Chapter 11
Chapter 11
PALABAS na ng simbahan sina Christmas at Throne nang mag-ring ang cell phone ng binata. Agad na
binalot ng pag-aalala ang mga mata nito nang silipin ang pangalang nakarehistro sa screen.
"Mauna ka na sa kotse. Susunod na lang ako."
Nagtataka man ay tumango na lang si Christmas at pumasok na sa sasakyan. Mula sa bintana ay Owned by NôvelDrama.Org.
sinilip niya si Throne. Kumunot ang noo niya nang makita ang pagkuyom ng kamay ng binata habang
nakikinig sa sinasabi ng kausap, pati na ang pagdaan ng galit sa mukha ni Throne bago unti-unting
naging blangko ang expression nito.
Nang makitang paparating na si Throne ay maagap na sinalubong niya ito. "What's wrong? Bakit
parang-"
Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ng binata bago ito ngumiti pero alam niyang pilit lang
iyon. "Wala 'to. Okay lang ba sa 'yo kung kay Rodrigo ka na muna sumabay? May importante lang
akong pupuntahan ngayon. Emergency."
Hindi na rin naiwasan ni Christmas ang mag-alala. "Ano ba 'yon? May maitutulong ba ako? Saan ba-"
Mabilis siyang hinalikan ni Throne sa mga labi. "May maitutulong ka kung magpapahatid ka na pauwi
kay Rodrigo. 'Wag ka nang mag-alala. I can handle this. I'll just call you later."
Walang nagawang tumango na lang si Christmas at nagpaalam na. Akmang papasok na si Throne sa
sariling kotse nang muli niya itong lapitan. "Natatandaan mo pa ba ang binanggit ko sa 'yo kanina?"
Nang magsalubong ang mga kilay ng binata ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagsasalita. "Gusto na kasi
kitang ipakilala kay Kuya Jet. Pwede ka bang... mag-dinner sa bahay bukas ng gabi? I'll cook."
Sa pagkakataong iyon ay malinaw na niyang nakita ang pagrehistro ng galit sa mga mata ni Throne
dahilan para bahagya siyang mapaatras palayo sa binata. "T-Throne, may nasabi ba akong masama?
Ano ba'ng nangyayari sa 'yo-"
"Nothing," pormal na sagot ng binata. "Darating ako bukas ng gabi. It will be an honor to see an old
friend again. After all... Jethro and I have a lot of catching up to do."
Hindi na nakapagsalita pa si Christmas. Napaawang ang bibig niya nang dere-deretso nang sumakay
sa kotse si Throne at pinaharurot iyon palayo.
"WHAT the heck happened?" nagsisikip ang dibdib na tanong ni Throne sa nurse habang nakatingin sa
humahagulgol pa ring kapatid na pagdating niya sa kwarto ay agad na napatitig sa kanya at para bang
takot na takot na lumakas ang pag-iyak.
"Hindi ko rin maintindihan, Mr. Madrigal. Pero kanina, habang tinitingnan ko ang blood pressure ng
pasyente, may pumasok dito at nagpakilalang Chad Galvez."
Kumunot ang noo ni Throne. Kilala niya ang lalaking tinutukoy ng nurse. Manager iyon ng kapatid. Kay
Chad lang niya ipinaalam ang sitwasyon ni Cassandra nang ilang beses tangkain ng lalaki na tawagan
ang kanyang kapatid. Kasabay niyon ay pinakiusapan niya ang manager nito na ilihim ang tungkol
doon sa iba.
"Nang makita siya ng kapatid ninyo ay naging ganyan na ho siya." Nagkibit-balikat ang nurse. "Siguro
ay may naalala siya bigla na siyang nag-trigger para magkaganyan siya." Tumingin ito sa kanya.
"Gusto n'yo ho bang turukan namin siya ng-"
"No," maagap na sagot ni Throne. "Just go. Thank you."
Nang marinig niya ang mahihinang yabag ng nurse palayo ay dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni
Cassandra. Iniangat niya ang mukha ng kapatid at masuyong pinunasan ang mga luha nito. Inatake
siya ng kanyang konsensiya. Habang siya ay nagpapakasaya sa piling ng iba, naririto at nahihirapan
ang kanyang kapatid.
