Chapter 4
Chapter 4
“WHY did you ask to meet me here out of all places?”
Ilang sandaling pinagmasdan ni Selena si Dean na kahit pa bakas ang pagtataka sa anyo nang makita
siya ay awtomatikong kinuha pa rin nito mula sa kanya ang bag at picnic basket na dala niya. Parati
iyong ginagawa sa kanya ng binata pero ngayon niya lang napagtuunan ng husto ang ugali nitong
iyon.
Siguro ay dahil sa tinagal-tagal ng panahon na nagkikita sila ng binata ay ngayon lang siya nagkaroon
ng oras na pansinin ang mga bagay-bagay tungkol rito. Bukod pa roon ay ngayon lang sila nagkita ng
walang kinalaman si Adam. Ngayon mas napatunayan ni Selena sa sarili na tama lang ang ginagawa
niya. She’s safe with Dean. She knew she will always be. He had always been a true-blue gentleman,
anyway.
Mahigit dalawang linggo na ang mabagal na lumipas simula nang huli silang magkita ni Dean sa
townhouse niya. At hindi na siya pinatahimik pa ng iniregalo nito sa kanya pati na ng mga salita nito.
Kasabay niyon ay nagkaroon siya ng matinding curiosity sa binata, isang bagay na ngayon lang
nangyayari sa kanya.
Dahil simula nang mahalin ni Selena si Adam ay wala nang iba pang lalaki na nakakuha ng atensyon
niya. Kahit pa si Dean noon na parati niyang nakakasama. Pero mukhang nagbabago na iyon ngayon.
At gusto niyang paniwalaan na magandang bagay iyon.
Sa nakalipas na mga araw ay pinasubaybayan ni Selena si Dean sa isa sa mga mapagkakatiwalaang
tauhan ng kanyang ama. Inalam niya ang schedule ng binata. Hindi niya alam kung dala lang iyon ng
kagustuhan niyang may mapagbalingan mula sa komplikadong relasyon nila ni Adam kaya niya dini-
distract ang sarili. Pero hindi na muna iyon mahalaga sa ngayon.
Ang mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ay ang mga nalaman niyang impormasyon tungkol kay
Dean. Gaya ng para bang rewind na nangyayari sa buhay nito bawat araw. Sa hindi niya maipaliwanag
na rason ay parang bigla ay gusto niyang baguhin ang mga nakasanayan nito.
Gusto niyang tulungan ang binata. Gusto niyang makabawi sa mga kabutihan nito sa kanya sa
nakalipas na mga taon na noong mga nakaraang araw niya lang na-realized at sinimulang
pahalagahan ng husto. Gusto niyang… mapalapit kay Dean. Gusto niyang bigyan ang sarili ng
pagkakataon na makilala ito na tulad ng pagkakakilala nito sa kanya.
And the need to do those things was just too strong that just thinking about it already overwhelms her.
Mayamaya ay kumunot ang noo ni Selena. “Did you put a spell or something on the painting?”
Kumunot rin ang noo ni Dean bago ito para bang amused na napangiti pagkaraan ng ilang sandali. “At
anong klaseng spell naman kung sakali ang ilalagay ko ro’n?”
I don’t know. I’ve been thinking about you for the last couple of days. Naisaloob ni Selena. Hindi
nagtagal ay naipilig niya ang ulo. Ano ba itong pinag-iisip niya? Muli niyang pinagmasdan si Dean.
Mukha bang kakailanganin pa ng tulad nito ng magic spell para isipin ito ng isang tao? Dean has his
own charm, isang bagay na ngayon niya lang rin na-realized.
Magkasing-taas lang si Dean at si Adam. Parehong six-footer ang mga ito. Moreno si Adam at parating
pormal at seryoso ang gwapong mukha nito na nagbibigay rito madalas ng nakaka-intimidate na anyo.
He had always been like a king, a corporate king who knew what he wanted and how to get them. Si
Dean naman ay mestizo at misteryoso. Naiiba ang anyo nito. Hindi ito masasabing gwapo dahil
masyadong maamo at maganda ang mukha nito para tawaging ganoon.
Si Dean iyong tipo ng lalaki na literal na masasabing magandang lalaki, napakagandang lalaki.
Panibagong rebelasyon na naman. Dahil ngayon lang iyon napuna ni Selena ng husto. Mahaba ang
tuwid na tuwid na buhok nito na lampas balikat nito. Dark brown ang kulay niyon gaya ng mga mata
nito. Matangos ang ilong nito at maninipis ang mapupulang mga labi na pagdating sa kanya ay para
bang parating may nakahandang ngiti.
“Selena?” Bumakas ang pagtataka sa anyo ni Dean.
Muling naipilig ni Selena ang ulo nang matauhan. Bakit niya ba biglang ikinukumpara si Adam kay
Dean?
Nag-iinit ang mga pisnging iginala ni Selena ang mga mata sa kinaroroonan nila ni Dean. Sa noveldrama
sementeryo iyon, sa mismong lugar kung saan napag-alaman niyang nakalibing ang ina ng binata.
“Nalaman kong nagpupunta ka rito tuwing Linggo.” Halos pabulong na wika niya mayamaya. “At simula
ngayon, gusto ko sanang samahan ka sa tuwing pumupunta ka rito… if you will let me?”
