Don't Let Me Go, Diana

Chapter 15



Chapter 15

"JANNA, wait!"

Susunod na sana si Jake sa batang babaeng nagtatakbo palabas ng simbahan kasama si Lea nang

maagap na pigilan ito sa braso ni Diana. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa mga

magkakasunod na bombang nagmula mismo sa mga taong ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang

gagawa ng ganoon sa kanya.

Ramdam na ramdam ni Diana ang kakaibang mga tingin sa kanya ng mga naroon. Bawat segundong

lumilipas ay palakas nang palakas ang bulungan mula sa mga bisita. Nagmamadaling lumapit na rin sa

kanya ang mga magulang. Hinawakan siya ng ina sa braso pero nagpumiglas siya. Nanatiling

nakatuon ang mga mata niya kay Jake. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. "Is that true?

Anak mo ba ang batang 'yon?"

'Wag kang aamin, utang na loob. 'Wag ngayon. Hindi ko kaya. Lihim na pakiusap niya. Hindi niya

matatanggap kung pati si Jake ay nagsinungaling sa kanya gaya nang mismong ginawa ni Alexis.

"How about you? Totoo bang magkakaroon kayo ng anak ng best friend mo?" Nang-uusig ring ganting

tanong ni Jake.

"I asked you first!"

"It doesn't matter who asked first, Diana!" Mariing sagot ni Jake. "Aminin mo sa akin ang totoo!"

"No! Ano ka ba, Jake? Paano mo nagawang paniwalaan 'yon?" Hindi napigilang ganting sigaw ni

Diana. Napatitig siya kay Alexis na naglalakad na rin palapit sa kanila ni Jake. "And how can you say

that, Axis? Ano 'tong ginagawa mo?"

"Janna is... really my daughter."

Gulantang na bumalik ang mga mata ni Diana kay Jake. Umawang ang bibig niya.

"I'm so sorry, Diana." Napayuko si Jake. "Plano ko naman talagang aminin ang totoo sa 'yo pero

pagkatapos na sana ng kasal dahil natatakot akong hindi mo matanggap-"

Agad na umigkas ang kanyang palad sa pisngi ni Jake dahilan kung bakit hindi na nito nagawang

dugtungan pa ang mga paliwanag nito. Magsasalita pa sana siya nang mayroon na namang nagsalita

mula sa mga bisita. Kailan ba matatapos ang mga magsasalita at mamamakialam na iyon? Lahat ay

maaatim niyang pakinggan pero hindi sa pagkakataong iyon.

"Naaksidente 'yong bata! Nasagasaan siya ng sasakyan!"

"What?!" Napasinghap si Jake. Agad itong bumitaw kay Diana. "I'm sorry, Diana. I will talk to you, I

promise. I just..." Natatarantang napailing na lang ito bago nanakbo palayo at iniwan siyang mag-isa sa

gitna ng lahat ng iyon.

Parang bigla siyang namanhid. Wala siyang maramdamang kahit na ano sa kanyang puso maliban sa

takot na salubungin ang mga mata ng naroroon. Nagtatakbo siya palabas ng simbahan. Narinig niya

ang pagtawag sa kanya ng mga kaanak pero pinigilan niya ang sariling lumingon. Dumeretso siya sa

bridal car at sumakay doon. Agad na pinaharurot niya iyon palayo.

Nang makalayo na, saka nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Napahikbi siya na hindi

nagtagal ay nauwi sa paghagulgol. Ang pinangarap niyang kasal sa isang iglap ay winasak ng

nagsanga-sangang mga kasinungalingan. Ang inakala niyang tamang lalaki ang siya mismong nanloko

sa kanya. At si Alexis... Si Lea... Ano'ng ibig sabihin niyon? Magkasabwat ba ang mga ito sa pagsira

ng pinakaimportanteng araw na iyon sa buhay niya? Pero bakit? Anong ginawa niya sa mga ito?

Bigla niyang inihinto ang sasakyan. Natutop niya ang dibdib nang magsimulang magsikip iyon. Ni hindi

siya makahinga sa tindi ng pinaghalo-halong sakit na nadarama. Naisubsob niya ang ulo sa manibela.

