Chapter 6
Chapter 6
“CONGRATULATIONS, Miss Marinduque. You are six weeks pregnant.”
Sa hindi na mabilang na pagkakataon sa araw na iyon ay nakaramdam si Lea ng panlalamig sa
naalalang ibinalita na iyon sa kanya ng doktor. Parang mababaliw na napasandal siya sa elevator
habang hinihintay iyong bumukas. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang tiyan.
Ilang linggo nang hindi maganda ang pakiramdam niya kaya nag-half day na lang siya sa trabaho nang
araw na iyon para magpatingin sa doktor. Sa dami ng inasikaso niya sa nakaraang mga araw ay
nalimutan niya nang pagtuunan ng pansin na delayed ang period niya. Ang buong akala niya pa nga
ay may sakit siya.
Iyon pala ay buntis na siya. At walang idea si Lea kung paano iyon sasabihin sa ama ng dinadala niya
kung ganoong simula nang may mangyari sa kanila ay hindi niya na nakita ni anino nito. Walang
emails, phone calls, o kahit isang text message man lang mula rito. Jake was literally avoiding her. At
magagawa niya sana iyong tanggapin kahit gaano pa kasakit pero hindi ngayong may buhay na sa
sinapupunan niya. Ni hindi niya alam kung paano iyon sisimulang ipaliwanag sa mga magulang niya.
Nang huminto na ang elevator ay sandaling nag-alinlangan pa si Lea. Napahugot siya ng malalim na
hininga bago siya tuluyang lumabas at naglakad papunta sa opisina ni Jake. Nang madaanan niya ang
secretary nito ay kaagad iyong ngumiti sa kanya. Kilala na siya nito kaya noon pa man ay malaya na
siyang nakakalabas-masok sa hotel na iyon at sa opisina ng boss nito. Dumoble ang kaba niya nang
makarating na sa tapat ng pinto.
Diyos ko. Dahan-dahang iniangat ni Lea ang nanginginig na kamay at saka kumatok, isang bagay na
hindi niya nakasanayan pero ngayon ay ginagawa niya. Si Jake na buong buhay niya ay kaibigan niya
na ang mismong naglagay ng napakalaking harang sa pagitan nila kaya bigla ay hindi niya alam kung
ano ang gagawin, sasabihin o kung paano ito haharapin.
Sa nakalipas na mga linggo ay iniwasan niya na ring magkaroon pa ng communication sa binata.
Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho. His message was clear. Hindi na nito kailangan pa ng
anumang salita para ipaintindi iyon sa kanya. He wanted to cut her off in his life. Just like that. At
ginagawa ni Lea ang lahat para sundin ang mensaheng iyon.
She can continue to pretend so hard for the rest of her life like they were strangers even if it was killing
her inside. Nakipagmatigasan rin siya. Kung sana lang ay kaya niya pa rin iyong gawin hanggang
ngayon…
“Come in.”
Nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon ay nanginginig pa ring pinihit na ni Lea ang
doorknob. Sa pagbukas niyon ay agad na sumalubong sa kanya ang mukha ni Jake na mukhang hindi
na nagulat na nakita siya roon. Walang dudang naitawag na ng secretary nito ang pagbisita niya.
Isinenyas nito ang couch roon na agad niya namang nilapitan.
Kailangang-kailangan niya ng mauupuan dahil pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya
anumang oras.
Naupo ang binata sa tapat niya. Wala na ang dati ay awtomatikong magandang ngiti sa mga labi nito
sa tuwing nakikita siya. Sa halip ay napakapormal ng mukha nito.
Malakas na tumikhim si Jake. Nang salubungin ni Lea ang mga mata nito ay agad itong nag-iwas ng
tingin. “Lea, I’m… I’m sorry.”
“Sorry?” Wala sa sariling ulit niya.
“Yeah. I’m sorry for what happened that night. And I’m sorry that it took me this long to say that.
Pinaplano ko na ring puntahan ka para personal na makahingi ng tawad sa ‘yo-“
“Pagkatapos ay ano?”
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago napabuntong-hininga ang binata. “I… I
honestly don’t know. I’m really sorry, Lea.”
Sa ganoong estado ni Lea ay ang paghinga ay ang bagay na iyon ang huling gugustuhin niyang
marinig. Nag-init ang kanyang mga mata.
“Don’t be.” Halos pabulong na sinabi niya mayamaya. “I wanted it to happen.”
Agad na napaharap sa kanya ang binata. “What?”
“Naaalala mo pa ba ‘yong tinanong mo sa akin noon kung naranasan ko na bang magmahal? At
sumagot ako ng oo. You kept insisting to know who the guy was. Sumama pa nga ‘yong loob mo sa
akin kasi ang sabi mo, naglilihim na ako sa ‘yo, when the truth was I couldn’t tell it to you then because
it was you, Jake. I couldn’t tell you everything that involves my heart because I knew you wouldn’t
appreciate that anyway. Dahil hindi naman pagmamahal ng isang Lea ang kailangan mo gaya nang noveldrama
parati mong pinamumukha sa akin. Kundi pagmamahal ng isang Leandra.” Sa wakas ay pag-amin na
ni Lea.
Pinagmasdan niya ang pagrehistro ng pagkabigla sa mga mata ni Jake. “I’m in love with you, Jake. I’ve
been in love with you since we were young. And I didn’t know what got into me when something
happened between us. All I knew was that I wanted you to love me even for just that night. Dahil ang
sakit-sakit na, Jake. Patawarin mo ako.” Pumiyok ang boses ni Lea. “Kasalanan ko ang nangyari.”
