In A Town We Both Call Home

Chapter 9



Chapter 9

“SINO ang ama?”

Mariing nakagat ni Lea ang ibabang labi nang marinig ang nanginginig na tanong na iyon ng kanyang

ama habang nasa tabi nito ang kanyang ina na nananatiling nakatulala sa kanya nang mga sandaling

iyon. Nang makita niya ang pamamasa ng mga mata nito ay agad siyang napayuko.

Apat na buwan na hindi umuwi si Lea sa kanilang probinsya. Puro ang pagtawag lang sa mga

magulang ang nagawa niya para hindi mag-alala ang mga ito. Hindi rin nakakadalaw ang mga ito sa

kanya dahil nahihirapan na raw magbiyahe, isang bagay na lihim na ipinagpasalamat niya noon. Dahil

hindi niya alam kung paano haharapin ang mga ito. Kulang pa rin ang lakas ng loob niya ngayon. Kung

tutuusin ay wala sa plano ang pag-uwi niya sa probinsiya. Ginamit niya ang naipong leave sa trabaho

para sana makapagpahinga mula sa sunod-sunod na naging projects niya.

Pero sa unang araw ng bakasyon ni Lea ay natagpuan niya na lang ang sariling nasa tapat ng bahay

ng mga magulang. Ni wala siyang dalang anumang gamit maliban sa shoulder bag niya. Napahinto sa noveldrama

masaya sanang pagsalubong sa kanya ang mga magulang nang agad na tumutok ang mga mata ng

mga ito sa bahagya nang maumbok na tiyan niya.

“Babaguhin ko ang tanong ko, Lea.” Matigas pa ring sinabi ng ama pagkaraan ng ilang sandali.

“Nasaan ang ama?”

Napailing siya kasunod ng paghikbi. Minsan nang tinangka ni Jake na ipaalam sa mga magulang niya

ang katotohanan pero pinigilan niya ito. Dahil kilala niya ang mga magulang. Alam niyang hindi

papayag ang mga ito na walang kasalang mangyari. Kaya hangga’t maari ay gusto niya na muna

sanang ilihim ang tungkol sa ama ng dinadala niya. Mahirap dahil alam niyang sasama ang loob ng

mga magulang sa kanya pero mas mahirap kung ipipilit ng mga ito ang gusto lalo pa at

nakapagdesisyon na siya.

Narinig ni Lea ang paghikbi rin ng ina. Gustong-gusto niya itong abutin at sabihing magiging maayos

rin ang lahat. Pero kahit siya ay hirap na hirap paniwalaan ang bagay na iyon. Hindi siya kahit na kailan

nagbigay ng pasakit sa mga magulang. Maliban sa mga oras na iyon.

“Saan, Lea?” Mayamaya ay garalgal ang boses na tanong ng ina. “Saan kami nagkulang sa

pagpapalaki sa ‘yo? Ano’ng nangyari sa ‘yo, anak?”

Unti-unting nag-angat ng mukha si Lea at pilit na sinalubong ang mga mata ng mga magulang.

Nakaramdam siya ng panliliit nang makita ang matinding pagkadismaya at sakit sa mga mata ng mga

ito.

“Patawarin nyo po ako.” Ang tanging nasabi niya. “Ako po ang nagkulang.”

Gusto niyang magsumbong. Gusto niyang sabihin sa mga ito na natatakot siya. Ilang buwan na lang at

magiging ina na siya. Ni hindi niya sigurado kung magiging mabuti siyang ina. Gusto niyang sabihin na

nag-aalala siya para sa hinaharap. Na nasasaktan siya dahil hindi niya nakikita si Jake. Puro ang

assistant nito na si Therese ang nakakausap at nakakaharap niya na nagdadala parati ng mga prutas,

pagkain, at kung ano-ano pa sa kanya. Halos linggo-linggo ay may mga maternity dress at iba pang

materyal na bagay siyang natatanggap para sa kanya at sa bata. Kumpleto na rin ang mga gamit ng

bata sa apartment niya.

Ayon kay Therese ay may binili raw na mas malaking bahay si Jake para sa kanila ng magiging anak

niya pero hindi niya iyon tinanggap. Sobra-sobra na iyon. May pera ring ipinapadala si Jake pero ang

para sa pagpapa-check up niya lang ang kinukuha niya. Ang iba ay ibinabalik niya na. May driver ring

ini-assign sa kanya ang binata at kasambahay na tinanggihan niya rin. Kasama ni Jake ang mga iyon

na pumunta sa bahay niya. Hindi niya na alam kung paano pa ipamumukha sa binata na ito ang

kailangan niya at hindi ang kung sino-sino.

Kung tutuusin ay walang problema sa pinansiyal si Lea. Jake provided her with all the things that she

needed. Pero hindi ang mga kaya nitong ibigay ang gusto niya dahil kaya niya rin iyong bilhin para sa

sarili lalo na at may sariling ipon naman siya. Pero ginagamit niya pa rin ang mga ibinibigay nito dahil

sa pamamagitan ng mga iyon ay nararamdaman niya kahit paano si Jake.

May mga gabing inaatake si Lea ng nerbiyos at gusto niyang tawagan si Jake. Pero paano ba kung

mukhang sa kabila ng kalagayan niya ay wala naman itong interes na kausapin siya? At ano bang

sasabihin niya rito? Ang akala niya noong huling mag-usap sila ay hindi siya mag-iisa sa magiging

buhay niya pero nagkamali siya. Because she was alone, mula sa morning sickness hanggang sa

excitement at tensiyon niya sa tuwing nagpapa-check up.

