Chapter 17 Broke and Lost
Pinalo ko naman ito sa kanyang hita kaya napaaray ito.
"Huwag ka ngang maingay!" Saway ko sa kanya.This belongs to NôvelDrama.Org: ©.
Nature na kay Abby ang sumigaw kapag may ganitong chismis.
"Anong real score ka diyan? Ano kame, test paper?" Abby mimicked kaya napaikot na lang ako ng mata. Ayaw paawat!
"Masama bang magtanong?" Pambabara naman nito.
"Alam niyo, para kayong delatang walang label."
Ngumuya ito ng sandwich at saka sumimsim sa panulak nito.
Psh. Kinumpara pa kame sa delata!
Kumagat na rin ako sa sandwich na dala dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Pano ba naman, sobrang agang nagyayang pumasok sa school nitong babaeng ito. Ewan ko ba kung anong saltik pumasok at nagyaya ng ganoon kaaga. "So ano na nga?"
Mahina niya naman akong sinipa sa paa ko. Mapilit talaga.
"Bakit ba atat na atat kang malaman ha? Alam mo papasa kang paparazzi."
Nagkibit-balikat naman ito at ngumiti na para bang nag-aagree sa idea.
"Ayaw mo talagang sabihin? Edi kay Papa Nathan ko tatanungin. Di naman problema 'yun. Ilang kembot lang naman papunta sa kanya e."
Pinagpagan nito ang sarili, tumayo at saka itinuro nito si Nathan habang hawak pa ang tissue ng sandwich sa kamay. Nate was wearing the same shirt and pants. Nakatayo ito sa open stage at may kasamang mga iilan naming classmates. I saw him nodding while having a conversation with them. Ang gwapo talaga niya kahit malayo.
Tinapik ko naman agad ang kamay nitong nakaturo sa direksyon nila. Mamaya may makakita pa e. Hinila ko na rin siya paupo kaya napabagsak ang pwet nito sa damuhan. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Kami na."
Aish! Napaamin tuloy ako ng wala sa oras.
Bigla namang nag-iba ang mood ni Abby. Nabitawan nito ang chuckie at tissue wrapper sa damuhan. Gulat ang mukha nito pero ilang sandali pa ay unti-unting gumuhit sa kanyang labi ang mapang-uyam na tingin. Saka siya tumili ng pagkalakas-lakas.
Geez. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Napabuntong-hininga na lang ako at tinakip ang mukha ko gamit ang palad.
"I knew it!" Masiglang sabi nito.
Pinalo pa ako sa braso habang tumatawa.
"Required manakit?"
Sumimsim naman ako sa chuckie na dala ko dahil parang nauhaw yata ako sa biglaan kong pag-amin.
Hindi nito pinakinggan ang sinabi at dire-diretso pa rin sa suspecha at obserbasyon nito. Ito 'yung problema sa kaibigan ko e, masyadong supportive. Kung gamot pa to siguro na-overdosed na ako.
"Sabi ko na e. Halatang-halata sa titigan niyo pa lang kanina e. Para kayong sumasayaw sa sarili niyong mundo e."
Partida may halong gesture pa siya at sinabayan pa ng naniningkit nitong mata.
Bigla naman itong napatigil at saka tinitigan niya ako ng naninigkit nitong mata.
"Kailan pa?"
Para itong nambabanta sa tono ng boses niya. Parang gangster na pinapaamin ang biktima niya. Hindi naman ako nagpatinag.
"Just yesterday."
Inubos ko na ang inumin ko at saka binutasan yun para ilagay dun ang wrapper ng sandwich.
Akala ko ay titigil na ito, pero mas inilapit niya lang ang kanyang mukha sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa nito.
"Sino ang unang nakaalam?"
I grinned at her kaya napabusangot at paupong nagdadadabog.
Tumayo na ako at saka pinagpagan ang sarili but Abby stayed in that position at nagmamaktol.
"Geez. You were the first one to know, okay? Tumayo ka na nga. Malelate pa tayo sa klase e."
Bigla namang umaliwalas ang mukha nito at bigla na lang napatayo. Umangkla ito sa aking braso at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan na lamang siya. Sabay na kaming naglakad papunta sa classroom.
Nasa loob na kame ng kotse pauwi nang in-open ni Abby ang tungkol sa pagpunta ng mga magulang ko rito.