Nang hindi pa rin huminto si Cassandra sa pag-iyak ay niyakap niya na ito. "Si Kuya lang 'to, Cassey.
Tama na, please?" aniya nang biglang pumalag ang kapatid. Marahang tinapik-tapik niya ang likod
nito. "At ang bumisita sa 'yo kanina, si Chad lang 'yon, ang manager mo. Kaya 'wag kang matakot. No
one will ever hurt you here."
Nang maramdaman ni Throne ang unti-unting paghupa ng emosyon ni Cassandra ay naipikit niya nang
mariin ang kanyang mga mata. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng galit sa kanyang puso na
ngayon na lang niya muling naramdaman.
"It's that Jethro Llaneras, right? Siya ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka sa lahat ng lalaking
nakikita mo. They remind you of him." Dahan-dahan siyang kumalas sa kapatid at tinitigan ang luhaang
mukha nito. Nagdilim ang anyo niya nang makita ang pagkabigla ni Cassandra. "'Wag kang mag-alala.
I'm already working on Christmas, his baby sister. We'll get even, Cassandra. Ipinapangako ko 'yan sa
'yo."
Naikuyom ni Throne ang mga kamay nang maalala ang magandang mukha ng kauna-unahang
babaeng nagpatibok sa kanyang puso. God... how he wished his life was different.
SANDALING hindi nakagalaw si Christmas pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Throne sa babaeng
tinawag nitong Cassandra. Hindi na mahirap para sa kanyang hulaan na si Cassandra ang sinasabi ni
Throne na nag-iisang kapatid nito.
Mariin siyang napakapit sa doorknob ng pinto na marahil ay nakaligtaang isara ng nurse na siyang
naabutan niyang lumabas mula sa kwarto. Kahit na nanginginig pa ay maingat niyang isinara ang pinto
pagkatapos ay malakas na tinapik-tapik ang dibdib sa pag-asang mawawala ang matinding kirot na
kanyang nararamdaman.
Hindi siya mapakali sa nakitang itsura ni Throne noong nasa simbahan sila kaya kahit pa pagod sa
maghapong trabaho ay nagpasama siya kay Rodrigo para sundan ang binata. Noong una ay nagtaka
pa siya nang huminto si Throne sa isang pribadong ospital. Pero ngayon ay sa sariling bibig na mismo
nito niya nalaman ang dahilan.
Naguguluhang napaluha siya. Si Cassandra? Ang akala niya ay nasa Milan ang babae at doon
nagtatrabaho bilang modelo. Iyon ay ayon na rin kay Throne. Si Cassandra ba ang dahilan kung bakit
nagpapakalunod sa alak at trabaho ang kuya Jethro niya? Pero ano ang nangyari sa kapatid ni Throne
at ano ang kinalaman ng kuya niya roon? Ang akala niya ay si Cassandra ang siyang nakipaghiwalay
sa kapatid niya? Pero bakit tila lumalabas na ang kapatid niya ang siyang nagkasala? At si Throne?
Paano niya tatanggapin ang mga sinabi nito tungkol sa kanya?
"It's weird but whenever I look at him, I see... rage."
Biglang sumagi sa isip ni Christmas ang sinabi na iyon ng kanyang kinakapatid. So, Dana was right...
all this crazy time? How could she accept the fact that everything was just a show right from the very
start?
Parang masisiraan ng ulo na napatalikod siya at uuwi na muna sana para makapag-isip nang
mapasinghap siya sa nabungaran. Naroon at nasa likod niya ang kanyang Kuya Jethro. He was
clenching his jaw. Base sa reaksiyon ng kapatid ay alam niyang hindi lang siya ang nakarinig ng
usapan nina Throne at Cassandra sa loob ng kwarto. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng sakit
sa mga mata ng kapatid bago nanumbalik doon ang galit.
"Totoo ba? Are you and Throne dating behind my back?" Mariin siyang hinawakan ng kuya niya sa
braso nang hindi siya nakasagot. "Tell me the damn truth, Chris! May relasyon ba kayo?"