Jake would just text her every time, telling her to take care. Parati niyang ipinapaalam sa assistant nito

ang schedule niya, umaasa na isang araw ay darating ito.

But he never came. Ayaw niyang isipin na nagkamali siya ng pagkakakilala sa binata. At ayaw niya ring

ganoong lalaki ang ipakilala sa mga magulang. Isang lalaki na ni hindi siya magawang harapin. Mas

lalong masasaktan ang mga ito sa oras na malaman ang totoong sitwasyon.

Pagkaraan ng sandaling katahimikan na namayani sa kanilang tatlo ay tumayo ang kanyang ama.

Lumapit ito sa pinto at binuksan iyon.

“Umalis ka na. Hindi ko alam kung bakit umuwi ka pa kung ganyang wala ka naman palang balak na

magsabi ng totoo sa amin. Saka ka na lang bumalik kapag nakahanda ka nang ibangon ang sarili mo

at kapag nakahanda ka nang ipakilala ang ama ng anak mo. Dahil pare-pareho ko kayong hindi

kikilalanin hangga’t hindi mo ginagawa iyon. Matuto ka mula sa naging pagkakamali mo.”

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Lea. Hindi niya inakalang aabot sa ganoon ang lahat. Lumapit

siya sa ama at tinangka itong hawakan pero iniiwas nito ang mga kamay.

“’Tay, please. Kayo at ang magiging anak ko na lang ang meron sa akin.” Nagmamakaawang sinabi

niya. “Huwag naman pong pati kayo ay mawala.”

“Kung ganoon ay umamin ka sa amin!” Napaatras si Lea nang sa kauna-unahang pagkakataon ay

nagtaas ng boses ang ama sa kanya. “Sino ang lalaking gumawa niyan sa ‘yo at hinahayaan kang

mag-isa ngayon? Alam mo ba kung gaano kahirap ang lumaki nang walang ama? Ilang beses ko iyong

sinabi sa ‘yo noon pero inulit mo pa rin ang ginawa ng lola mo.”

Muli ay hindi nakapagsalita si Lea. Pero patuloy sa paninikip ang dibdib niya. Lumaking wala ring

kinilalang ama ang kanyang ama. Hindi kaila sa kanya ang mga pinagdaanan nito noong bata pa. Sa

murang edad, sa halip na sa eskwela ay nasa lansangan ito at nagtrabaho. Naglako ito ng kung ano-

ano para mabuhay dahil napabayaan ito ng ina nito na sinira ang buhay sa alak. Pero bago pumanaw

ang lola niya ay humingi ito ng tawad sa kanyang ama at inaming nabuntis ito ng isang kakilala nito na

pamilyadong tao na kaya hindi nito iyon naiharap sa kanyang ama.

Sa loob ng ilang sandali ay gustong malusaw ni Lea sa kahihiyan. Dahil sa nangyayari ngayon sa

kanya ay para niya lang ibinabalik ang sugat sa puso ng kanyang ama. Nakaligtaan niya nang isipin pa

ang bagay na iyon.

Pormal na ang anyo ng ama nang ituro nito ang pinto. “Makakaalis ka na.”

Napalingon si Lea sa ina na naabutan niyang nakahawak na sa dibdib nito nang mga oras na iyon.

Mariing nakagat niya ang ibabang labi para mapigilan ang paghagulgol. Nanghihina man ay pinilit niya

ang mga paang lumakad.

Nakalabas na siya ng gate ng bahay nila nang makarinig siya ng malakas na pagsigaw mula sa ama.

Sa muli niyang paglingon sa pinto ay nakita niya ang ama na sinalo ang nawalan ng malay na ina.

Kinakabahang lalapit na sana siya sa mga magulang nang galit na mapasulyap sa direksiyon niya ang

kanyang ama.

“Huwag kang lumapit! Kasalanan mo ito!” Isinigaw ng ama ang pangalan ng isa sa mga lalaking

katiwala nila sa farm na nasa paligid lang nang mga sandaling iyon. Agad naman itong lumapit sa mga

magulang at pinasan ang kanyang ina. “Dalhin natin siya sa ospital.” Anang kanyang ama. Nang

madaanan siya ng mga ito ay matalim pa rin ang mga matang tiningnan siya nito. “Huwag ka nang

magkakamaling sumunod. Simula’t sapul ay alam mo ang mga patakaran ko dito sa bahay. Malaya

kang gawin ang gusto mo pero dapat ay alam mo rin ang magiging konsekwensiya niyon. Kung patuloy

kang makikipagmatigasan sa amin, mainam nang magkalimutan na muna tayo, Lea.”

Bumuka ang bibig niya pero wala nang anumang salita pang lumabas mula roon. Nanatili lang siyang

tahimik hanggang sa makalayo na ang mga ito. Pero maingay sa loob niya. Maingay sa puso niya na

dinig na dinig niya ang pagkabasag.

Nanghihinang napasandal siya sa kanilang gate. Hanggang kailan niya ba kakayanin ang mga

pangyayaring iyon sa buhay niya? They say that love gives people the passion to live. But she couldn’t

find any passion in her heart. All that was there was… pain.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.