“Leandra-“
“Utang na loob naman, Leandra is dead, Jake! She’s been dead for years! Tama na! I’m still alive but
you always make me feel as good as dead!” Ayaw man ni Lea ay hindi pa rin niya napigilan ang
pagtaas ng boses. Dahil sa kalagayan ay mas naging emotional siya ngayon. “Hirap na hirap na ako.
Didn’t you promise me years ago that you will never make me feel lonely? But you always make me
feel that way whenever you treat me as someone else. You broke your promise, Jake. Ihinto na natin
ito, please. For the past years, I’ve lived in Leandra’s shadow. At ayoko na. I can’t pretend to be her for
the rest of my life just to save your heart from pain. It’s time we put an end to all this. Nasasaktan na rin
kasi ako.
“Ako naman, Jake. Ako naman ‘yong isalba mo.” Bumakas ang pagmamakaawa sa boses ni Lea. “I
can’t always be there to save you because I need to be saved, too. Ayoko nang mabuhay bilang
kapatid mo.” Pumatak ang mga luha niya. “Lalo na ngayon. Ayokong ibang pagkatao ko ang
kalalakhan ng magiging anak ko. Ayokong dumating sa punto na magtatanong siya sa akin kung sino
ba ako, kung si Lea pa rin ba o si Leandra na dahil kahit ako nalimutan ko na ang totoo.
“Ako ‘to. Si Lea. At hindi ako isang anino, Jake. This time, I want to try to be me again especially now
that I’m…” Mariing naipikit ni Lea ang mga mata. “I’m pregnant, Jake. And please, don’t ask me who
the father is. Because I’ve never slept with anyone except you.”
Natulala si Jake.
Nang dumilat si Lea ay pinanood niya ang halo-halong mga emosyon na dumaan sa mga mata ni
Jake. Naroon ang pagkagulat, ang pagsisisi… at ang galit. Sa pagkakataong iyon ay tumayo na siya sa
kabila ng nanghihina pang mga tuhod. Mariing kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling
mapahagulgol.
She knew she deserve those reactions from him. Pero hindi niya iyon kayang makita at sikmurain
ngayon lalo pa at hindi niya na alam kung saang kamay pa ng Diyos huhugot ng lakas ng loob sa
nangyayari sa kanya. Unti-unti ay sinikap niyang ilakad ang para bang naninigas na mga paa.
“What… exactly do you want me to do, Lea?” She heard him ask with such undeniable misery and grief
in his voice.
Misery and grief. Bigla siyang nahinto sa paglalakad. Ganoong-ganoon ang tono ni Jake noong
namatayan ito ng mga magulang at kapatid. Tuluyan na siyang napaupo sa carpet. Agad naman
siyang dinaluhan ni Jake pero tinabig niya ang mga kamay nitong aalalay sana sa kanya.
Masisikmura niya ang lahat ng bagay maliban sa mga emosyong iyon. Hindi naman siya umaasa na
tatanggapin kaagad ni Jake ang nangyari. Na matutuwa ito at pananagutan ang kanilang anak. Nag-
angat si Lea ng mukha at puno ng sama ng loob na sinalubong ang mga mata ng binata. Pero
napangiti siya nang makita ang reaksiyon nito, ngiting nauwi sa hysterical na pagtawa.
Mukha itong namatayan. In fact, Jake looked a lot worse than before when he found out that his sister
was dead. Mukha itong bigong-bigo. Napahawak si Lea sa kanyang dibdib na para bang puputok na
nang mga sandaling iyon. Sa dami ng pagkakataong nasaktan siya ng binata, iyon na yata ang
pinakamatindi.
Gumalaw ang mga balikat niya kasabay ng kanyang paghagulgol. She just told him that there was a
life inside her body and he looked like he saw death approaching his way. He looked so miserable. No,
that was an understatement. Jake looked lifeless.
“God, Jake…” Naidaing ni Lea. “You grieve a little too much, don’t you think?” Halos pabulong na
sinabi niya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. “‘Wag kang masyadong mag-alala. I
came here not to take away your freedom, not to push myself to you and not to ask you to marry me.
Hindi mo kailangang magluksa nang ganyan. Pumunta ako rito para lang manghingi ng pagdamay.
Dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi araw-araw malalaman kong isa na akong ina.
“Pero pasensya ka na. Naabala kita. Mukhang maling lugar ang napuntahan ko. Hindi ko kailangan ng
pagluluksa mo, Jake. Dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang baby ko. I’ve just discovered about her but
I do love her as early as now.” Nabasag ang boses ni Lea. “I never expect anything from you. I don’t
even ask you to be a good father to him or her. All I ask is just for you to try. Pero mukhang kahit ‘yon
ay hindi mo maibibigay.”
Bumaba ang mga kamay ni Lea sa kanyang tiyan. “I’m sorry for ever thinking that I know you enough. I
was wrong. Pumunta ako rito dahil naniwala akong kahit paano, nandyan pa rin ‘yong dating Jake na
kilala ko na nagsabing anuman ang mangyari sa pagitan naming dalawa, hindi niya ako pababayaan.
You just did. And you just broke another promise of yours, Jake.”
Matapos punasan ang mga luha ay muling tumayo si Lea at naglakad palabas ng opisina habang lihim
na nananalangin na iyon na sana ang magiging huling pagtapak niya roon.