"Sigurado na talaga 'yun? Pupunta ka?" I nodded habang tinatanggal ang bag ko sa likod.
"Wala naman akong magagawa. At para matapos na rin kung ano ang dapat na matapos."
Napatango na lang ito sakin at may inasekaso sa paperbag na inabot sa kanya kanina ni Leo. Umandar na rin ang kotse palabas ng campus.
"Gusto mo ba samahan na lang kita?"
Her idea made me want to agree with her pero inisip ko rin na kailngan ko rin ng oras kasama sila.
"Hindi na. I'll be okay. Tsaka hindi rin naman na ako magtatagal dun. Tatanungin ko lang kung ano ang kailangan nila sakin pagkatapos ay aalis na ako."
Tumingin ako sa labas at mukhang uulan. Makulimlim ang langit at tinatangay ng malakas na hangin ang mga ulap.
Napalingon ako kay Abby at saka napatingin sa bagay na inilapag niya sa hita ko. A navy blue colored medium size box na may logo na Z na nakaimprenta sa harap nito. Mukhang mamahalin. "Oh? Ano naman ito?" Tanong ko rito ng nakakunot ang noo.
"Bomba. BOOM!"
Sumigaw ito sa mukha ko kaya nagulat ako ng wala sa oras. Isama pa na may tumalsik na laway sa mukha ko. Kadiring abbaeng ito.
"Regalo 'yan. Di ba halata?" She said leaning her back on while rolling her eyes.
"Para saan naman?"
Wala namang okasyon, ba't may regalo?
"Duh, imimeet mo kaya parents mo bukas. Ayoko namang magmumukha kang dugyot sa harap nila noh. At saka sa itsura mo pa lang, mukhang wala kang balak na mag-ayos papunta don e." Tsk. Napakasalbahe talaga ng babaeng ito, mag-aayos naman ako. Hindi nga lang sa paraang gusto nila.
"Salamat sa concern ha?"
Nakangisi ito at mukhang sobrang confident na inisip niyang ibigay sakin to. I opened the boz at nakita ang isang mamahaling dress. I took it out of the box at saka pingmasdan ang kagandahan nito. It was a powder blue dress na tantya ko'y hanggang sa tuhod ko ang haba. Soft and lightweighted ang fabric nito. It was a ruffled tiny floral dress. Simple pero malakas ang dating.
"You should've saved your money than buying this."
I folded the dress and returned it in the box.
"Psh. Think of it as my early birthday present. Tutal malapit na naman ang birthday mo e. Wala ng balikan 'yan. Magtatampo ako."
She crossed her arms and leaned it on to her chest. Napangiti na lang ako sa kanya. Hindi lang dahil sa niregaluhan niya ako kundi dahil naaalala niyang ang mga importanteng araw para sa akin. "Thank you."
I'm always touched by Abby's thoughtfulness. No doubt about that.
"Oh, huwag kang iiyak ha?" Panunukso pa nito sa akin.
Then, she opened her arms wide. An invite for a hug. So, I did.
Tuesday came at ipinagdarasal ko na matapos na agad ang araw na ito. Ilang araw na akong binabagabag at hindi nakakatulog ng maayos dahil sa araw na ito. Geez. This is getting into my nerves.
I bathe, wore my navy blue pencil skirt and my polo paired with a navy blue ribbon, and ponytailed my hair. I heard a horn at dali-dali nang lumabas ng bahay. It was Abby's car.
"Geez, we're late."
Akala mo natataranta na siya no? Nope, she's chill. Ewan ko ba ba't late to ngayon e.
"Hindi obvious." I said sarcastically.
Bumungad sakin ang puyat nitong mukha. Lakas makazombie.
"Ano naman ang ginawa mo at ikaw naman ang mukhang puyat ngayon ha? Pwede ka ng extra sa wrong turn ah." Natatawa kong sambit.
Napabuga naman ito ng hininga sa ilong ng hindi man lang ako nilingon saka tinapunan ng masamang tingin ang taong nasa driver's seat. Si Leo.
I shifted my gaze to leo na nag-iiwas ng tingin. Hmm. Fishy.
"Oh? Pft. It's better to stay out of this."
Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing at bagong gising. Huwag lang sa taong puyat at kulang sa tulog. Gaya ni Abby.
