas sa ganoong
pananamit.
"Eris." Pagdidiin ko.
"Tignan mo yang suot mo oh! May sapat na allowance ka naman diba? Bakit parang nagtitipid ka sa
tela ha. Kung may mangyari sayo dahil pa pananamit mong iyan. Naisip mo ba iyon."
Umirap lang sa akin si Eris, tila ba naiirita siya sa akin at ayaw akong pakinggan, kailan pa siya naging
ganito sa akin. Lagi naman siyang nakikinig sa akin a?
"Hay nako Anikka, kasi may kinahuhumalingan siyang lalaki kaya ganyan." Napahilot ako sa aking
sentido at pilit kong kinakalma ang sarili ko sa paningin niya. Ayoko naman na makita na naiinis na ako
dito.
"Eris, hindi mo naman kailangan na manamit ng ganyan para magustuhan ka niya. Let him like you just
the way you are. Maganda ka Eris, inside and out, alam ko na magugustuhan ka niya kahit di ka noveldrama
manamit ng ganyan." Mahinahon kong sabi sa kanya kailan siya nagkaroon ng ganyang pag-iisip, na
magdadamit ng ganoon para sa isang lalaki. Saka hayaan na lang niya na lalaki ang lumapit sa kanya,
hindi yung ilalapit niya ang sarili dito.
Sumama ang tingin niya sa akin, may nasabi ba akong mali? Kung ano man iyon ay nais kong
ipaintindi sa kanya na hindi niya kailangan mag-suot ng mga damit na iyon para magustuhan siya ng
isang lalaki.
"Sa tingin mo nangyayari pa yang sinasabi mo! Hindi Anikka! Hindi na. Sa panahon ngayon iba na ang
hanap ng mga yan, yung sexy, makinis at maganda! Wala ng nagkakagusto sa mga manang ng tulad
mo!" Natigilan ako sa pagtataas niya ng boses sa akin, unang beses niyang ginawa sa akin ito.
Agad akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Para sa lalaking iyon ay magagawa niya akong
pagtaasan, pagtaasan ng boses ang kaibigan na walang hangad kundi kabutihan para sa kanya.
"Tabi nga diyan." Hawi niya sa akin, pa akong isang hayop na itinaboy na lang basta,dahil sa gulat ko
dahil sa kanyang inasta ay hindi ko na siya nagawang pigilan.
"Erisha!" Wala na akong magawa kundi isigaw ang pangalan niya, baka sakaling pakinggan niya
ito.Pero hindi niya ako pinakinggan at dali daling lumabas sa bahay.
It's him afterall, Si Lukas siya ang kinahuhumalingan niya hanggang ngayon, kaya pala ganoon na lang
siya kagalit noong nalaman na kami at desidido na agawin siya sa akin.
Isang katok ko lang sa pinto ay agad ng magbukas ang pinto.
"Anikka." Ngiting ngiti niyang sabi, ang aliwalas ng mukha niya, parang wala siyang ginawa sa akin
kanina.
"Pasok ka." Hinawakan pa niya ang aking kamay sa pagpasok.
Nilibot ko ang aking mga mata sa ynit ni Eris, napakaaliwalas ng itsura. It is simple and elegant, bigla
ko tuloy naalala ang mga consepto niya noon sa tuwing nagdo-drawing siya ng mga damit, simple at
elegante ang laging niyang nagagawa.
Hindi ko maiwasan na mabigla sa pag-angat ko ng tingin sa kanya. Mula sa maaliwalas niyang mukha
kanina ay nakasimangot na ito. Hindi ko maiwasan na magtaka. Kaplastikan nga ba ang pinakita niya
sa akin kanina nung pinapasok niya ako sa unit niya.
"Alam ko naman ang ipinunta mo dito Anikka Celyne. Yung nangyari kanina, gusto mo kong kausapin
ukol doon." Nabigla ako sa sinabi niya, alam niya. May natitirang pag-asa sa puso ko na hindi niya
seseryosohin ang sinabi kanina, dahil magkaibigan kami, BFF kumbaga. BFF na magkasangga at hindi
nag-iiwanan at handang gawin lahat para sa kaibigan.
"Tama ka." sambit.
"Kung kukumbinsihin mo ko na huwag totohanin iyon, mag-aaksaya ka lang ng oras mo. Hinding hindi
ko gagawim iyon dahil aagawin ko siya sayo." Nawala ang ngiti mula sa aking mga labi. Hindi na talaga
ako makapaniwala sa kanya, nagmumula ang mga salitang iyon sa mga labi niya. Please Eris no! Mali
yang gagawin mo.
"Eris you listen, hin---"
"No! You listen to me!Sawa na ako sa kakikinig sayo Anikka, lagi na lang noong high school pa tayo. I
wont listen to every words that you were saying.
"Ako ang unang sineryoso, first kiss, first love, first date, first hug and even first sex, siguradong
nakatatak na ako sa kanya because first namin ang isa't isa. Ikaw pang-ilan ka kaya sa mga babaeng
hinalikan niya at kinama niya."
Hindi ko mapigilan na masampal siya dahil sa hinanakit na nararamdaman ko mula pa kanina at mas
lumala pa dahil sa sinabi niya ngayon. Alam ko naman na I'm not his first, huwag niyang
ipangalandakan pa.
"Ano ha, anong laban mo." Sambit pa niya, at sa itsura niya ay tila kulang pa ang ginawa ko. Isang
pang-iinsulto iyon na nais niyang iparating sa akin, na wala akong laban sa kanya.
"Eris.."
Napatingin ako sa kanya hindi na talaga siya ang Eris na kilala ko, na kaibigan ko. Ibang iba na talaga
siya.
Iba na itong kaharap ko.
" Yun lang ba Anikka ha.Simpleng kasabihan lang ito Anikka, tandaan mo. First love never dies. Mahal
pa niya ako at aagawin ko siya sayo.
Taas noo akong humarap sa kanya, kahit magbabadya na naman na tumulo ang aking mga luha. Kung
kakalabanin niya ako, pwes hindi ako papatalo sa isang tulad niya. Kung kailangan lumaban ako,
lalaban ako.
"You're wrong Eris, True love never dies."
Pagkatapos nun ay lumakad ako papalayo sa kanya, pero napahinto ako saglit ng may maalala ako sa
isipan ko na dapat na talagang ipamukha sa kanya. Lumingon ako sa kanya.
"You're just his past."