Ang gusto niya lang naman ay magmahal at mahalin rin. Desperado siyang makahanap ng taong

magpapagaling sa kanyang puso. Pero hindi kagalingan ang natagpuan niya. Dahil sa nangyari ay

nadagdagan pa ang mga sugat niya. Pinatatag ng pagdating ni Jake ang puso niya para lang wasakin

rin iyon sa bandang huli.

Nawala si Yves. Hindi siya minahal ni Alexis at base sa itinakbo ng mga kaganapan ay para siyang

pinaglalaruan pa nito. Niloko siya ni Jake. Bakit ganoon? Wala ba siyang kwentang babae? Hindi ba

siya karapat-dapat na mahalin?

"God... if I'm not meant to find someone who will truly love me, then why did You let me hope in the first

place?" Nabasag ang kanyang boses. "Matatanggap ko naman po ang hindi mahalin kaysa ang

masaktan nang ganito. If I'm not meant to be loved then please, I beg You, don't make me fall in love.

Dahil hindi ko na po kakayanin ang masaktan uli."

"DIANA!" Akmang susundan ni Alexis ang dalaga nang bigla na lang siyang tawagin ng ama nito. Sa

pagharap niya sa huli ay ang kamao nito ang kaagad na sumalubong sa kanya. Sa lakas ng pagsuntok

nito ay naramdaman niya ang pagdurugo ng mga labi kung saan tumama ang kamao nito.

"How dare you say those words, you jerk!" Tumaas-baba ang dibdib ni tito Lino sa galit. Nang akmang

susugurin nitong muli si Alexis ay pinigilan na ito sa braso ni tita Martha. "How dare you ruin my

daughter's wedding? I treated you as my own son! Ikaw ang best friend niya, Alexis! Paano mo

nagawa ang kalokohang ito?"

"Because you are right. I'm a jerk, tito." Sa kabila ng natamong suntok ay sumilay pa rin ang

mapaklang ngiti sa mga labi ni Alexis. Lumapit siya sa matandang lalaki at iniharap pa rito ang

kanyang mukha. "Punch me more, tito. I deserve more. And I will deserve a lot more as the days go by.

Dahil wala na po akong planong tumigil. Dahil mahal ko si Diana. Noon pa. Pero saka ko lang

nagawang aminin 'yon sa sarili ko nang mahulog na siya sa iba. Kasi tanga po ako. Kasi duwag po

ako."

Humarap si Alexis sa mga bisita na nandoon pa rin sa simbahan at nakatutok ang atensiyon sa kanila

ng mga magulang ni Diana na para bang nanonood ang mga ito ng isang pelikula. "Siguro, 'yong iba

sa inyo nagtataka kung sino ang gagong bigla na lang sumulpot rito. I'm Alexis Serrano. I'm a bastard.

I'm the son of a man who can't even give his name to me. Because I'm a disgrace. Hindi ko naman All content © N/.ôvel/Dr/ama.Org.

masisisi 'yong tatay ko. Tama naman siya. Sa ginagawa ko ngayon, pinatunayan ko lang sa kanya na

isa nga akong malaking kahihiyan."

Natawa si Alexis. Pero walang buhay iyon kahit sa pandinig niya. Ngayon niya lang nagawang buksan

ang usaping iyon sa ibang tao. Kahit kay Diana ay hindi niya sinasabi iyon. Sapat nang nalaman nito

ang kwento ng buhay niya. Pero ang pananaw niya sa sarili, hindi niya na kayang ibahagi pa rito.

Sapat nang alam nitong basag ang pagkatao niya. Pero kung gaano iyon kabasag ay isa nang bahagi

ng lihim niya para isalba ang natitirang dignidad.

"And your daughter, tito Lino, is a perfection." Muli siyang humarap sa matandang lalaki. "Mula't sapul,

ako 'yong panggabing langit na nakikiamot lang sa liwanag niya. Masyado siyang mataas kaya siguro

natakot akong pangarapin siya. Kasi baka hindi na ako huminto. Natakot akong aminin 'yong

nararamdaman ko kaya pinilit kong makuntento sa pagiging sira-ulong best friend. Ako mismo ang

naglagay ng boundaries sa pagitan namin kasi ayoko nang masaktan kung paanong ayoko ring

masaktan siya at mawala siya sa akin. Ayokong umasa na para siya sa akin at para ako sa kanya. Ang

labo. Kasi ako lang naman 'to." Tinuro niya pa ang sarili. "I was afraid to dream about her.