Mukhang may hindi yata sinasabi sa akin ang kaibigan ko. Makainterrogate nga ito mamaya.
Later this morning, hindi ko man lang makausap ng matino ang babae. Yan ang lakas makapanukso sa akin noong isang araw. Iba talaga ang karma. Napabunghalit naman ako ng tawa nang makitang tumulo ang laway nitong ng sinubukan nitong umidlip habang nalalunch kami. Wala, knockout.
Kaya nung uwian na ay pinauwi ko na ito kay Leo. He insisted I should ride with them pero sinabi ko na may pupuntahan ako and Abby knows.
"Ingat ka ha? Call me when something happens." "Yun lang ang sinabi nito habang pinipilit na buksan ang mga mata.
She groaned at saka di na napigilang mapapikit. I nodded with Leo then embarked in the car.
Magtataxi na lang ako.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Naghintay ako ng ilang minuto at saka nakahanap ng taxi. Ipinara ko ito at saka binigyan ang address kung saan kami magkikita ng aking mga magulang.
Habang palapit ako ng palapit sa venue ay mas lalo lang nadaragdagan ang kaba sa puso ko. It's the first time after 6 years na masisilayan ko ulit ang mga mukha ng mga magulang ko. Kahit na ganoon, may pagmamahal pa rin naman ang natitira sa akin para sa kanila. Kahit na ganoon ang pakikitungo nila sa akin. Then, I felt a pang of sadness in my heart. Masakit, oo.
"Ma'am, andito na po tayo." Sabi ng taxi driver.
I asked him for the bill and payed for it. Bumaba na ako at saka naglakad papasok ng isang kilalang hotel. No doubt. My parents can afford this.
Dumiretso na ako sa dining area ng hotel and ask for the receptionist for directions.
"Good evening, Miss Arellano. Your parents are already waiting for you on The Dining. Just go straight down the hall and then turn left. The crew will serve you after. Enjoy!" Maaliwalas na pagbati ang bumungad sa akin ng receptionist. So, I gave back the energy to thank her.
I did follow the directions na sinabi sa akin at sa bawat paglakad ko ay parang mas bumibigat ang pakiramdam ko. Halos hindi ko na rin mapigilan ang matinding kaba sa aking dibdib.
Sa kalayuan, tanaw ko na ang The Dining. Hindi masyadong puno ang restaurant dahil first class guests lang ang nakakareserve ng table dito.
Karamihan sa mga mga taong nakikita ko rito ay nakasuit at nakadress na hindi ko matantya ang presyo sa kamahalan. They were all looking dangling from afar. Idagdag mo pa ang gara ng resto. With all the chandeliers, shining lights, the music, silver chairs, glass table, wines, flowers and all. Mas mukha pa ngang disente ang mga crews kaysa sa akin e. They were wearing their uniforms. White polo shirt inside and a coat full of Italian designs. No wonder, this is an Italian restaurant.
Mas lalo lang akong kinabahan. Nababagay ba ako dito? Nagsimula na akong maging conscious sa sarili ko.
I stopped when I was steps away from the glass door. Nakakahiya. Tinignan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng uniform. Hindi ko na naisipan pang magdress dahil hindi naman ako tatagal dito. I have my bag hanging on my shoulders. Nanliit tuloy ako sa sarili ko.
"Just be yourself. You were raised decent and respectful. Anong ikakahiya mo dun?"
Abby's voice echoed in my ear. Kahit wala ka sa tabi ko, nakukuha mo pa rin akong i-cheer up.
So I raised my chin up, and started walking full of confidence.
Entrada pa lang pero ramdam ko na ang gara ng resto. The crew opened up the glass door for me and bowed down a little, a sign of respect. Ang lamig.
Tutuloy na sana ako nang may sumagi sa isip ako.
"Ah." Nag-aalangan pa ako kung hihingi ba ako ng tulong sa crew na taga-bukas ng pinto.
"Ano po 'yun, Ma'am?" He was looking at me with full of admiration.
Nakakahiya. Cute naman siya pero halatang mas matanda ito sa akin ng mga tatlong taon.
"Itatanong ko lang sana kung saang table ito." Inabot ko sa kanya ang papel na ibinigay ng receptionist kanina sa akin.
It was a silver special paper na may table number, pangalan ng nagreserve ng table at nakaindicate ang hotline ng kanilang hotel sa baba.