Pumatak ang kanyang mga luha. "Kuya-"
"No, dammit!" Gigil na gigil na binitiwan siya ng kapatid at para bang tigreng susugod sana sa loob ng
kwarto pero nakikiusap na pinigilan niya ito. "Sa labas tayo mag-usap, Kuya. Please."
Ilang sandali siyang tinitigan ng kapatid pagkatapos ay narinig niya ang mahinang pagmumura nito
kasabay ng paghawak sa kanyang braso at paghila sa kanya palabas ng ospital.
"SA LOOB ng ilang buwan, nanahimik ako, Kuya. Wala kang narinig sa 'kin kahit alam mong ang dami
kong tanong. But you have to break your silence now," mahinang pagbasag ni Christmas sa
katahimikan sa pagitan nila ng kapatid sa loob ng kotse nito. Napatingin siya sa bintana ng sasakyan
para itago ang mga luhang hindi niya alam kung paano patitigilin sa pagbagsak.
"Chris..." nang hawakan siya ng kapatid sa balikat ay hindi na niya napigilan ang paghagulgol.
Pumaloob siya sa nakabukas na mga braso ng kapatid.
"H-help me... understand, please."
Iyon ang kauna-unahang beses na nagmahal si Christmas. At sa pinaghalong sakit at pagkalito sa
kanyang puso ay baka siya naman ang bumigay kapag hindi nasagot ang kanyang mga tanong.
"Hell, I never thought Madrigal would stoop this low." Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang
pinakawalan ng kapatid para marahil ay kalmahin ang sarili. "Nabuntis si Cassandra pero nakunan siya
nang hindi niya kayanin ang depression nang iwan siya ng lalaking mahal niya. But it wasn't me who
got her pregnant, Chris. It was her manager, Chad Galvez."
Hindi makapaniwalang napatingala siya sa kapatid.
"Nagpaalam siya sa 'kin noon na pupunta sa Milan para doon mag-shooting. She said she'll be staying
there for a month. Hinayaan ko siya. I had a plan that when she comes back..." he was breathing
heavily. "I'll ask her hand for marriage. Pero hindi na 'yon nangyari. Nahuli siya ni Rodrigo nang
minsang mag-day off at bisitahin ang in-laws niya kasama ang kanyang asawa sa Antipolo. Ang sabi ni
Rodrigo, nakita raw niya si Cassandra, kissing her manager in broad daylight, sa tapat ng bahay ng in-
laws niya." Natawa si Jethro pero walang kasing pait ang dating niyon sa kanyang pandinig. "Noong
una, ayoko pa ngang maniwala. But Rodrigo had no reason to lie. Para na rin kaming magkapatid. So,
I went there. It turned out... it was their love nest."
Napasinghap siya. "Kuya..." Kinabig siya ng kapatid at muling niyakap. Gusto sana niyang kumawala
pero lang iyong humigpit.
"Dyan ka na muna. I don't want you to see me with these awful tears. It'll freak you out."
"I'm sorry."
"Ginamit niya lang ako para hindi mahalata ng malalapit sa kanya na may relasyon sila ng manager
niya, because the lucky bastard already has two kids and a wife who's probably just as stupid as me,"
parang walang narinig na sagot ng Kuya Jethro niya. "Pero mahal ko siya at wala na akong pakialam
sa salitang pride nang mga oras na 'yon. Instead, I asked her to leave him and marry me. But she was
cruel... until the very last minute. Pinili niya pa rin si Chad. Dahil mahal niya raw... si Chad."
KASABAY ng pagpikit ni Jethro ay ang pagbuhos ng mga alaalang sinikap niyang kalimutan sa
nakalipas na mga buwan pero madalas ay bigo siya dahil para iyong anino na parating nakasunod sa
kanya at hindi niya maitaboy-taboy kahit ano pang gawin niya.
"He left me, Jet."