"Nang dumating si Jake at makita kong masaya si Diana, pinilit kong manahimik. I kept all the pain

here," itinuro ni Alexis ang kaliwang dibdib. "I died countless times seeing her sweet moments with him.

Kasi dapat ako 'yon, eh. Kasi minahal naman ako ni Diana noon. Hindi lang ako sumugal. Pero hindi

ako lumaban kay Jake." Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. "Because I thought he

deserved her perfection. Mula siya sa matinong pamilya, may maipagmamalaki. Hindi gaya ko. But this

morning, I didn't know what got into me. Para akong mababaliw sa kaisipang hahayaan ko lang 'yong

bituin ko na maikasal sa iba... sa isang lalaking natuklasan kong gago rin pala."

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ni Alexis ay lumuhod siya sa harap ng ibang tao... sa

harap ng mga magulang ni Diana. Napayuko siya. "Patawarin n'yo po ako. You never knew me as a

selfish man, tito Lino and tita Martha. Alam n'yong handa kong ibigay ang lahat para sa prinsesa n'yo.

Kahit kayo, wala kayong hiniling na hindi ko tinupad. But this time, if you will ask me to stay away, for

the first time I would have to say no. I may be a lot of awful things but I love your princess. So much.

And I will pursue her. Araw-araw, maghihintay ako hanggang sa bumukas uli ang puso niya sa isang

tulad ko."

Narinig ni Alexis ang pagsinghap ng mga tao sa paligid pero hindi niya iyon alintana. Itinaya niya na

ang lahat. Wala na siyang itinira para sa sarili. "Dahil sa katatapos lang na komplikasyon, alam kong

isang malaking kahangalan ang ginagawa kong pangungumpisal." Mariin niyang ipinikit ang nag-iinit

nang mga mata. "Patawarin n'yo po ako."

Ilang mahabang sandali ang lumipas nang wala siyang naririnig maliban sa malakas na pagtibok ng

kanyang puso. Mayamaya, may naramdaman siyang humawak sa kanyang ulo. Sa pag-angat niya ng

mukha, sumalubong sa kanya ang seryoso pa ring anyo ni tito Lino pero hindi na kasing dilim gaya

kanina ang mukha nito. Ginulo nito ang kanyang buhok gaya nang nakagawian nito tuwing nagkikita

sila.

"Get up. We're going to be busy. Kailangan pa nating hanapin ang prinsesa ko. Pagkatapos niyon,

kailangan ko ng back-up. I have another face to punch."

Sa pagtayo niya ay hinaplos ni tita Martha ang kanyang mukha. "Pagkatapos kong makita si Diana

kanina, I've been waiting for you to show up and to say those words, son."

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil hinila na siya ni tito Lino palabas ng simbahan kasabay ng pag-

announce nitong tapos na ang pelikula at kailangan nang isara ang pulang tabing. Hindi man natuloy

ang kasal ay ipinadederetso pa rin nito sa hotel ang mga bisita na hindi niya malaman kung bakit

namumugto ang mga mata nang mga sandaling iyon.

Hindi niya masasabing napatawad na siya ng mga magulang ni Diana. Alam niyang hindi iyon ganoon

kadali. Lalong hindi niya masasabing tapos na ang mga problema dahil lang hindi natuloy ang kasal.

Dahil alam niya, nagsisimula pa lang ang buhos niyon. May bahagi sa kanya ang gustong magdiwang

sa kaalamang hindi naman pala kasing perpekto si Jake gaya ng inaakala niya. Pero hindi niya

magawa.

Dahil alam niyang sa mga oras na iyon ay nasasaktan ang kanyang bituin.

This time, I'm going to stay by your side not as a best friend, Diana. Dahil alam kong sa nangyari ay

nawala na ang karapatan kong maging kaibigan mo. I'm going to stay as the man who loves you. You

can push me away but I will never go anymore. Dahil pagod na akong lumayo sa 'yo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.