"Ah. Opo. Alam ko ito, Ma'am. Nasa gitnang bahagi po sila ng Dining. Ayun po, oh? Mukhang kanina pa nga po sila nandyan e." Itinuro niya sa akin ang table na nireserve ng mga magulang ko. Napakamot naman ito ng ulo at saka tumayo ng maayos. Napatitig yata ako sa kanya ng matagal kaya naconscious ito.
"Sorry, Ma'am. Medyo napadaldal lang." Ngumiti ito sa akin at ibinalik muli ang papel sa akin.
"O-Okay lang 'yun. Salamat ha? Unang beses ko kasing nakapunta rito. Mauuna na ako." He bowed his head again so I did the same at nagsimula nang maglakad.
Nakikita ko na mula sa kanilang likod ang aking mga magulang. This is it. No turning back, Hennessy. Just be yourself. Inayos ko ang sarili at uniform ko pagkatapos ay dumiretso na sa table nila. "Here you are."
Ito ang unang beses sa buhay ko na muling narinig ang boses ng nagluwal sa akin, hindi na sa telepono kundi sa personal. Malumanay ang boses nito habang pinapahiran ng table napkin ang bibig nito. She just drank wine awhile ago. "You're late."
Walang kaemo-emosyong sambit ng lalaking katabi ng Mom ko. It was my father, full of authority wearing his suite and his expressionless face. Hindi pa rin nagbabago ang mukha nito. It's just that they aged.
Wala man lang yakap, pagbati o ano pa man. Them and their formalities.
Ano, Sol? Are you expecting a special treatment? Special ka?
And so I gathered myself up. Hindi ka magpapatinag. Stay composed.
Sa kabila nun, hindi ko pa rin ipinagkakailang nag-expect ako na magigng magulang sila sa akin kahit ngayon lang. But I guess, it was all fantasies. Hindi kailanman magkakatotoo.
"What's with your uniform?"
Nakangisi ito habang hinihiwa ng maliliit ang karne sa kanyang babasaging plato. Puno ng pang-uuyam ang tono ng kanyang boses. Medyo napahiya ako doon, sa harap ng mismo kong mga magulang. Dagdag pa na may isa pa kaming kasama sa mesa.
"Galing akong school."
Kahit pa nasasaktan ako, nakuha kong sumagot sa ama kong wala namang pakealam sa akin. To think na sa kanya pa nanggagaling ang mga mapangliit niyang tingin. That's the worse feeling one could ever feel from their own parents. "You think you look presentable with that rag on?" I felt a knife stabbed right into my heart. Rag.
Kahit kailan, hindi ko narinig ang mga mapanghusgang salitang 'yan sa buong anim na taon na nakasama ko ang mga tunay na nag-aaruga sa akin. At sa kanila ko pa iyon narinig. Parang gumuho na lang ang mundo kong ilan taon ko ring pinaghirapang itayo.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Konti na lang ay maiiyak na ako. But no, I won't. I shouldn't. Hindi sa pagkakataong ito. Ayokong magmukhang kaawa-awa. Hindi sa harap nila.
"Hindi ako nagpunta rito para makihalubilo sa mga taong katulad niyong nagpapakasasa at nagbibihis para lang kumain. Ano ba ang gusto niyong sabihin? Aalis ako kung puro panliliit lang ang kaya niyong gawin. Hindi niyo ako kilala." Kung puro masasakit lang naman na salita ay kaya ko silang tapatan. I wasn't raised like this. They made me do this.
"Totoo ngang hindi ka namin kilala. Dahil kung sa amin ka lumaki, hindi ka umaastang walang pinag-aralan."
Para akong pinapatay ng paulit-ulit ng mga salita na nagmumula sa bibig ng ama ko.
I balled my fists habang nagpipigil ng galit at luha. Hindi ko alam kung paano ko nakakayang makarinig ng masasakit na salita mula sa kanila.
Aalis na sana ako ng may humawak sa palapulsuhan ko. It was the guy who was sitting in our table. Galit akong tumingin sa kanya kaya napabitaw ito sa aking kamay.
He just smirked at me. Pakialamero!
"Sollen, just hear us out. This is all for your own good." Nagsalita na rin ang nanay ko.