Natigilan si Jethro pagkarinig sa sinabing iyon ni Cassandra pagkatapos niyang sagutin ang tawag ng
dalaga. Ilang linggo na rin silang walang komunikasyon nito pagkatapos nilang maghiwalay pero wala
pa ring nagbago dahil muli pa rin niyang naramdaman ang pagkabuhay ng kanyang puso nang muling
marinig ang boses nito. Pero agad rin iyong naglaho nang ang pag-iyak ni Cassandra sa kabilang linya
ang sumunod na narinig niya.
"Iniwan niya ako nang malaman niyang buntis ako, Jet."
Napahugot siya ng malalim na hininga. Kung siya lang ang pinili noon ni Cassandra, kahit kailan ay
hindi niya ito iiwan. Pangmatagalan ang nakahanda niyang ialok rito. Pero mas pinili nito ang alam
nitong panandalian lang. Handa siyang tanggapin ang anak nito at pakasalan pa rin ito sa kabila ng
mga nangyari. Ganoon niya kamahal si Cassandra.
Tuluyan nang nawalan ng gana sa mga binabasang dokumento si Jethro. Isinandal niya ang likod sa
swivel chair. Sa kabila ng pagod ay hindi niya magawang makapagpahinga. His mind and heart were
both restless. "And what do you want me to do now?"
Say you'll come back to me, Cassandra. Just say the word... and I swear; I will come running to you.
Napakaraming plano ni Jethro para sa kanilang dalawa. Isa sa mga iyon ay ang pag-amin sa publiko
ng tungkol sa relasyon nila ng dalaga. Gusto sana niya iyong gawin sa mismong araw ng pagpo-
propose niya na hindi na nabigyang katuparan. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong
maipakilala si Cassandra sa kanyang abuela pati na sa nag-iisang kapatid. Gusto niya sanang dalhin
ang dalaga sa Spain at pormal na ipakilala sa dalawa kapag fiancée niya na ito. He drew a sharp
breath upon the thought.
"Tulungan mo akong makausap siya, Jet. Wala na akong malapitan pang iba bukod sa 'yo. Hindi ko
kakayanin kapag nawala siya. Baka mabaliw ako."
The moment of hope was gone. Dumiin ang pagkakahawak niya sa kanyang cell phone kasabay ng
muling pagkadurog ng kanyang puso. Bakit ba kasi umasa-asa pa siya? "That's it?" Natawa siya pero
wala iyong buhay kahit sa kanyang pandinig. "How can you be this harsh, Cassandra? Ano'ng nagawa
ko sa 'yo para tratuhin mo 'ko nang ganito?"
"I-I'm sorry, Jet-"
"Para saan? Sa panggagamit mo sa 'kin? Sa pagpapaniwala sa 'king mahal mo ako? Or for calling me
to help you after he left you?"
Nang hindi kaagad nakasagot sa kabilang linya si Cassandra ay pinindot na ni Jethro ang End button.
Inalis niya ang sim card ng cell phone at itinapon sa trash can na malapit sa kanya.
Mapait siyang napangiti nang mapasulyap sa wristwatch. Alas-nuwebe y media na ng gabi pero nasa
opisina pa rin siya at isinusubsob ang sarili sa trabaho para lang makalimutan si Cassandra kahit na
sandali.
Pagkalipas ng tatlong araw ay sumunod siya sa kapatid sa Spain, umaasang maiibsan kahit paano sa
kanyang puso ang sakit. Pero kahit naroon na siya ay hindi pa rin niya napigilan ang sariling
pasubaybayan si Cassandra kay Rodrigo sa Pilipinas kaya alam niya ang lahat ng nangyari sa dalaga.
"Bakit ka nandito?" Nahinto si Jethro sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang namamaos na boses ni
Christmas. "Dahil mahal mo pa rin si Cassandra, 'di ba? Kaya hindi mo mapigilan ang sarili mo na
makita siya. It's funny how we fell in love with the people who constantly hurt us." Kumawala ang
kapatid sa yakap niya at deretsong tumitig sa kanyang mga mata. "Pero masaya akong malaman na
wala ka palang kinalaman sa nangyari kay Cassandra, Kuya."
"Layuan mo na si Throne simula ngayon-"
"Hindi ko kaya. Mahal ko siya, Kuya."
He gritted his teeth. Kailan ba sila tatantanan ng mga Madrigal?