Nang marinig niya ang pagsinghap ng binata ay bumalik rito ang mga mata niya. Marahan siyang
ngumiti para alisin ang namuong kaba sa dibdib. “I just realized I’ve been insensitive. Nakilala mo na
ako pero ako, hindi pa kita nakikilala ng husto. Sa mga susunod na bwan ay magiging magkapamilya
na rin naman tayo kaya we might as well quit being formal to each other. Tutal naman ay ilang ulit mo
na rin akong nakita sa mga…” Sandaling nakagat ni Selena ng mariin ang ibabang labi. “Sa mga
alanganing sitwasyon. I’ve been thinking about this for the past days. From now on, let’s stop being
strangers to each other. Let’s be… friends, Dean.”
“I… can be such a complicated man to deal with, Selena.” Ani Dean pagkaraan ng ilang minuto. May
bumakas na kung anong emosyon sa mga mata nito pero mabilis rin iyong naglaho kaya hindi na
nagawa pang malaman ni Selena kung ano. “You are going to have a hard time with someone like me.
Can you handle that?”
Sa pagkakataong iyon ay si Selena naman ang nagulat. Ngayon niya lang nakita ang bahagi ng
pagkatao na iyon ni Dean. Para bang sinasadya siya nitong takutin base sa hindi maikakaila na babala
sa tinig nito. Ganoon pa man ay muli siyang ngumiti. Sandaling nag-iwas naman ng tingin ang binata.
Inabot niya ang kamay nito. “Actually… I doubt if you can really give me a hard time.”
Muling humarap sa kanya si Dean. Mayamaya ay parang walang nagawang napabuntong-hininga na
lang ito.
Lumawak ang pagkakangiti ni Selena sa resignation na ngayon ay malinaw niya nang nababasa sa
mukha ng binata. “Let’s be friends.” Marami na siyang kaibigan. Pero may kung ano sa binata na
humihila sa kanya para idagdag ito sa listahan niya. “Please?”
Pumalatak si Dean. “Now that you’re smiling at me like that, how can I say no?”
“DYARAN! Ang sabi mo, matagal-tagal na simula nang makakain ka ng lutong-bahay kaya nagluto ako
ng marami.”
Nanatili lang nakatayo si Dean hindi kalayuan kay Selena habang pinagmamasdan ang dalaga na
maglabas ng mga pagkain sa picnic basket na dala nito matapos niyang maglatag ng kumot sa
Bermuda grass malapit sa puntod ng kanyang ina. Ilang beses niya na bang pinangarap na makasama
si Selena? Ah, hindi niya na mabilang. Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang ganitong
tagpo sa pagitan nila.
Hindi mahulaan ni Dean kung ano ang eksaktong nangyayari, kung anong dahilan at nagkakaganoon
bigla si Selena. Pero sa ngayon, hindi na iyon mahalaga. Matagal niya nang alam na maalalahanin at
malambing ang dalaga. But he never imagined her being this thoughtful towards him. Behind Selena’s
woman of the world image lies a very passionate woman. Na makikita lang ng husto kung paano nito
ituring si Adam. Ilang ulit niya nang nasaksihan iyon. Kahit na nasasaktan ang dalaga ay nagmamahal
pa rin ito ng husto sa kapatid niya. Kaya ilang ulit na rin siyang lihim na naiinggit at nasasaktan.
Pero sa mga ganoong panahon ay ilang ulit ring lihim na nahihiling ni Dean na sana isang araw ay
maibalik rin ni Adam ang pagmamahal ni Selena. Kahit masakit, tatanggapin niya iyon. Huwag lang
niyang makita ang muling pagluha ng dalaga.
“Let’s eat?” Nakangiti pa ring wika ni Selena mayamaya nang matapos na ito sa ginagawa nito.
And once again, she took his breath away. Her beautiful gray eyes smiles with her everytime she
smiles. Sadyang napakaganda nito. At ang mukha nito ang pinakamaamong mukhang nakita niya.
Malaporselana ang balat nito na takaw-pansin anumang isuot nito. Gaya nang mga sandaling iyon.
Nakasuot lang ito ng simpleng sleeveless na kulay lila na bestida na hanggang mga tuhod nito ang
haba pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito.
“Don’t do this again, Selena.” Sa halip ay pigil ang emosyong wika ni Dean. “Ayokong masanay sa mga
bagay na alam kong hindi magtatagal.”
“Hindi ako nakikipagkaibigan ng hindi pangmatagalan, Dean. Seryoso ako sa mga taong pinapapasok
ko sa buhay ko.” Gaya kanina ay inabot ni Selena ang palad ni Dean. Marahan siya nitong hinila paupo
sa tabi nito. “Kaya masanay ka na.” Kinindatan siya nito. “Like any friendships I have, I intend to make
this last.”
Sinulyapan ni Selena ang puntod ng kanyang ina. “Hello there, ma’am. Ako po si Selena. Kaka-
promote ko pa lang po bilang bagong kaibigan ng anak nyo. May kaibigan na po siya, finally.” Napailing
ang dalaga. “I found out that he’s always alone. And that’s a surprise, ma’am. Kasi mabait naman po
sa pagkakatanda ko ang anak ninyo. Pero ‘wag na po kayong mag-alala. Simula ngayon, ako na po
ang bahala sa kanya. Pakigabayan po kami, ha?” Lumawak ang pagkakangiti nito. “Thank you,
ma’am.”
Hindi na nakaimik si Dean. Napatitig siya sa lapida ng ina. Here is the woman I love, ‘nay, claiming to
be my friend. Ni minsan, hindi ko inakala na magpapakilala siya sa inyo sa ganitong paraan. Dahil hindi
ko naman inisip na magiging posible ‘to. She’s Selena and I love her. At hindi iyon pwede. Nagde-
delikado lalo ang puso ko sa ginagawa niya. That’s why I need your guidance now more than ever,
‘nay. I need you to tell the gods to at least show sympathy towards my heart.