"Ano pa ba ang dapat kong marinig mula sa inyo? Puro na lang panliliit at pang-aalipusta ang lumalabas sa bibig niyo! Sa ganoong paraan ba mapapabuti ang buhay ko?!"
Hindi ko na napansing napasigaw ako. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko.
Nakakuha ako ng pansin kaya medyo napahiya naman ako sa nagawa. Pero hindi sa magulang ko. I will never be ashamed of what I have said.
Nakita kong hinawakan ng Mom ko ang kamay ng Dad ko. Then he slide a paper at the edge of the table in front of me.
Once I was able to read the capital and bolded letters, parang gustog kong magwala. I stared at them with disbelief.
MARRIAGE CONTRACT
"Ha!"
I stared at them with disbelief. I saw our names sa baba with the jerks signature. Kristian Masamayor. Napalingon ako dito at nakita kung gaano siya kakalmado sa gitna ng sitwasyong ito. Bwisit!
"All you need to do is to sign it. Pagkatapos ay maari ka nang umalis." Walang pakundangang sambit ng ama ko.
Hindi ako makapaniwala. Parang wala lang sa kanila ang lahat.
"You're unbelievable. Minsan niyo na akong pinabayaan. Bakit pa kayo bumalik? I was living a good life without you. At ngayon, nagbalik kayo at gusto niyo namang kontrolin ang buhay ko?! The hell with you guys!" Nag-uumapaw ang galit sa mata ko.
"Calm down, Sol. Don't be so overdramatic." My Dad with his expressionless face.
Hindi mababakasan sa mukha niya ang pag-aalala man lang sa magiging buhay ko sa
"Calm down? Overdramatic?" Tumawa ako ng pagak, pinipigilan kong huwag lumandas ang mga luha sa mga mata ko.
"Naririnig niyo ba ang mga sinasabi niyo? Alam niyo ba kung ano itong ginagawa niyo? How could you arrange me to someone I haven't even met once in my life? And into marriage?!"
I looked at the guys sitting next to my Dad and pointed at him with disbelief.
"Nababaliw na ba talaga kayo?! Kinukulong niyo ako sa buhay na hindi ko naman ginusto! Or is it your selfishness na pati ako dinamay ninyo?! Para sa ano? Sa business niyo? Kulang pa ba ang mang-apak ng buhay ng ibang tao para lang kumita? You only care for your reputation! You selfish-Tangina."
Nagpupuyos ako sa galit. Ni hindi ko na mapigilan ang paglabas ng mga emosyong buong buhay kong itinago sa puso ko.
"Take your chair, Hennessy. Huwag kang mag-eskandalo dito." Maawtoridad at may halong pagbabanta na ang tono ng boses ng aking ama.
Pero hindi ako nagpatinag.
"Ma! Babae ka rin! Alam mo kung ano ang nararamdaman ko! Bakit hindi niyo man lang ako magawang maintindihan. You even agreed with him!"
Itinuro ko ang ama ko na mukhang nauubusan na ng pasensya.
I turned to see my mom avoiding my gaze. Pathetic. What a life. Sawang-sawa na ako sa ganitong buhay.
"Hindi ako isang kasangkapan na pwede lang ipamigay kung gugustuhin ninyo. I'm done. I quit being your daughter. From now on, I am cutting the ties with you. I lived better without you. Let's just stay it that way."
Hindi ako nagpakita ng lungkot o sakit sa boses ko. Pinigilan ko ang sarili kong pumiyok kahit na ramdam kong parang may kung anong bagay ang nakabara sa lalamunan ko. Ni walang mababakas na emosyon sa boses ko. Dahil kung anong konting emosyon ang natira sa akin kanina para sa kanila ay naubos na.
We were getting unwanted attentions from the diners. Kaya napagpasiyahan kong umalis na. Wala na namang rason para manatili pa.
Pabagsak kong kinuha ang bag ko at saka dali-dali silang tinalikuran. From now on, I won't be someone's daughter anymore. I won't be someone's property. I am of my own.
"Solennessy!" I heard my Mom called my name pero agad din itong sinuway ng aking ama.
That's better. So they won't see me in this state. Broke and lost. Again.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng resto ay sabay-sabay na nagsidagsaan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sumabay pa ang malakas na hangin at ulan sa pagdamay sa akin.
It was all I ever need right now. So they won't see me all in tears and lurking sadness.